bc

Chasing The Mafia Queen

book_age18+
4.3K
FOLLOW
26.6K
READ
billionaire
dark
sex
one-night stand
arrogant
manipulative
kickass heroine
dare to love and hate
mafia
gangster
like
intro-logo
Blurb

Hindi akalain ni Lady Abby na ang lalaking naka-one night stand niya at minahal nang husto sa loob ng tatlong buwan ay ang anak ng mafia boss na si Don Ismael na mortal na kaaway ng kanilang pamilya. Isang sampal ang iginawad sa kaniya ng sariling ama nang malaman nito na nagbunga ang ilang buwan na pakikipagmabutihan niya sa lalaking iyon. Kasabay niyon ay napagpasyahan ng kaniyang ama na ipalaglag ang bata dahil sa sumpa na dala ng dugong nananalaytay sa hindi pa naisisilang na sanggol.

Hindi natuloy ang balak ng ama niya na si Don Redentor dahil ilang araw lang ang lumipas ay namatay ito sa isang engkuwentro. At dahil sa nangyari sa ama, ay napagpasyahan niya na palakihin ang bata na hindi nakikilala ang sariling ama na si Mattias.

Sa pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Redentor ay siya ang humalili sa posisyon nito. Isang malupit, mabagsik at walang sinasantong Mafia Queen—siya si Lady Abby. Lahat ng nanakit sa kaniyang pamilya ay luluhod sa paanan niya.

Ngunit paano kung sa bawat plano niyang paghihiganti ay nakaharang si Mattias, ang lalaking minahal niya nang todo? Paano kung dumating ang araw na malaman ni Mattias na nagbunga ang ilang beses nilang pagniniig at puwersahang kunin sa kaniya ang sanggol para pahirapan siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pakiramdam ni Lady Abby ay isa siyang ibon na nakawala sa hawla dahil natakasan niya ang limang bodyguard na itinalaga ng kaniyang ama na magbantay sa kaniya kahit saan siya magpunta. Nagawa niyang linlangin ang mga iyon nang walang kahirap-hirap. Palibhasa ay bata pa lang ay sinanay na siya ng kaniyang ama na maging tuso at mapanlinlang. Dumiretso siya sa isang kilalang bar. Agad niyang inukopa ang mesa na naroon sa sulok saka umorder ng mamahaling alak. Nangingiti siya sa sarili nang maalala kung paano niya pinatulog ang limang bodyguard at iniwan ang mga 'yon sa sasakyan. Ano pa nga ba ang aasahan sa isang taong kagaya niya na anak ng isang lider ng mafia? Kahit babae siya ay hindi matatawaran ang galing niya sa pakikipaglaban. Kaya niyang makipagsabayan sa mga tauhan ng kaniyang ama. Agad niyang kinuha ang bote ng alak na kalalapag lang ng waiter. Nagsalin siya sa baso at agad iyong tinungga. Napapikit siya. Gusto niya ang lasa niyon. Ramdam niya ang init ng mapait na likido habang suwabeng dumadaloy sa kaniyang lalamunan. Ganito ang gusto niya. 'Yong malaya siyang umiinom sa maingay na bar. Mas gusto niyang mag-isa kaysa tawagan at ayain ang nag-iisa niyang kaibigan na si Vena. Ayaw niya ng may kasama dahil baka magkaroon ng gulo ay wala siyang ibang iisipin kundi ang sarili lang. Matiwasay naman ang buhay niya dahil walang nakakakilala kung sino talaga siya. Malaya siyang nakakapunta saan mang lugar niya gustuhin basta may kasamang bodyguard. Walang nakakaalam na siya ang nag-iisang anak ni Don Redentor, ang lider ng pinakamabagsik na mafia group sa kanilang lugar. Pangatlong baso na niya iyon at napapasigaw siya habang sinasabayan ang rock music sa loob ng bar na iyon. Madilim sa paligid maliban sa paminsan-minsang pagtama ng neon lights sa gawi niya. Tipsy na siya ngunit kaya niya ang sarili. Alas onse na ng gabi nang pumasok ang tatlong kalalakihan sa bar kung saan naroon si Lady Abby. Agad na inukopa ng tatlong iyon ang bakanteng mesa malapit sa mesa ng huli. Nagtatawanan pa ang mga iyon na animo'y may magandang nangyari at kailangan ng isang selebrasyon. "Huwag n'yo lang sasabihin kay dad na naka-engkuwentro natin ang grupo na 'yon," natatawang wika ni Mattias. "Natitiyak kong magngangalaiti iyon sa galit kapag nalaman na pinatakas natin 'yong isa." "Bakit ba naman kasi gano'n ang desisyon mo, boss?" anang isang lalaki na may katabaan. "Puwede naman nating patayin 'yon." "Tanga ka ba?" inis na saad ni Mattias. "Kung tinuluyan natin 'yon, e, di wala ng magsusumbong sa amo nila. Mindset, Tabs, mindset." Tumawa ito saka lumagok ng alak. "Oo nga naman, Tabs," wika ng lalaking mahaba ang bigote. "Tama naman si Boss Mattias." Paubos na ang isang bote ng alak na naroon sa mesa ni Lady Abby. Kinawayan niya ang waiter para umorder ng panibago. Sa lakas ng sigaw niya ay natawag ang pansin ng grupo ni Mattias. Napangiti ang dalawang lalaki na kasama ng huli nang mapatingin sa gawi ni Lady Abby. "May hitsura, Boss Mattias," saad si Tabs nang tumama saglit ang neon lights sa mukha ni Lady Abby. Malakas ang boses nito para marinig ng amo. Halos hindi sila magkaringgan sa lakas ng rock music doon. "Puntahan mo kaya, Boss," segunda naman ng isa. "At makipagkilala ka. Hanep 'yan, boss, walang kasama. Ang seksi pa." Ngumisi lang si Mattias. Wala sa isip niya ang mambabae sa gabing ito. Narito sila para uminom ng alak. Isa pa, nagsawa na siya sa mga babae. Ilang dosenang babae ang dumaan sa buhay niya at lahat sila ay iisa ang gusto: na mahalin din sila ni Mattias. Naibuga niya ang alak sa kaniyang bibig nang sumagi sa utak niya ang salitang mahal. Walang-wala iyon sa bokabularyo niya. Para sa kaniya ay isang laruan ang mga babae na kapag nagsawa na siya ay dapat na niyang itapon sa isang tabi. "Boss, naman," reklamo ni Gango dahil sa mukha nito naibuga ni Mattias ang alak. Agad nitong inabot sa ibabaw ng mesa ang tissue at pinunasan ang sariling mukha. Tumawa lang si Mattias at hindi sinasadyang mapadako ang paningin niya sa mesa ni Lady Abby. Natigilan siya nang mga sandaling iyon dahil nakatingin din sa kaniya ang dalaga. Nawala ang ngiti sa mukha niya. Sumeryoso ang kaniyang mukha at kahit nawala na ang maharot na neon lights sa gawi ni Lady Abby ay hindi pa rin maalis ang paningin niya roon. Agad na tumaas ang isang kilay ni Lady Abby nang mapansin niyang ilang segundo rin siyang nakatitig sa lalaking naroon sa kabilang mesa. Ibinalik niya ang paningin sa dance floor at sumimsim ng alak. Waring nawala ang kaniyang kalasingan dahil sa ngiti ng lalaking iyon. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng tila nagbabarilan sa kaniyang didbib habang nakatingin sa lalaking iyon. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero attracted siya sa taong iyon. Kakaiba nga lang dahil parang may kung anong bagay na nagtutulak sa kaniya para lapitan ang kabilang mesa. Hindi niya ugali ang makipagkilala pero iyon ang nararamdaman niya sa ngayon. Mayamaya ay tumayo si Mattias at lumapit kay Lady Abby. Inilapat niya ang magkabilang kamay sa armrest ng kinauupuan ng dalaga. Inilapit niya ang mukha saka bumulong sa nakakaakit na tinig, "Can I join you, Sweetheart?" Napalingon si Lady Abby at hindi sinasadyang magkalapit ang kanilang mga mukha. Ilang pulgada lang ang espasyo sa pagitan nila. Sa maharot na liwanag ng neon lights ay namamasdan niya ang kaguwapuhan ng binata. Natulala siya. Hindi siya makagalaw. Umawang din ang kaniyang labi at nanatili siyang nakatitig sa mukha nito. Hindi naman maintindihan ni Mattias ang nangyayari. Tila may bato balani ang maamong mukha ng dalaga at hindi niya maalis ang paningin dito. Ayaw man niyang aminin, pero pakiramdam niya ay nakatagpo na siya ng babaing magpapaluhod sa kaniya. Nang hindi pa rin nagsasalita ang dalaga, ay hinalikan ni Mattias ang nakaawang nitong labi. Marahan ngunit agad din niyang itinigil nang maramdaman na tila naninikip ang suot niyang maong pants. Kakaunti pa lang ang naiinom niyang alak, ngunit pakiwari niya ay napakainit ng buong katawan niya. Hahalikan na sana niyang muli si Lady Abby nang walang anu-ano'y isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwa niyang pisngi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.1K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook