Mataas na ang sikat ng araw subalit si Mattias ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Humihilik pa siya at walang kamalay-malay na ang babaing kapiling niya buong magdamag ay nakabihis na at naghahanda na sa pag-alis. Sa malamig na kuwartong iyon na naging saksi ng mainit na pagsasanib ng kanilang katawan ay dahan-dahang pinihit ni Lady Abby ang seradura ng pinto matapos ilapag sa bed side table ang sulat para sa binata. "I think I'm falling in love with you, Matt, pero natatakot ako para sa 'yo," usal niya sa sarili habang nakatingin sa hubo't hubad na katawan ng binata. "Kapag nagawa ko na ang pinangako ko sa aking ama ay babalikan kita." Isinara na niya ang pinto at lumabas na ng condo. Kasabay ng pagsara niya ng pinto ng condo ay ang pagtagilid ng higa ni Mattias sa kama. Kinapa n

