Chapter 4

1030 Words
Kahit giniginaw sa tindi ng lamig ng tubig ay napapangiti si Lady Abby habang panay ang kampay ng mga paa at kamay. Natakasan nila ang mga armadong kalalakihan nang mahulog sa ilog ang sinasakyan nilang kotse. Sigurado siya na napakalaki ng panghihinayang ng mga iyon dahil hindi siya nahuli. Kung tutuusin ay kaya niya namang labanan ang mga iyon, subalit mas pinili niya na huwag na lang dahil baka madamay ang lalaking tumulong sa kaniya. Tingin niya pa naman dito ay isang matinong mamamayan na hindi gagawa ng kalokohan. Maayos ang pananamit, Inglesero, at tila nabibilang sa tinitingalang pamilya. Ayaw niyang makahalata ito kung hanggang saan ang pagiging amasona niya. Isa pa, ay armado ang mga lalaki. Wala siyang dala kahit maliit man lang na baril na puwedeng ipanlaban kapag nagkagipitan. Ngayon tuloy siya nagsisisi kung bakit hindi man lang pumasok sa utak niya na kunin ang isa sa mga baril ng bodyguard niya nang takasan niya ang mga iyon. "Success," nakangiti niyang wika sa sarili nang marating ang mababaw na parte ng ilog. Tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili. Wala siyang sugat o galos man lang na labis niyang ikinatutuwa. Napatingin siya sa paligid. Sa tantiya niya ay hatinggabi na base na rin sa posisyon ng mga bituin sa kalangitan. Napadako ang kaniyang paningin ilang metro ang layo mula sa kaniya. May poste ng ilaw sa gilid ng highway. Natatanglawan niyon ang tabing ilog. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang isang lalaki na nakakapit sa isang sanga at tila wala ng malay. Ang kalahati ng katawan nito ay nasa tubig at kung hindi lang ito nakakapit sa sanga ay malamang na inanod na ito palayo. Aalis na sana siya nang makilala niya ang lalaki. Iyon ang lalaking sinampal niya sa bar at nagmamay-ari ng sasakyang nahulog sa ilog. At dahil nakonsensiya siya sa pinaggagawa niya rito ay lumangoy siya papalapit dito para tulungan itong makaahon. Sa tingin niya kasi at hindi ito marunong lumangoy dahil kung marunong ay kanina pa ito nakarating sa tabing ilog. Agad niyang hinatak ang kuwelyo ng suot nitong damit at hinila habang ikinakampay niya ang isang kamay pati na ang mga paa. Nang naroon na sila sa tabing ilog ay pinatihaya niya ang lalaki. Napansin niya ang sugat sa kabila nitong pisngi. Dumudugo iyon. Nakapikit ang mga mata nito at naalarma siya dahil tila hindi ito humihinga. Agad niyang itinapat ang tainga sa dibdib nito para mapakinggan ang pagtibok ng puso. Ramdam niya na maayos naman ang t***k ng puso nito. Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin ito nagigising kahit anong pagyugyog na gawin niya rito. Kaya labag man sa kalooban niya ay binigyan niya ito ng mouth to mouth resuscitation saka p-in-ump niya ang didbdib nito gamit ang kaniyang mga kamay. First time niyang gawin ang ganitong klase ng first aid. Nakita niya lang ang ganitong procedure kay Islao nang minsang lumubog ang sinasakyan nilang barko at ilan sa mga tauhan ng kaniyang ama ay nalunod dahil sa pagliligtas sa kaniya. Nakailang hipan din siya sa bibig ng lalaki bago ito naglabas ng tubig na labis niyang ipinagpasalamat. Ibig sabihin ay successful ang ginawa niyang first aid. Nakaluhod siya sa tabi nito habang tinitigan ito sa mukha. Kahit kailan ay hindi siya magsisisi na ito ang nakakuha ng first kiss niya. Agad na dumapa ang lalaki at naglabas pa ng tubig. Hinaplos naman ni Lady Abby ang likod nito at ilang minuto ang dumaan ay umupo ito saka isinandal ang likod sa malaking bato na naroon. Nanginginig ito sa ginaw subalit walang magawa si Lady Abby dahil parehas silang basa. "W-wala na sila?" tanong ni Mattias sa nanginginig na boses. Hinaplos niya ang kabila niyang pisngi na ngayon ay dumudugo pa rin dahil sa tinamong sugat. Oo, may sugat siya dahil nabasag ang salamin ng kotse at tumama ang ilang piraso niyon sa pisngi niya. Napailing siya. Tumingin siya sa malayo subalit hindi na maabot ng kaniyang paningin ang tulay kung saan sumalpok ang sariling kotse. Lihim na napangisi ang binata at mas lalo pang pinagbuti ang pag-arte. Natutuwa siya dahil kumagat sa pain niya ang babaing sumampal sa kaniya nang ilang beses. Marunong siyang lumangoy at kayang-kaya niyang makipagbuno sa malakas na daloy ng tubig, subalit mas pinili niya na umarteng mahina. At ngayong naniwala ang babae ay madali na niya itong mapapasunod sa larong gusto niya. "Malayo na tayo sa tulay kung saan nahulog ang kotse," tugon ni Lady Abby na ngayon ay nakaupo na isang dipa ang layo kay Mattias. "I am really sorry for what happened to your car." "It's okay. Ang mahalaga ay ligtas na tayo sa mga lalaking iyon." Umubo siya kunwari. "Bakit ka nga pala tinutugis ng mga 'yon? Anong atraso mo sa kanila?" Pilit niyang pinipigilan ang sarili na tumawa dahil napansin niya na umiling-iling ang babae. Paniwalang-paniwala ito na tinutugis talaga ng mga lalaking iyon samantalang si Mattias ang puntirya ng mga armadong lalaki. "I don't know," usal ni Lady Abby. Umubo si Mattias saka tumayo at pinasadahan ang paligid. Napansin niya ang road sign at bahagya siyang ngumiti dahil malapit lang ito sa kanilang mansiyon. Ano man ang mangyari ay iuuwi niya sa mansiyon ang babaing amasona. Tingnan niya lang kung hindi masorpresa si Don Ismael, ang kaniyang ama. Muli siyang umupo at nagkunwaring giniginaw pa rin. Sa puntong iyon ay hindi na nakatiis si Lady Abby, nilapitan niya si Mattias at niyakap sa pag-asang maiibsan niyon kahit kaunti ang ginaw na nararamdaman. Isinandal niya pa ang ulo sa malapad nitong dibdib. "I'm okay," usal niya subalit napakaluwang ng kaniyang pagkakangiti dahil hindi naman siya nito nakikita. "Pasensiya na at nadamay ka sa mga lalaking humahabol sa akin." "No worries." Nanginginig pa rin ang boses niya. "We need to get out of here. Baka bumalik ang mga lalaking iyon." Kumalas ng yakap si Lady Abby. "Malayo tayo sa kabayanan. Bibihira ang dumadaang sasakyan dito." "Malapit lang dito ang bahay namin. Ilang minuto lang naman kung lalakarin. Doon ka na muna tumuloy ngayong gabi. Promise, I will drive you home in the morning." Napatingin si Lady Abby kay Mattias. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD