Ginabi na si Jenny sa trabaho. Pagod siya, nangangalay ang balikat, at ang iniisip niya lang ay makauwi, maligo, at matulog nang mahimbing. Pero paglabas niya ng building ay napatigil siya bigla. Sa tapat mismo ng entrance ay nakasandal si Jace sa sasakyan, naka-black polo, mukhang bagong gupit, at parang sobra ang confidence kung paano ito nakatayo. At si Elijah naman ay nakataas ang kamay, todo kaway sa kanya, mukha pang excited na excited sa tabi ng ama niya. “Mommy!!!” Hindi niya napigilan ang ngiti. Hindi ‘yung pilit. ‘Yung tipong biglang may humaplos sa puso niya. May marahang kumaladkad pataas sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. “Why does this feel so warm? So right?” Lumapit siya na nakangiti pa rin kahit pagod. “Ano’ng nangyari at nandito kayo?” “Wala,” sagot ni J

