Kabanata 1. Ginulo niya bigla ang tahimik kong puso. Tahimik na sana ang puso ko ng bigla kang dumating sa buhay ko.
Hindi ko akalain na sa edad
kong ito, 30 years old, makikilala ko ang isang tao na siyang magpapatibok ng aking tahimik na na puso. Matagal-tagal na rin na wala akong boyfriend dahil takot na akong magmahal ulit dahil sa mga past relationships ko. Tahimik na ang aking buhay, bilang isang CEO sa sarili kong kompanya, kilala ang kompanya ko sa larangan ng textile industry sa Cebu City, maging sa mga karatig probinsya sa Visayas at Mindanao. Isa ang company ko sa mga distributors ng mga ibat-ibang clothings sa nasabing lugar at sa mga karatig na probinsya. May sariling bahay at sasakyan na rin ako. At nasa 50 persons na ang mga empleyado ko sa nasabing kompanya. Pero pagdating sa love life, sadyang hindi pabor sa akin ang kapalaran. Ilang beses na kasi akong iniwan, pinagpalit at sinaktan. Kaya sino ang mag aakala na ang tahimik ko nang puso ay muling magugulo ng makilala ko si Enzo.
Habang naghahanda ako ng aking mga gamit na dadalhin ko sa opisina. Dumating ang aking magandang mommy sa bahay at may dalang pagkain. Nang makapasok na ito sa bahay ko, may sarili kasi siyang keys sa bahay ko para anytime na gusto niyang pumunta sa bahay kahit wala ako ay makapasok parin siya. Iha? Marie! Marie! iha? dinalhan kita ng pagkain mo. Ipinagluluto kita anak ng paborito mong pagkain. Para hindi kana bibili pa sa labas. Napaka hands on talaga ng mommy ko pagdating sa pagkain naming magkakapatid. Mahilig kasi si Mommy magluto. Kaya gusto niya na ang kinakain namin ay malinis at masustansya talaga kahit na afford naman namin na bumili ng mga pagkain sa labas. Ganyan kami kamahal ng mama namin. May dalawa (2) akong kapatid na lalaki at pawang mga businessmen narin kasama ang mga asawa nila. Ang isa ay nasa Trucking business line dahil mahilig siya sa mga Truck at sasakyan. Ang isa ay nasa law firm dahil isa siyang abogado. Pareho silang may asawa na. Ako nalang ang hindi pa nakapag asawa kaya ganoon nalang ang concern ng mommy ko sa akin.
Hi mom! how are you? malambing kong tanong kay mommy. Iha, I am okay! I am quite busy these past few weeks with our beach resort dahil gusto ng papa mo na e renovate ito. Mas gusto niya doon kasi malapit sa dagat, lalo na ngayon na nasa pandemic parin tayo..saad ni mommy. Mahilig kasi si Daddy sa lugar na malapit sa dagat. Gustong-gusto talaga ni daddy lumanghap ng sariwang hangin at makakita ng magandang tanawin na malapit sa dagat.
Mom thank you po sa foods. Sana hindi na po kayo nag abala pa mommy baka mapagod pa kayo niyan. Gusto ko alagaan mo palagi ang sarili mo, dahil gusto ko makikita mo pa ang mga apo mo mula sa akin..sabi ko kay mommny sabay tawa. Hoy, Marie paano ka magkakaanak eh wala ka ngang boyfriend. Palagi ka kasing busy sa business mo. Kaya yan tuloy, wala ka nang time para sa sarili mo, iha. Isipin mo na hindi kana bumabata. Kaya ngayon palang maghanap ka na nang mapapangasawa..matigas na sabi niya sa akin. Ay grabe siya oh! mommy naman! Galit agad? hehe hwag kayong mag alala mommy..malapit na malapit na..kunting panahon nalang..sabay tawa ko kay mommy.
Biglang sumeryoso si mama sabay sabi niya na "sana anak mag-asawa ka na dahil you are not getting any younger already" At saka, pipiliin mo yong lalaki na marunong magluto ha, dagdag pa nito. Don't worry mom, hahanap ako ng lalaki na tulad ni papa. Mahal ka at mahal kami. Alam ko po sa sarili ko na darating rin ang tamang panahon para niyan mom. Basta mom, si Lord na ang bahala sa mga bagay na yan. Sa ngayon, masaya na ako sa buhay ko mom. Kahit single at least hindi malungkot kasi alam ko na andyan kayo pareho ni daddy sa akin. Darating rin siguro yan mom sa tamang panahon, dagdag ko sa kanya. Besides po mommy, ang gusto ko po yong lalaki na marunong sa buhay hindi yong pera ko lang ang gusto niya sa akin. Mahirap na po baka tulad ng dati, batugan at walang pangarap sa buhay. Tama anak. Piliin mo yong lalaki na mamahalin ka bilang ikaw at hindi dahil sa negosyo mo o sa pera mo..seryoso namang tugon ni mommy sa akin.
Pagkatapos kong magbihis at mag-almusal, nagpa alam na ako kay mommy. Sumakay na ako sa kotse ko papunta na akong opisina. Nag mamadali ako kasi, may mga bago akong staff, bagong hired ng kompanya. At gusto ko silang personal na makikilala at ng sa gayon malalaman ko kung ano ang mga ibibigay ko sa kanilang mga trabaho. Ganyan kasi ako sa mga empleyado ko kailangan maingat ako pagdating sa kanila. Ayoko sa empleyado na tamad sa trabaho kaya kailangan ko silang makilatis bago sila magsisimula sa kani kanilang job description.
Pagdating ko ng opisina, saktong alas 8:00 nang umaga.
Good morning ma'am Marie! sabay-sabay na sabi ng mga staff ko na nadaanan ko patungo sa aking room. Good morning too! sabay kaway ko sa kanila.
Ma'am may bago po tayong staff. Okay, Karen, papuntahin mo sila sa akin mamaya ha pagkatapos ko ng aking meeting with the HR. Okay po ma'am Marie.
Nagmamadali na akong pumunta sa HR Office namin dahil may meeting kami. Pero sandali lang ako sa HR office dahil madali lang natapos ang meeting namin. Pagbalik ko sa opisina, agad agad kong tinawag si Karen para sabihan niya ang mga bagong personnel namin na pumunta sa table ko para makapagsimula na sila sa mga trabaho nila. Agad naman tumango si Karen, at saka may ibinulong ito sa akin, at sinabi niya na ma'am kumapit po kayo ha sa table nyo dahil may gwapo ka pong staff. Sabi nito na parang kilig na kilig. Hay nako! karen hwag mo akong itulad sayo ha na madaling ma-inlove sa gwapo. Ibahin mo ako, dahil hindi na ako madaling mainlove ngayon tapos na ako niyan. Ayaw ko na. Okay. Sabay tawa! ....aba!..aba!... ma'am hwag kang magsalita ng tapos baka kakainin mo yang mga sinasabi mo hehehe. Siya! siya! sige na tawagin mo na sila para makapag-trabaho na tayo. Ganito kami mag-usap ni Karen, dahil palabiro itong tao at saka madaling kausap, madaling utosan at hindi nag rereklamo. Kaya magaan ang loob ko sa kanya.
Nang pumasok na ang tatlong bagong empleyado namin. Nabigla ako ng makita ko ang isa sa kanila. Totoo nga ang sinabi sa akin ni Karen. Isa nga sa kanila ay gwapo. Matangkad, matangos ang ilong, maganda mag soot ng damit, at medyo maputi ang balat, parang kutis mayaman ito. OMG! naku! naku po! kumalma ka Marie. Hindi ka pwedeng mainlove sa empleyado mo. Pagbabanta ko sa aking sarili. Umupo ang tatlo sa chairs na nasa tapat ng table ko, at saka sabay silang nag sabi ng good morning po ma'am!. .sinagot ko naman sila ng good morning too!. They introduce their self sa akin pero umagaw ng attention sa akin ang isang lalaki. Siya si Lorenzo Lim o Enzo for short. Ang gwapo niya, halatang mistizo. Kutis mayaman at maganda magdala ng damit. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Lorenzo dahil ang sarap pakinggan ng boses niya. At talagang nag e-english pa siya ha ng magpakilala siya sa akin para bang nagpapa impress siya sa akin. At tama nga si Karen, ang gwapo niya, bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya.
Hindi ako nagpahalata na na impress ako kay Enzo baka ano nalang ang sasabihin niya sa akin. Pero hindi ko talaga maiwasan ang mapatingin sa kanya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko si Lorenzo na palihim na tumitingin sa akin. Naku! naku! Marie umayos ka! pagbabanta ko sa aking sarili. Kaya para hindi mahalata na kinakabahan ako, mabilis kong sinabi sa kanila ang mga trabaho nila sa kompanya ko. Lorenzo ikaw ang magiging Accountant sa company ko and from this time palagi kitang ipapatawag with regards to the company's cash flows and any other related matters, sabi ko kay Lorenzo sa formal na voice.
Pagkatapos nilang ma orient sa company ko. Nag umpisa na silang mag trabaho. Tahimik akong nakatitig sa aking computer. Hindi mapakali parang nasa isipan ko parin ang gwapong mukha ni Lorenzo. Para makalimutan ko sandali ang ang mukha niya, nag busy busy-han ako sa loob ng opisina ko. Hindi ko namalayan na tanghali na pala. Biglang tumonog ang telephone ko. Ang Secretary ko pala si Tess, ni reremind ako na may meeting ako after lunch with one of our investors na isang chinese sa may MenSing Hotel. Dahil malaking transaction ito, kailangan kong isama ang Accountant ko. Oh my God! walang iba kundi si Lorenzo. Parang na e-excite ako na kinakabahan. Ipinatawag ko si Lorenzo. Pagdating niya sa opisina ko sinabi ko sa kanya na isasama ko siya sa meeting ko kaya dapat siyang maghanda. Nakita ko sa mukha niya na medyo ngumiti at parang masayang masaya ito. Lorenzo isasama kita mamaya sa business meeting ko with Mr. Lee. Kindly prepare the necessary things for the meeting. Okay po ma'am Marie. Ito ay isang malaking transaction ng kompanya natin. Ayaw ko na magiging failure ito ..told him in a serious voice. That's why be ready before 2pm para makapaghanda pa tayo when we arrived at the venue. Mas mabuti na yong mauna tayo doon kaysa sila ang maghihintay sa atin. Understand? Yes po ma'am Marie. Don't worry I'll be on time ma'am.
Nang mag alas 2 pm na, tinawag ko na si Lorenzo at nagpahatid na kami sa MenSing Hotel. Napaka gentleman naman ni Lorenzo dahil siya ang nagdala ng mga gamit ko. Ah ma'am ako na magdadala ng mga gamit nyo, hindi ko gustong makita kang nahihirapan, biglang sabi ni Lorenzo sa akin. Parang kinilig ako ng marinig ko ang boses niya. Ngayon lang kasi ako muling nakarinig na may isang lalaki na concern sa akin. Parang may mga daga sa puso ko na nag uunahang lumundag sa sobrang kilig ng marinig ko na concern sa akin si Lorenzo. Nakalimutan ko tuloy na ako ang boss niya. Normal para sa kanya na isang empleyado ko na magmagandang loob sa akin. Pero iba yong sinasabi ng puso ko ng mga oras na yon. Kinuha na ni Lorenzo yong mga folders ko at mabilis na kaming umakyat sa 4th floor sa nasabing Hotel. Nagiging tahimik ako sa loob ng elevator kasi parang nahihiya ako sa sarili ko. Nang biglang tinanong ako ni Lorenzo, "ma'am okay lang po ba kayo"? .hah? ah of course..yes
. Lorenzo...pa utal utal kong sagot sa kanya..kasi medyo kinikilig pa ako sa kanya..any way don't worry okay lang talaga ako, medyo kalmado na ang boses ko.
Pagdating namin sa loob ng room kung saan gaganapin ang business meeting namin with Mr. Lee. Mabilis akong naghanda para sa presentation ko, habang papunta palang daw si Mr. Lee sa nasabing venue. Tinutolungan naman ako ni Lorenzo sa paghahanda ng presentation ko. At nasa tabi ko lang siya palagi na handang sumaklolo pag kailangan ko siya.
Hanggat dumating na si Mr. Lee, kasama ang isang gwapo at matipunong lalaki at isang secretary niya. Agad ko silang binati ng Good morning and we shaked hands at the same time.
Ipinakilala ni Mr. Lee ang kasama niyang gwapong lalaki, ito pala ay pamangkin niya. Kasama rin niya sa negosyo. Ang gwapo nito at halatang matalino at siguro dami nitong girlfriends kasi nga parang lapitin talaga nang mga babae. Maganda magdala ng damit, mayaman, at may magandang smile. I am sure maraming mga babae ang nagkakandarapa nito. Nakita ko na nakatingin siya sa akin. Alam ko ang kulo ng dugo ng lalaking ito. yon bang feeling niya may gusto lahat sa kanya. No way! ibahin mo ko boy..hindi kita type..sabi ko sa isip ko..Hindi ko nalang pinansin kahit na palagi siyang nakatingin sa akin. Hanggat na close na namin ang deal at mabilis na natapos ang meeting namin. Agad sinabi ni Mr. Lee sa akin na handa siyang mag invest sa company ko kahit magkano. Ms. Marie sabihin mo lang sa akin ha pag may kailangan ka pa para sa kompanya mo handa ako mag lagay ng pera dahil nakikita ko na kayang kaya mong e manage ang negosyo mo..sabi ni Mr. Lee sa akin at nakikita ko sa mukha ni Mr. Lee na parang nagagandahan siya sa akin. Maganda naman talaga ako. Mestizahin ako, may mahabang buhok, at sexy na pangangatawan at sa hindi pagmamayabang alagang alaga ko ang aking makinis na balat na minana ko pa sa mommy ko na may halong Spanish.
Pagkatapos naming mag usap ni Mr. Lee, biglang sinabi sa akin ni Mr. Lee na ..ah Marie, may ipakilala ako sayo. He is my nephew. He is one of my trusted person in the business..at tinawag na niya yong lalaki na sinasabi ko kanina na gwapo na nakatingin sa akin. Gab? come...join us with Ms. Marie. sabi ni Mr. Lee kay Gab. Ms. Marie..this is Gab Lee my nephew, he is the only son of my brother. The only heir of Lee's textile industry in Luzon..pakilala ni Mr. Lee kay Gab. Ah! hi Ms. Marie, sabi naman ni Gab sa akin na medyo naka smile, nakikita ko ang maganda niyang ngipin at ang puti, talagang alagang alaga sa Dentist. Hmmp ah yeah...Marie sabi ko kay Gab at tinanggap ko ang kamay niya at nag shake hands kami. Nang masulyapan ko si Lorenzo sa tabi ko parang umasim ang mukha nito. Parang malungkot ang gwapong mukha nito. Oh baka namamalikmata lang ako sa nakita ko.
Mabilis kong binitawan ang kamay ni Gab kasi parang ang init ng kamay niya. Mr. Lee since our meeting were done already, let's call this a day. Okay Ms. Marie..pahahatid ko nalang sa opisina mo ang mga documents, okay?..at umalis na rin sila.
Masayang masaya ako sa araw na ito dahil matatapos ang araw ko na mayroon na naman akong na closed na deal. At kasama ko pa ang lalaki na nagpapakaba ng puso ko.
Ahmp...Lorenzo? tara na..dahil hinihintay natin ang driver ng sasakyan natin. Kakain muna tayo sa baba ng hotel dahil nandoon ang restaurant nila sa ground floor ng hotel. Okay, ma'am Marie..sagot naman nito..na parang malungkot ang boses niya. Na siyang ikinapagtataka ko.
Bitbit ni Lorenzo ang gamit ko at nagpunta na kami sa restaurant ng nasabing hotel. Maraming mga babae ang tumitingin kay Lorenzo at nag greet sa kanya. Kaysa sa akin. Hmmmp gwapo naman kasi itong si Lorenzo. Kahit na hamak na empleyado ko lang siya pero parang sanay na sanay na siya sa business world. Magaling siyang magdala ng kanyang damit. Parang anak mayaman talaga kong titingnan mo.
Habang nasa table na kami. Mabilis na akong nag order ng foods para sa aming dalawa ni Lorenzo. Hahaha napapatawa ako sa sarili ko kasi para kaming nagda date sa ganap na ito. Sinasadya ko talaga na kakain muna kami kasi gusto ko pa makasama si Lorenzo. At nang sa ganoon makilala ko rin siya kahit papaano.
Habang hinihintay namin ang foods na inorder ko. Tinatanong ko si Lorenzo ..ah Lorenzo okay kalang ba? para kasing matamlay ka kanina..sabi ko sa kanya. Okay lang po ako Ms. Marie. Hwag po kayong mag alala. Ah Lorenzo hwag mo na akong tawagin na Ms. Marie or ma'am Marie pag nasa labas tayo ng opisina. Kasi napaka formal naman at saka halos magkasing edad lang tayo.hehehe ah Ms. Marie...ah ma'am este Marie..okay pag ganyan ang gusto mo. Medyo nahihiyang sabi nito. Lorenzo okay lang ba mag tatanong sa iyo? medyo nahihiya kong tanong sa kanya. ah taga saan ba prents mo? ano ginagawa nila? may kasintahan ka na ba? sunod sunod na tanong ko sa kanya na nagpapatawa sa kanya...hmmp gwapo pala talaga ang mokong na ito pag tumawa lumalabas ang dimples niya..parang si Aga Mulach lang ang peg!
Ahm Marie..medyo nahihiya pang sabi ni Lorenzo sa akin. Sasagutin ko yang mga tanong mo basta ba sasagutin mo rin mga tanong ko sayo after ko masagot ang mga tanong mo?! hmmmp dagdag pa nito. Ah ha hehehe ganoon ba yon Lorenzo dapat ba talaga may kapalit? hmmp sagot ko sa kanya. Ah hindi naman kaso para fair hehehe sabay tawa ni Lorenzo. Nako naman Lorenzo parang kinakabahan na yata ako sa mga itatanong mo sakin ah. Sagot ko sa kanya, sabay tawa. Hwag mo nalang kaya sagutin tanong ko! kalimutan mo na yon..sabi ko. Sagot naman nito, ah hindi pwede!
Okay na ba tayo, Marie? deal naba? walang atrasan, okay! sambit ni Lorenzo. Sige na nga! basta ba hwag lang masyadong personal itatanong mo ha? hehe nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko alam bakit ang bilis kong napalagayan ng loob si Lorenzo. Masarap siyang kausap lalo na pag tumawa siya lumalabas ang dimples niya.
Ah Marie sa sagot ko sa unang tanong mo, about my parents, nasa ibang bansa na sila. Ako nalang naiwan dito sa Cebu. Gustong gusto na nila mommy at daddy na pumunta ako sa Australia. Kasi nandoon na sila lahat. Pero parang ayaw ng puso ko na pumunta doon. Mas masarap parin na dito ako sa Pilipinas. Kaya sinabihan nila ako na bibigyan lang nila ako ng two years para e enjoy ko muna mag stay dito sa Pilipinas pag makapag desisyon na ako na umalis na dito sabihan ko lang raw sila agad. Dalawa lang kasi kaming magkapatid. Ang Kuya ko andoon na rin sa Australia, kasama sila mommy at daddy. Pero ako mas gusto ko mag work dito. Mas gusto kong gamitin ang natapos ko dito sa Pilipinas. Kaya ito ako ngayon nagtatrabaho sa company mo para naman may matutunan ako mula sa'yo. Alam ko na isa kanang successful sa larangan ng business. Pangarap ko rin kasi makapagtayo ng sarili kong business kaysa pupunta pa ako ng Australia..seryosong salaysay ni Lorenzo sa akin. Mas lalo akong humanga kay Lorenzo dahil nakikita ko sa kanya ang isang determinado na tao at pagiging independent nito kahit na mayroon naman palang sinasabi ito sa buhay. Nakikita ko sa kanya na hindi siya umaasa sa mga magulang niya kahit may pera ang mga ito.
Hmmp ang sagot ko naman sa pangatlong tanong mo...umpisa ni Lorenzo..kahihiwalay lang namin ng girlfriend ko. Mas pinili niya yong may pera kaysa akin. Medyo malungkot nitong sabi. Mayaman kasi pamilya nila. Kaya ayon mas pinili niya yong lalaki na sa tingin niya ay kaya bilhin ang gusto niya. Dagdag pa ni Lorenzo.
Parang naibsan ng tunok ang bahagi ng puso ko ngayon ng malaman ko na hiwalay na pala sila ng girlfriend niya. Pero parang nalungkot rin ako kasi nakikita ko sa mga mata ni Lorenzo na may lungkot parin sa puso nito. Hmmp tama na nga yan Lorenzo baka iiyak pa tayo dito. Masyadong madrama ang buhay mo eh..pabiro kong sabi sa kanya para maiba ang topic namin. Tinawag ko na ang waiter, para bayaran na rin ang kinain namin para maka uwi na kami. Dahil dumating na rin ang driver namin. Lorenzo mabuti pa uuwi na tayo medyo malapit na kasi mag 5:00pm para makapagpahinga na rin tayo. Sabi ko sa kanya. Aba! Aba!
Marie unfair mo naman? marami pa naman akong gusto itanong sayo. Medyo seryoso niyang sabi sa akin. Well..Lorenzo next time nalang okay? sagot ko sa kanya. Kasi andito na si Manong driver at para na rin maka uwi na tayo. Marami pa namang time para sa mga tanong mo na yan. Sabi ko sa kanya. Walang nagawa si Lorenzo, kundi tumahimik nalang ito at kinuha ang mga gamit namin at tumayo na kami para pumunta sa naka park na sasakyan sa labas ng hotel. Habang nasa loob ng sasakyan. Tahimik na tahimik kami. Hanggang makarating na kami sa opisina.
Pagdating namin sa opisina, malapit na mag uwi-an ang mga empleyado ko. Si Karen naman agad na pumunta sa office ko at tinukso na naman ako. Ma'am bakit ang saya saya nyo ngayon? Is there something wrong? or what? patuksong tanong ni Karen sa akin. Hoy Karen tumahimik ka nga dyan. Masaya ako kasi na closed deal ko kanina ang business transaction ko with Mr. Lee. Isang malaking tulong ito sa kompanya natin. Kaya masaya ako! gets mo?..sabi ko kay Karen. .Hoy ma'am bakit may sinabi ba akong iba? sinabi ko lang naman bakit ka masaya? hindi ko alam kaya nagtatanong ako..ito naman guilty agad..tukso pa nito. Anyway ma'am Congratulations! hmmp lucky charm mo siguro si Lorenzo ma'am? hehe kasi successful ang lakad nyo at nakita kitang masaya. Hindi halata na pagod ka sa trabaho...hehe sambit pa ni Karen.. Tama na Karen, umuwi kana okay. Bukas na tayo mag usap. Okay? kasi uuwi na rin ako sa bahay..sabi ko kay Karen. Sige na nga ma'am..Bye ma'am Marie...ingat ka kay Lorenzo..este ingat ka sa pagmamaneho ..hehe sabi nito sabay sarado ng pinto ng opisina ko. Hahaha gaga! talagang babae ito..kung makatukso wagas. Nakalimutan na ata niya na boss niya ako..sabi ko sa sarili ko. Mabilis akong nag ayos ng mga gamit ko para uuwi na ako sa bahay ko. Paglabas ko ng Building, nakita ko si Lorenzo na nag aabang ng taxi sa labas ng building ng kompanya ko. Nag aalangan ako sa sarili ko kung hihintoan ko ba si Lorenzo o hindi. Pero nakokonsinsya naman ako paglalagpasan ko lang siya. Ano ba talaga Marie? kastigo ko sa sarili ko. Pero sadyang kumampi kay Lorenzo ang tadhana dahil biglang bumohos ang malakas na ulan. OMG, mas lalo akong makokonsinsya nito pag hindi ko siya hihintoan.Kawawa naman yong tao..sabi ko sa sarili ko. Wala akong nagawa kundi sundin ang puso ko, hininto-an ko si Lorenzo. Nang makita niya ang sasakyan ko. Parang ang saya saya ng mukha niya. Para bang gusto rin niya akong makita. My God Marie hwag kang assuming girl. Sabi ko sa sarili ko. Nang buksan ko ang pinto. Nakita ko na ngumiti si Lorenzo. Marie? nakakahiya naman sayo. Sabi ni Lorenzo sa akin. Sos! hwag kanang mahiya Lorenzo. Kaysa naman mabasa ka dyan sa kalsada. Baka magkasakit ka niyan..sabi ko sa kanya na may halong concern..para hindi niya mahalata na concern ako sa kanya baka ano pa sasabihin niya...I mean paano nalang magkasakit ka mawawalan ako ng magaling na Accountant sa company ko..pabiro kong sabi sa kanya. Tumawa naman si Lorenzo ng marinig niya ang sinasabi ko sa kanya.
Nag volunteer si Lorenzo na siya raw mag mamaneho ng kotse ko. May Driver's License naman raw siya. Kaya hwag daw akong mag alala at hwag rin daw akong matakot dahil marunong naman daw siya mag maneho ng sasakyan. Wala akong nagawa, kundi pumayag nalang ako kaysa mabasa pa siya sa ulan. Habang pabaybay kami sa daan patungo sa bahay nila. Tahimik lang kami. Para bang pinapakinggan lang namin ang isa't isa. At dahil narin malakas ang patak ng ulan sa bubong ng kotse ko. Ilang oras lang, nakarating na kami sa bahay nila. Maganda naman ang bahay ni Lorenzo. Bahay ito ng parents niya. Siya lang mag isa nakatira sa bahay dahil nga nasa Australia ang mga magulang at kapatid niya. Nag alangan akong pumasok kasi dalawa lang kami. Pero hindi pa huminto ang malakas na ulan. Natatakot ako magmaneho na malakas ang ulan na may kasabay pa na hangin. Nakita ni Lorenzo na parang nag aalangan ako na pumasok sa bahay niya. Ah Marie, okay ka lang? hwag kang matakot..harmless ako lalo pa boss ko kasama ko, saad ni Lorenzo. Halika na pasok ka na para makapag kape ka naman kasi ang lamig dito sa labas. Malakas pa rin ang ulan oh...dagdag nito. I have no choice, kundi pumasok nalang ako sa loob ng bahay niya. Maganda ang bahay ni Lorenzo. Mataas ang mga bakod nito. Malinis sa labas at loob ng bahay niya. Magara rin ang mga appliances sa loob ng bahay. Maayos ang pagka arrange ng mga gamit nito. Marie nagtataka ka siguro bakit ganito kalinis ng bahay namin? hehehe tanong ni Lorenzo sa akin. Every week-end pumupunta ang tagalinis dito. Gusto kasi nila mommy at daddy na manatiling malinis ang bahay na ito. At gusto nila ma maintain ang aura ng bahay namin..dagdag pa ni Lorenzo. Na amaze talaga ako sa bahay nila Lorenzo, kahit wala ang mga magulang niya sa Pilipinas ang linis linis parin ng bahay nila. Parang ang linis talaga cguro ni Lorenzo sa katawan. Hmmp kita naman sa pananamit at balat niya. Kutis mayaman talaga. Marie? sandali lang ha...umupo ka muna dyan..ipaghahanda kita ng coffee. Sandali lang ito. Okay? .hmmp okay, salamat! Pagbalik ni Lorenzo sa sala, dala na nito ang dalawang tasa ng coffee. At naupo na rin siya sa tabi ko. Wow ang sarap naman nito Lorenzo! ang galing ah! sincere kong sabi sa kanya. Hmmp thank you, at least nagustohan mo ang timpla ko, saad naman ni Lorenzo..sabay smile sa akin! my god Lorenzo hwag kang mag smile sa akin baka ma inlove na ako sayo..mahina kong sabi sa kanya. Ha? may sinabi kaba Marie? ..kinabahan tuloy ako..baka narinig niya yong sinabi ko..pero parang hindi naman siguro dahil malakas talaga ang buhos ng ulan. Buti nalang malakas ang ulan hahaha sa isip-isip ko! Masaya kaming nag kwentohan ni Lorenzo habang nagkakape kami. Hanggang tumawag ang mommy ko. Hello! anak? iha? asan kana? nagalala na ako sa sayo. Gabe na wala kapa sa bahay? Malakas pa naman ang ulan..sunod sunod na tanong ni mommy. Hmmp mom, relax..chill..okay...I am alright mom..nandito pa ako sa kaibigan ko.hinihintay ko na huminto ang ulan..takot ako mag maneho na malakas ang ulan at hangin at hindi ko masyadong makita ang daan mommy. Don't worry mommy safe ako dito. I love you mommy! at pinutol na ni mommy ang tawag niya. Pagabi na hindi parin huminto ang ulan. Kaya nakapag decide si Lorenzo na magluto nalang ng dinner namin. Inimbita ako ni Lorenzo na sumama sa kanya sa kusina baka raw gusto kong panoorin siya habang nagluluto hahaha pabiro nitong sabi sa akin. Hmmp kaya tumayo na rin ako gusto ko sumama kay Lorenzo sa kusina at nang makita siyang magluluto. Napahanga ako ng makita ko si Lorenzo na naghahanda ng dinner namin. Sanay na sanay talaga siya sa mga gawaing bahay. Siguro dahil nag iisa lang siya. Habang nag hahanda si Lorenzo sa dinner namin. Ako naman naki alam na rin sa gamit niya sa kusina. Naghanda ako sa table, plates, spoon and fork. Kinikilig ako habang ginagawa ko ito dahil para kaming mag asawa sa ginagawa namin hehehe. Napatawa ako sa sarili ko kasi kahit anu-ano nalang pumapasok nito. Pagkatapos mag luto ni Lorenzo, inilagay na niya sa lalagyan ang kanin at ulam namin. At wow grabe ang sarap ng niluto niya. May sisig na tuna, at sinigang na shrimps. Hmmp bagay sa malamig na panahon. Naku Lorenzo parang mapadami ata ang kain ko nito..sabi ko kay Lorenzo. Tumawa naman ito sa akin at sinabi niya na "bawi ko yan sa iyo kasi pinasakay mo ako sa kotse mo at sinamahan mo ako rito ngayon sa bahay ko." Alam mo ba Marie na ngayon lang ako nakakain ulit sa bahay na may kasama ako. At hindi lang basta kasama, boss ko pa at maganda pa, pabirong sabi nito. Nabigla ako sa narinig ko, buti nalang hindi ako nabulonan sa pagkain. Hmmp ano ka ba Lorenzo? magbiro kalang sa lasing hwag lang sa kumakain baka mabulonan ako niyan..sabi ko sa kanya. Hahaha sino may sabi sayo na biro yon ha? tanong naman ni Lorenzo sa akin. Totoo lahat ng sinabi ko, lalo na yong huli kong sinabi na maganda ka..dagdag pa niya. Bigla tuloy nag blush ang pisngi ko..nahihiya ako ni Lorenzo. Ang laki laki pa naman ng subo ko kasi nagugutom ako bigla sa sinabi niya. Hmmp Marie pwede po ba maka ask sayo ng favor? tanong ni Lorenzo sa akin...nabigla ako sa tanong niya..baka ano namang pabor ang hihilingin niya..naku hwag naman sana na gusto niya na akong ligawan baka ngayon palang mag lulukso na ako sa tuwa..hahaha gaga Marie...behave ..stay professional..remember ikaw ang Boss niya..hwag kang paranoid.kastigo ko naman sa sarili ko. Ah sure sure ano ba yan Lorenzo? tanong ko rin sa kanya. Ah pwede po ba Enzo nalang itawag mo sa akin pag tayong dalawa lang? kasi napaka formal rin na palagi mo nalang binabanggit ang full name ko, sabi niya. Ah yon lang ba? okay no problem..okay Enzo..hmmp okay naba tayo? hehehe pabiro kong tanong sa kanya. Pagkatapos naming kumain, naghugas ng pinggan si Enzo. Nag volunteer ako na maghugas ng pinagkainan namin pero ayaw ni Enzo. Nahihiya siguro siya sa akin. Pero ang saya saya ko nakasama ko si Enzo. Naisip ko tuloy ang swerte swerte ng babae na mapapangasawa ng taong ito. Pagkatapos niyang maghugas hindi parin huminto ang malakas na ulan. Mag aalas 9:00pm na ng gabe. Nag woworry na ako kasi baka nag alala na si mommy sa akin. Kaya te ni-txt ko nalang si mommy na baka hindi ako makauwi dahil malakas parin ang ulan. Dahil may low pressure ata at apektado ang Cebu kaya malakas at wala pa ring tigil ang ulan. Sinabi ko nalang kay mommy na nasa kaibigan ako at safe ako sa bahay nila. Para hindi na rin mag alala si mommy. Nag reply naman si mommy na okay, iha. Ingat ka rin palagi dyan.
Bumalik na kami ni Enzo sa sala at nag kwekwentohan kami. Hanggang maisip niya na may utang raw ako sa kanya. Na dapat ko raw bayaran ang utang ko na sagutin ko raw mga tanong niya. Hindi ko nakalimutan yong deal natin kanina..patawa tawa nitong sabi sa akin. Patay malisya naman ako sa sinabi niya...sabi ko..ha mayroon ba tayong deal? hindi ko alam ah? sabay tawa. Aba! aba! Marie hwag ako. Hindi pa ako matanda para makalimutan ko ang pangako mo sa akin. Hmmmp baka ito na ang tamang oras para tanungin rin kita...sabi ni Enzo sa akin. Hmmp Enzo ha, please naman, don't be harsed sa mga tanong mo sa akin ha baka himatayin ako niyan hehehe pabiro kong tugon kay Enzo.