Nanlalabo na ang paningin ni Rian habang tumatakbo palabas ng hotel. Wala na siyang pakialam sa sabog niyang makeup o ang nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang marating ang sasakyan ni Ivo. Hinihintay siya nito roon. "Rian, stop!" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Liam. Ngunit hindi siya tumigil sa pagtakbo. Gumulong ang kulog at kidlat sa kalangitan at nag-umpisang pumatak ang mga malalaking patak ng ulan noong hapong iyon. "Nakasulat sa kasunduan natin na hindi mo ako puwedeng suwayin, Rian. Kaya ngayon pa lang, inuutusan na kita na huminto," may halong pagbabanta at pagsusumamo na saad ng lalaki. Napahinto siya sa kanyang pagtakbo. Pikit-matang hinarap ang lalaki. "Bumalik ka na sa loob, Liam. Hinihintay ka na niya." "Ayoko." Sa prust

