Chapter 7

2156 Words
Pagbalik ni Jenny sa dorm ay ramdam pa rin niya ang adrenaline ng araw. Pagod ang katawan pero gising ang isip. Buong gabi ay tumatambad sa newsfeed ng university group chat ang mga litrato mula sa photoshoot at halos lahat ng komento ay iisa ang sinasabi. “Sino ‘tong girl sa beige gown?” “Ang classy naman niya.” “Grabe, parang hindi estudyante. Ang composed!” Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya. Ang totoo, gusto lang naman niyang makasali, hindi para sumikat. Pero ngayon, parang ang daming matang nakatingin. “Jenny!” halos pasigaw si Suzanne pagpasok sa kwarto niya. Hawak nito ang phone at kitang-kita ang kilig sa mukha. “Girl! Ikaw ang trending sa campus page! Ang dami mong fans!” “Huy, huwag kang maingay,” natatawang sagot ni Jenny. “Nakakahiya kaya. Parang ang OA naman nila—” “OA? Hello, kung nakita mo lang ‘yung comments! Lahat sila, gustong malaman kung anong section ka, pati department!” Napailing na lang siya, pero sa loob-loob niya ay may bahagyang tuwa. Hindi dahil sa fame, kundi dahil pakiramdam niya, may na-prove siya, na kaya pala niyang tumindig kahit may gustong sumira sa kaniya. Kinabukasan ay balik klase na. Habang naglalakad siya sa hallway ay napapansin niya ang mga sulyap ng mga estudyante. May mga ngumingiti at may mga nagbulungan. “Uy, ‘yan ‘yung candidate sa pageant!” “‘Yung nasirang gown pero nakapag-shoot pa rin? Idol!” Hindi niya alam kung matatawa o mahihiya. Pero bago pa siya makapag-isip ay may narinig siyang pamilyar na boses. “Jenny?” Paglingon niya ay si Joshua. Nakasandal sa pader at nakasuot ng simpleng puting polo. Gano’n pa rin ‘yung presensiya, ‘yung tipong kapag dumaan ay mapapatingin ka talaga. “Joshua,” mahina niyang sabi. Ngumiti ito, pero may halong pagtataka. “You’ve changed a lot.” Ngumiti rin siya. “Kailangan eh? New environment, new start.” Tahimik sandali. May mga estudyanteng dumaraan, pero tila silang dalawa lang ang nag-uusap sa mundo. “I saw your photos,” sabi ni Joshua sa wakas. “You looked… confident. I didn’t expect—” “Na kaya ko?” sabat niya, pero may lambing sa tono. Ngumiti lang ito, pero halatang nagulat sa tapang ng sagot niya. “Hindi naman sa gano’n. Just… surprised.” “Bakit?” tanong niya, nakatingin diretso. “Surprised na hindi ako nasiraan ng loob?” Hindi agad sumagot si Joshua. Sa halip, tiningnan niya lang ito nang matagal, parang may gustong sabihin pero piniling huwag. “Good luck sa competition,” iyon lang ang nasabi niya bago tumalikod. Naiwan si Jenny na nakatulala. Hindi niya alam kung bakit biglang lumamig ang hangin, pero may kirot pa rin sa dibdib. Huminga siya nang malalim at natawa nang pagak. Kinahapunan, sa library ay naroon siya kasama si Suzanne. Parehong abala sa pagbabasa ng review materials. Tahimik ang paligid at puro tik-tak ng keyboard at pag-turn ng pages. “Uy,” bulong ni Suzanne, “si Kuya Jace ‘yata ‘yon.” Paglingon ni Jenny ay nakita niya si Jace sa kabilang mesa na nakayuko habang nagta-type sa laptop. May mga papel na nakakalat — halatang thesis o research. Hindi niya na sana papansinin, pero nang magtaas ito ng tingin ay nagtagpo ang mga mata nila. Isang simpleng tingin lang, pero sapat para maramdaman ni Jenny ‘yung kakaibang kirot ng hiya at pasasalamat. Naglakad siya papunta ro’n. “Kuya Jace.” Tumingala ito. “Jenny.” “Gusto ko lang magpasalamat ulit,” sabi niya nang mahina. “Dahil kahapon… kung hindi mo ako tinulungan, baka sumuko na ako.” Tumango lang ito, walang gaanong emosyon. “Hindi mo naman kailangan magpasalamat. You handled it well. I just did what I could.” “Pero malaking tulong na ‘yon,” sabat ni Jenny. “Hindi lahat may lakas ng loob tumulong sa taong halos hindi naman nila kilala.” Tumigil sandali si Jace, saka marahang ngumiti. ‘Yung tipong halos hindi mo mapansin pero may bigat. “Sometimes, helping someone is easier than pretending not to see.” Napaisip si Jenny. Simple lang ang sinabi, pero tumama. Nagpaalam siya pagkatapos ay bumalik sa mesa nila ni Suzanne. Habang nag-aaral sila ay napapatingin pa rin siya sa direksyon ni Jace. Tahimik ito at focused, parang walang pakialam sa paligid. Pero sa isip ni Jenny, paulit-ulit ang linyang sinabi nito. Helping someone is easier than pretending not to see. Ilang araw pa ang lumipas, at lalong dumami ang mga nakakakilala kay Jenny. Minsan nakakaramdam siya ng saya, minsan ng pressure. Pero sa bawat oras na nagdududa siya sa sarili, naaalala niya ang araw ng photoshoot — ‘yung takot, ‘yung punit na gown, at ‘yung kamay na tahimik na tumulong sa kanya. Si Jace, sa kabilang banda, hindi na niya masyadong nakikita. Busy sa thesis defense at internship. Pero paminsan-minsan, nagkakasalubong sila sa corridor at sa bawat tagpo, isang tango lang ang palitan nila, sapat para mag-iwan ng tahimik na koneksyon. Ngayon niya lang na-realize na mas masaya pala ang buhay kung may Kuya. ⸻ Isang gabi, habang naglalakad pauwi si Jenny mula sa library ay nagulat siya nang makita si Joshua sa may gate, nakatayo at tila may hinihintay. “Jenny,” tawag nito. “Bakit ka nandito?” tanong niya, halos pabulong. “Wala,” sagot niya. “Gusto ko lang makausap ka.” Tahimik silang naglakad papunta sa bench sa tapat ng garden. Ilang sandali pa ay walang nagsalita. “Jenny,” basag ni Joshua sa katahimikan, “hindi ko akalaing susunod ka rito noon.” Ngumiti siya, pero may halong pait. “Ni ako rin, hindi ko akalaing kaya ko.” “Bakit mo ginawa?” tanong nito. “Because I wanted to be near you,” sagot ni Jenny diretso. “Pero ngayon… naiintindihan ko na, hindi lahat ng dahilan ay kailangang panghawakan.” Tahimik si Joshua. “You’ve really changed,” sabi niya sa huli. “At least ngayon,” sagot ni Jenny, “hindi na ako ‘yung Jenny na lagi kang sinusundan.” Tumango ito saka marahang ngumiti. “Good for you.” Pagkatapos no’n ay tumayo si Joshua at nagpaalam. Naiwan si Jenny sa bench, nakatingin sa mga ilaw ng campus. Hindi na siya umiiyak — kasi alam niyang tama na ang ganitong closure. Akala niya may kung anong importante itong sasabihin pero wala naman pala. At sa ‘di kalayuan, sa kabilang pathway ay napatingin si Jace sa kanya — tahimik lang, hawak ang cellphone habang tila sinusulyapan siya. Hindi siya lumapit, pero sa tingin pa lang, alam niyang nakita rin niya ‘yung tapang na unti-unti niyang natututunan. Mabilis lumipas ang mga araw matapos ang photoshoot. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang routine ni Jenny. Class, library, tapos bahay ni Suzanne kapag may group project o tambay lang. Pero kahit parang tahimik na ulit ang mundo niya, may kakaibang bago. Hindi naman nila sinasadya, pero palagi na lang silang nagkakasalubong ng Kuya Jace niya which is good. Minsan sa cafeteria, sa library, minsan pa nga sa hallway ng Tourism Department kahit Accountancy student siya. “Ang weird no?” bulong ni Suzanne minsan. “Parang destiny na lagi kayong nagkikita ni kuya.” “Uy, huwag mo nga akong ginaganyan,” sagot ni Jenny habang inaayos ang notes niya. “Si kuya mo, masyadong seryoso para sa ganyan.” “Eh bakit ‘pag ikaw ang kausap, natatawa siya?” “Baka natawa lang sa mukha ko,” natatawang tugon ni Jenny, sabay pikit para itago ang ngiti. ⸻ Samantala, sa kabilang banda, nasa student lounge naman si Jace kasama ang barkada niyang puro lalaki — sina Enzo, Kyle, at Raph. Sila ‘yung tipo ng grupo na matatalino pero mahilig manukso kapag may napapansin. “Pre,” bungad ni Enzo habang kumakain ng fries, “aminin mo na, type mo ‘yung friend ng kapatid mo.” Hindi agad sumagot si Jace. Nakakunot lang ang noo habang nagbabasa ng laptop screen. “Who?Jenny? Shut it! She’s Suzanne’s bestfriend,” sagot niya. “Teka, eh bakit palagi mo siyang pinagtatanggol?” sabat ni Kyle. “Noong nagka-issue sa gown, ikaw unang tumakbo. Hindi mo nga ‘yon ginagawa kahit sa mga blockmates mo.” “It was the right thing to do,” sagot ni Jace kalmado. “At saka, she’s… like a sister. Mabait siya, pero—” “Pero?” singit ni Raph sabay tawa. “Pero cute?” Napahinto si Jace sa pagta-type. Sandaling tumikhim, saka tumingin sa kanila nang matalim. “She’s younger than us. Kaya tigilan niyo ‘yang mga ganyang biro.” “Grabe naman defensive,” pang-aasar ni Enzo. “Sige na nga. Pero kung ayaw mo, baka kami na lang.” “Bahala kayo,” sagot ni Jace na parang walang pakialam. Kinabukasan, habang nasa may university garden, biglang lumapit si Raph na may dalang maliit na paper bag. “Pre, favor naman. Kilala mo si Jenny ‘di ba?” Nagtaas ng kilay si Jace. “Oo, bakit?” “Pakibigay mo ‘to. Gift lang. Valentine’s week kasi,” sabi nito sabay ngiti. “Bakit ako?” “Eh kasi close kayo, ‘di ba? Hindi naman kami close, baka weird kung ako. Sige na.” “Teka—” pero bago pa siya makatanggi, iniabot na ni Raph ang bag at tumakbo. “Salamat pre, ikaw na bahala!” Naiwan si Jace na nakatitig sa gift. “Freak!” Sa hapon ding ‘yon ay nagkita sila ni Jenny sa hallway. Nakasalubong niya ito habang papunta sa class. “Kuya Jace?” Tiningnan niya ito sandali, saka iniabot ang paper bag. “Uh… may nagpapabigay.” Ngumiti si Jenny, nagulat. “Ha? Para saan ‘to?” “Gift daw. From… someone.” “Hindi ba sinabi kung sino?” “Hindi ko naman tinanong,” simpleng sagot niya, pero halatang naiilang. “Ginawa lang akong messenger.” Natawa si Jenny. “So ikaw pala ngayon ang official delivery boy ng university.” “Apparently,” sagot ni Jace na may bahagyang ngiti. “At mukhang hindi ito last.” “Sorry Kuya,” nahihiyang sambit ni Jenny. Hindi nga. Pagkalipas ng ilang araw ay sunod-sunod na gifts ang ipinabibigay sa kaniya. May chocolate, may handwritten letter, minsan pa may stuffed toy. At sa bawat pagkakataon, si Jace pa rin ang messenger. Isang hapon sa student lounge, napabuntong-hininga siya habang may hawak na maliit na envelope. “Pre, pangatlo na ‘yan ah,” biro ni Enzo. “Hindi ka ba naiinggit? Kung ako ‘yan, matagal ko nang binasa ‘yung sulat bago ibigay.” “Tigilan niyo nga ako,” sagot ni Jace. “Ginagawa ko lang ‘to para matapos na. This is the last time that I’ll do this.” “Sure ka lang ba riyan?” tanong ni Kyle. “Kasi parang napapansin ko, tuwing nakikita mo ‘yung girl na ‘yon, parang may soft background music.” Napatingin lang si Jace nang masama. “Nonsense.” Pero kinagabihan, habang nagre-review, naaalala pa rin niya ‘yung tawa ni Jenny noong tinawag siyang “delivery boy.” Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong gaan sa pakiramdam. Sa kabilang banda, si Jenny naman ay minsan ay napapailing kapag nakikita si Jace dala ang mga regalo. “Kuya Jace, baka magalit ‘yung crush mo, oh,” biro niya minsan habang inaabot ang gift. “What?” kunot-noong sagot nito. “Wala akong crush.” “Eh bakit parang ikaw ang mas nahihiya kaysa sa nagbigay?” “Jenny, trabaho lang ‘to,” sagot ni Jace, halatang naiilang pero may bahagyang ngiti. Ngumisi siya. “Sige na nga. Pero salamat ha. Alam kong nakakahiya rin para sa ‘yo minsan.” “Medyo,” amin ni Jace. “Pero mas nakakahiya kung makikita kitang nagdadala ng gift sa sarili mo.” Napatawa si Jenny. “So concern ka pa rin pala.” “Responsibility lang,” mabilis nitong sagot, sabay tingin sa ibang direksyon. Pero kahit sinabi niyang “responsibility lang,” may kung anong kilig na gumapang sa dibdib ni Jenny. Hindi pa niya alam kung ano ‘yon. Appreciation, admiration, o kung ano pa man pero ramdam niyang kakaiba. At si Jace, kahit pilit niyang tinatanggihan sa isip, alam niyang may binabago na si Jenny sa araw-araw niyang routine. Hindi na lang siya basta kapatid ng kaibigan niya. Hindi na rin lang ‘yung babaeng tinulungan niya sa nasirang gown. Unti-unti, si Jenny na ‘yung iniisip niya tuwing tahimik na ang library, tuwing nakikita niyang may nag-aabot na sulat para sa kaniya, at tuwing nahuhuli niyang napapangiti siya nang hindi niya namamalayan. Dapat hindi siya pumayag na maging delivery boy. Pero ginusto niya kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD