Hindi ko alam kung anong klaseng multo ang nakaupo ngayon sa pagitan namin ni Jenny, pero ramdam kong ako ang gumawa nito. Ako ang dahilan kung bakit hindi ko ngayon maabot ang anak kong ngayon ko pa lang nakita. At bakit nanginginig ang kamay ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili na lumapit. Pero bago ang kahit ano, sumisiksik sa utak ko ang lahat. Lahat ng taong ginugol ko para hanapin siya. Lahat ng gabing hindi ako nakatulog, iniisip kung nasaan siya, kung okay ba siya, kung pinatawad ba niya ako kahit minsan. At ngayong nasa harap ko siya at ang anak namin, pakiramdam ko wala na akong karapatang huminga. ⸻ Three years ago Every night, I searched for you, Jenny. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong pumunta sa condo mo kahit alam kong wala ka na roon. Ilang beses akon

