Pagpasok pa lang ni Jenny sa office ay nahirapan siyang huminga sandali nang makita ang sekretarya niya na halatang kinakabahan. “Ma’am, may naghihintay po sa loob.” Hindi pa man sinasabi kung sino ay may kutob na siya. Pagbukas ng pinto ay tumama agad sa paningin niya si Helena Rosaventi. Naka-elegant na cream suit, pearl earrings, at isang bag na siguradong mas mahal pa sa sweldo ng tatlong buwan. Matigas ang postura. Malamig ang tingin. Pero may bahid ng pagmamakaawa na ayaw nitong ipakita. “Miss Alvarez,” bungad nito. “We need to talk.” Hindi nag-react si Jenny. Hindi man lang kumurba ang labi. “Fine,” sagot niya, steady at professional. “Pero hindi rito. Let’s go somewhere private.” Paghakbang nila papasok ay automatic silang binigyan ng VIP private booth. Tahimik. Sleek

