Chapter 66

2105 Words

Pagpasok pa lang ni Jace sa Rosaventi mansion, ramdam na niya ang bigat ng hangin. Tahimik pero hindi magandang uri ng tahimik—iyong tahimik na alam mong may pinaplano sa likod ng bawat pinto. At hindi siya nagkamali. Nasa main lounge ang mommy niya, si Helena, umiinom ng tea na parang walang nangyari kagabi. Nandoon din ang parents ni Ariana. Stiff ang mga postura at nakangisi nang pilit. At si Ariana naman ay nakaupo, naka-cross legs, at may ngiti na parang nanalo na siya bago pa magsimula ang laban. Para kay Jace, hindi na nakakatawa. Nakakasulasok na. Ilang ulit pa ba niyang dapat sabihin para tumigil na ang mga ito. Pagkakita nila sa kanya, parang sabay-sabay pa silang lumapit, pero mas mabilis si Helena na hinawakan agad ang braso niya. “Perfect timing, anak,” bungad niya at may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD