Marahang inalis ni Liam ang pagkaka-blindfold ng dalaga. Narinig niya ang pagsinghap nito nang makita ang malaking billboard sign sa tabi ng Astoria Hotel. Nakalagay roon ang mukha ng dalaga at ang pagbati niya para sa kaarawan nito. "Anong... Ang garbo naman—" "Love, this is not extravagant for me." Napapalatak ito dahilan para mas lalo siyang matawa. Niyakap niya ang beywang ng dalaga. "You know what? Stop arguing with me about these things. You'll never win." "Nakakahiya, kitang-kita ng buong X ang pagmumukha ko." Napakunot ang noo niya. "Bakit? Ang ganda mo kaya, Rian. At 'yang mukhang 'yan, dapat ipinagmamalaki 'yan. So, if you're not proud of your face, then let me be proud of it, okay?" Napansin niya ang bahagyang pagdidilim ng mukha ng dalaga ngunit mabilis nitong naitago iyo

