Chapter 2

1034 Words
Gigil na gigil si Mattias sa babaing kaharap. Gusto na niya itong suntukin, subalit hindi niya maintindihan kung bakit tila may pumipigil sa loob niya na gawin iyon. Kung ibang babae ang may gawa niyon sa kaniya ay malamang na sa mga sandaling ito ay ginawaran na niya ng ilang tama ng bala sa ulo. Naiinsulto siya sa ginawa nitong pananampal sa kaniya. Pakiramdam niya ay isa siyang nakakadiring lalaki na dapat iwasan. Waring may sakit na nakakahawa samantalang pinag-aagawan at sinasamba siya ng mga kababaihan, pero tila iba ang tingin sa kaniya ng babaing kaharap. Napangisi na lang siya saka hinaplos ang kabilang pisngi kung saan dumapo ang palad ng dalaga. Aaminin niya sa sarili na mabigat ang kamay nito. Parang sanay na sanay manampal. Katunayan ay tila nabingi siya sa ginawa nito. "Nice one, Sweetheart," nakangisi niyang saad at muling pinasadahan ng tingin ang mukha ni Lady Abby. "You are feisty and I like it...especially in bed." Naaninag ni Lady Abby ang ngisi sa mukha ni Mattias. Hindi niya alam kung bakit sa mga sandaling iyon ay tila nahihipnotismo siya sa mga titig nito. Mga titig na may kakaibang hatid sa kaniyang dibdib. Hindi niya naman talaga gustong sampalin ang lalaking bigla na lang lumapit sa kaniya. Umandar lang ang pagiging maldita niya at naiinis siya kapag may bigla na lang magtatangka na manghalik sa kaniya nang hindi man lang nagpapaalam. Sa lahat ng ayaw niya ay 'yong ninanakawan siya ng halik kahit sa pisngi. "Sh*t!" mura ni Lady Abby. Aaminin niya na may hitsura ang lalaking kaharap, pero hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig nito. Tumayo na lang siya at akmang tatalikod na nang bigla niya na lang maramdaman ang braso nito na pumulupot sa baywang niya. "Not so fast, Sweetheart," seryosong saad ni Mattias saka pinaharap si Lady Abby. Magkasing tangkad lang sila kaya agad na nagtama ang kanilang mga mata. Nagkatitigan sila nang ilang segundo. Hindi nila alintana ang ingay sa paligid dahil tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Pakiramdam nila ay silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon. Sa ilalim ng malamlam na ilaw at maharot na musika ng bar na iyon ay kapwa nila inaaninag ang mukha ng isa't isa. Wala silang imik at tanging ang kanilang mga mata ang nag-uusap. Bakas sa mga hitsura nila ang pagkainis, subalit kasabay niyon ay ang paghanga sa isa't isa na hindi nila maitanggi sa kanilang mga sarili. Hinawakan ni Mattias ang braso ni Lady Abby at maingat na hinila patungo sa gilid. Naiinis talaga siya sa babaing ito, pero naaaliw rin siya sa angkin nitong lakas ng loob na kalabanin ang isang kagaya niya. Siya ang may-ari ng bar na ito, subalit tila hindi man lang siya nakikilala ng babaing nanampal sa kaniya. Mabuti na lang at naroon sila sa sulok at tanging ang dalawang tauhan niya lang ang nakapansin sa nangyari. Marahas na hinila ni Lady Abby ang sariling braso mula sa pagkakahawak ni Mattias. "D*mn you!" bulyaw niya rito. "Don't you ever touch me!" Muli, ay ngumisi na naman si Mattias. Pakiramdam niya talaga ay tila may isang bagay na taglay ang dalaga para mas lalo siyang magpursige na makilala ito. Kakaiba ito sa mga babaing naka-engkuwentro niya. Hindi pa man niya alam ang pangalan ay naroon na sa isip niya ang masidhing pagnanasa na maangkin ito. Ngayon niya mapapatunayan kung ang isang babae na gaya nito na may pagka-amasona ang dating ay mapapantayan ang init niya sa kama. "Ooops!" Itinaas ni Mattias ang dalawang kamay bilang pagsuko. "I am sorry." Hindi niya mapigilang mapangisi dahil sa sobrang pagkaaliw niya sa ugali ng kaharap. Parang nag-iimbita ito ng away na hindi naman niya mapaunlakan, unless kung sa kama ang kahahantungan nilang dalawa. Lihim na napamura si Mattias nang umangat ang kanang kamao ni Lady Abby at tumama iyon sa kaliwa niyang panga. Sumunod ang kaliwa nitong kamao subalit agad iyong nasalo ni Mattias gamit ang kanang palad. Sa laki ng kaniyang palad ay walang kawala ang kamay ni Lady Abby. Agad na hinawakan ni Mattias ang kabila nitong braso at maingat itong pinaharap sa pader saka bumulong sa tainga, "I am giving you a chance, Sweetheart, come with me." Marahan niyang hinalikan ang batok nito papunta sa leeg habang patuloy na bumubulong. "Promise, I will make you scream on top of your lungs while I kiss every part of your luscious body." Kinilabutan si Lady Abby nang maramdaman ang labi ng estranghero na gumagapang sa batok niya. Wala siyang inaksayang oras, nang medyo lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya ay agad niyang binawi ang isang kamay. Hinarap niya ito at sinuntok sa tiyan dahilan para mabitawan nito ang kabila niyang kamay. At dahil medyo madilim sa kinaroroonan nila ay walang nakapansin sa nangyari. Agad na tinungo ni Lady Abby ang pinto palabas, subalit napatigil siya sa paglalakad nang mapansing papasok si Islao, ang kanang kamay ng papa niya. Kasunod nito ang lima niyang bodyguard na tinakasan niya kanina matapos patulugin gamit ang gamot na ibinigay sa kaniya ng pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Imbes na lumabas, ay tinungo ni Lady Abby ang dance floor dahil napansin siya ng isa niyang bodyguard. Alam niya na siya ang pakay ng mga ito dahil kasama na si Islao na labis niyang kinaiinisan. Panay kasi ang panunulsol nito sa papa niya ng mga bagay na taliwas sa mga gusto niya. Pakiramdam niya ay ito ang nagpapatakbo sa buhay niya dahil palaging ang suhestiyon nito ang sinusunod ng kaniyang papa. Kagaya ng kung saan siya titira at kung saan siya mag-aaral. Inutusan ni Islao ang limang bodyguard na halughugin ang buong bar para lang makita si Lady Abby. Maingay pa rin ang rock music sa loob ng bar at walang nakakapansin na may isang taong nagtatago sa gitna ng dance floor kundi si Mattias. Nasaksihan ng huli kung paano umiwas si Lady Abby sa anim na kalalakihan na kararating lang. Masakit pa rin ang tiyan niya dahil sa panununtok ng babaing iyon, subalit ayaw niya namang ipahamak ang tao. Agad siyang humalo sa dagat ng tao na naroon sa dance floor at nang makita si Lady Abby ay agad niya itong hinila papasok sa isang lihim na daanan palabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD