"You think you can do it?" tanong ni Don Redentor sa nag-iisang anak na si Abbygail. "Of course, papa," tugon niya saka pinasadahang maigi ang papel na ibinigay ng ama. Iyon ang blueprint ng bahay ng taong gusto nitong ipapatay. "Kailan ko ba kayo binigo?" Makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Don Redentor saka ibinigay ang isa pang larawan. Wala siyang maalala na binigo siya ni Abbygail. Unang beses pa lang na sumabak ito sa misyon, ay kinakitaan na niya ng tapang. Matalino, magaling at mabilis kumilos kaya hindi siya nag-aalala na mapatay ito ng mga kalaban. Ang tanging ipinag-aalala niya lang ay ang malambot nitong puso na namana nito sa nasirang nanay na si Galeecia. Kaya noon pa man ay todo higpit siya sa anak dahil ayaw niyang mapunta ito sa lalaking hindi niya gusto. May ka

