Chapter 71

2108 Words

Pagkatapos ng tensyon sa loob, lumabas si Jenny para pakalmahin si Elijah. Naiwan sa sala sina Jace at ang ama ni Jenny. Tahimik. Mabigat. Parang bawat hinga ay delikadong galawin. Si Mr. Alvarez ang unang nagsalita, hindi man lang tinitignan si Jace. “Kung ako lang ang masusunod, hindi ka na makakabalik dito,” aniya, mababa ang boses, puno ng seryosong babala. “Pero anak ko at apo ang involved, kaya gusto kong marinig kung ano ba talaga ang balak mo.” Huminga si Jace nang malalim. Hindi siya umatras, hindi siya umiiwas. Tumayo siyang diretso, parang alam niya na hindi sapat ang kahit anong paliwanag pero magsasabi pa rin siya. “Sir,” panimula niya, mahinahon pero buo, “wala akong dahilan para pagtakpan ang mga kasalanan ko. Nasaktan ko si Jenny, sinaktan ko siya nang sobra. At walan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD