Chapter 3

1059 Words
Isang matunog na sampal na naman ang dumapo sa pisngi ni Mattias nang tumigil sila sa paglalakad. Nakalabas na sila sa bar at ngayon ay naroon na sila sa parking area. Silang dalawa lang doon kaya magagawa niya ang bagay na hindi niya nagawa kanina sa loob. "Why did you slap me?" seryosong saad ni Mattias. Nawawalan na siya ng pasensiya sa babaing ito. Gustong-gusto na niya itong parusahan ng mga halik. He wants this woman naked in his bed while screaming his name and begging for his kisses. "You should thank me for helping you run away from those mobs. They are dangerous, you know that?" Napaawang ang labi ni Lady Abby. Alam niya na mapanganib nga ang mga iyon lalong-lalo na si Islao na ginawa na yatang panata sa buhay na gawing miserable ang buhay niya. Kaya ayaw niyang maabutan ng mga iyon dahil isusumbong na naman siya ng mga iyon sa papa niya. Natatakot siya na tuluyan ng bawiin ng kaniyang ama ang ibinigay nitong kotse at condo unit sa kaniya. Malamang pati ang bank accounts at ATM niya ay ipa-freeze nito kapag sinulsulan na naman ni Islao. Hiwalay siyang namumuhay sa papa niya. Malayo sa magulong buhay nito. Sa edad niyang beinte singko anyos ay nakatapos na siya sa kolehiyo at sa ngayon ay pinamamahalaan niya ang isang kompanya ng clothing line na itinayo ng mama niya noong nabubuhay pa ito. Wala naman sana siyang reklamo sa buhay kung hindi siya binigyan ng papa niya ng limang bodyguard na susunod-sunod kahit saan siya magpunta dahil kaya naman niya ang kaniyang sarili. Bata pa lang siya ay sanay na siyang ipagtanggol ang sarili dahil ganoon siya pinalaki ng mga magulang. "Ngayon kung hindi ka natatakot sa kanila, mas mabuti pa siguro na ibigay kita sa mga lalaking iyon." Hinablot ni Mattias ang kamay ni Lady Abby. "No!" malakas na sigaw ni Lady Abby nang kaladkarin siya ni Mattias patungo sa harap ng bar. "Please don't!" Natatakot talaga siya sa gagawin ng papa niya kapag nalaman nito na nagpunta siya sa club. Pinagbabawalan siya nito na magpunta sa ganoong establisimyento at malilintikan talaga siya kapag nagsumbong ang mga bodyguard niya. Kaya mas gusto niya na makauwi na sa condo nang sa ganoon ay walang ebidensiya ang mga asungot na iyon. Kaya niyang pabulaanan ang pagpunta niya sa bar basta huwag lang siyang mahuli sa akto. Lihim na napangiti si Mattias lalo na ng makawala ang babae mula sa pagkakahawak niya at tumakbo palayo sa kaniya. Iyon ang gusto niya sa isang babae, 'yong literal na pinapagod muna siya sa paghahabol at kapag nagtagumpay siya ay siya ang magdidikta sa susunod na laro. Laro na pinakapaborito niya at alam niyang magugustuhan ng kahit na sinong babae. Agad na napatigil sa pagtakbo si Lady Abby nang mapansin ang isang grupo ng kalalakihan na kabababa pa lang sa isang van. Estranghero sa kaniya ang mga mukha kaya panatag ang kaniyang loob na hindi iyon tauhan ng kaniyang papa. Umusbong ang takot sa dibdib niya nang mapansin ang ilan sa grupo na may sukbit na de-kalibreng baril. Agad siyang nagtago sa likod ng itim na van na nakaparada sa gilid nang walang anu-ano'y isang kamay ang bigla na lang nagtakip sa kaniyang bibig. "Don't you ever try to shout or else ibibigay kita sa mga lalaking 'yan," wika ng isang tinig. Hindi na pumalag pa si Lady Abby. Sinunod niya ang iniutos ng taong nagtakip sa bibig niya na walang iba kundi ang lalaking sinampal niya kani-kanina lang. Puwersahan siya nitong pinapasok sa nakabukas na kotse sa tabi ng pinagkukublihan niyang van. "Don't shout," patuloy na babala nito sa kaniya, "Kung gusto mong makaligtas sa kamay ng mga sanggano na 'yan," tukoy nito sa mga armadong lalaki. Hindi na nagsalita pa si Lady Abby. Parami na kasi nang parami ang mga armadong lalaki sa parking area na tila ba may hinahanap. Napansin niya rin ang lima niyang bodyguard na paparating at dahil ayaw niyang maipit sa napipintong kaguluhan, ay panay na lang ang tango niya sa bawat sabihin ng lalaki na ngayon ay naroon na sa harap ng manibela. Agad na pinaandar ni Mattias ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon palayo, subalit naging alerto ang ilang armadong lalaki. Nang makilala ng mga iyon ang kotse ay agad iyong pinaulanan ng bala. Ang iba ay sumakay sa van para habulin ang kinalululanan ng dalawa. "Sh*t!" mura ni Mattias nang mapansin na hinahabol sila ng puting van. "May dala kang malas na babae ka." Nilingon niya saglit si Lady Abby at ibinaling ang paningin sa rearview mirror. "Sana pala hinayaan na kita sa mga lalaking naghahanap sa 'yo." Muli siyang ngumisi. Sa isang panig ng utak niya ay gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil naisahan niya ang babaing ito. Alam niya na ang mga lalaking naroon sa bar ang siyang naghahanap sa babae at ang mga armadong kalalakihan sa parking area ay ang mga kalaban niya. Sigurado siya na siya ang hinahanap ng mga iyon dahil lima rin ang napatay niya sa grupo na iyon. Malamang na maghihiganti ang mga iyon kaya pinuntahan siya sa pag-aari niya na bar. "Ikaw ang may dala ng kamalasan sa buhay mo!" bulyaw ni Lady Abby. Ayaw niyang ipakita sa lalaking ito na natatakot siya kahit alam niya na may posibilidad talaga na siya nga ang hinahabol ng mga iyon. Napasigaw siya nang marinig ang putok ng baril. Sumigaw na rin si Mattias habang nagpapaulan ng bala ang mga kalalakihan. "Ngayon lang ako hinabol ng mga ga*o na 'yan! At ikaw ang dahilan! Wala akong kasalanan sa kanila," pagsisinungaling pa niya para mas lalong makonsensiya ang babaing katabi. "Ngayon kung ibibigay kita sa kanila ay mawawala na ang kamalasan sa buhay ko." Nagpanting ang tainga ni Lady Abby dahil sa narinig. Ayaw niyang mapunta sa mga armadong lalaki na iyon dahil baka gawin lang siyang pain para mapabagsak ang sariling ama. Mas gugustuhin niya na sumama sa lalaking ito kahit saan man ito magpunta. At dahil gulong-gulo ang utak niya, ay hindi na siya nakapag-isip pa ng tama. Ayaw pa niyang mamatay, gusto niyang makaligtas kaya awtomatiko niyang kinabig ang manibela sa tabi. Nakipag-agawan siya sa manibela at hindi sinasadyang sumalpok ang sinasakyan nila sa isang concrete barrier sa gilid ng tulay. Napaawang ang labi ni Mattias nang malaglag ang sinasakyang kotse sa malalim na ilog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD