"Upo ka muna nak." seryosong bungad ni Papa sa akin. Kahit hindi man nila ako tatanungin kung sino yung naghatid alam kong nagtataka sila kasi ito ang unang beses na may naghatid sa amin maliban kay Luke na palagi naming kasamang mamasyal na nakasanayan na din nila mama. "Alam namin ng mama mo na nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang tama sa mali at ayaw namin na pangunahan ka sa mga desisyon mo. Wala kaming tutol kung sakaling isang araw maisipan mong umibig ulit. Pero isa lang ang hihilingin namin sayo, piliin mo yung taong mamahalin ka buo pati ang mga anak mo." Tumango ako. Ito ang unang beses na nagbukas si Papa ng ganitong usapin. "Si Luke, hindi ko alam kung anong tunay na namamagitan sa inyo pero ito lang ang masasabi ko sa kanya. Mabait siyang tao, magalang at mapagmahal. Ku

