"Asan na si Rian? Isang oras na siyang late, a," naiinip na saad ni Liam habang nakatayo sa tabi ng wedding arch na nakatayo sa isang malawak na private garden kung saan nila napili na gawin ang seremonyas ng kanilang kasal. Kanina pa dapat nag-umpisa iyon ngunit hindi pa rin dumadating ang dalaga. Everything went fast since that fateful day. Vanessa passed away after a week, where the two of them stayed beside her until her last breath. Hindi naman siya galit sa ginawa nito, ngunit sadyang hindi na niya makapa ang mga damdaming dati ay nararamdaman niya para sa dating nobya. Rian still continued her studies. Sabi nito ay mas gusto nitong maging perpekto para sa kanya. Ngunit kahit na abala sa pag-aaral ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras para sa kanya at sa mga kapatid nito. And he

