Rhian pov
Ayos na ang lahat. Pauwi na kami kasama ang parents ko
2weeks din ang nilagi ni mama sa hospital, sa loob ng two weeks na yon naipa renovate ko na ang dati naming tahanan
Kasama ko ang mga kapatid ko, kahit na hindi nila alam na ako ang ate nila. Hindi pa kasi ako umaamin kahit na my hinala sila. Si mama pa lang ang nakakaalam ng totoo
Pag bungad namin, may mga tambay sa daan, napakunot naman ang noo ko, eto ung mga taong binigyan ko ng trabaho
Bakit sila nandito?
Dahil don nakita kong natakot ang isa sa kapatid ko
"Thunder bakit ka huminto?" Tanong ko
"Wala lang po!" Kaila nito kahit na halatang natatakot sya
Kawawa naman ang kapatid ko,
"Wag kang matakot akong bahala!" Pag papalakas ko ng kanyang loob
Hinawakan ko ang kamay nito at sabay kaming nag lakad, saktong na tapat kami sa mga tambay ng mag salita si berto
"Miss beauty day off namin ngayon!" Masayang sabi nito
Makikita mong masaya ang bawat isa sa kanila
"Ganon ba ? akala ko na tanggal kayo sa trabaho! " Birong sabi ko
" Hindi mangyayare yon miss beauty pinag iigihan namin ang trabaho namin" masayang sabi ni loy ang mahaba ang buhok dati, pero ngayon umaliwalas na ang itsura nito
Lumalit ito sa kapatid ko, dahil hawak ko ang kamay ni thunder nanlalamig ito
"Bata pasensya kana sa mga maling nagawa namin sayo or sa inyo ng kapatid mo ha? Pangako hindi na namin uulitin yon. Sana mapatawad mo kami!" Madamdaming anito
"Tama yon" sabay sabay na sabi ng iba
Sabay sabay silang may dinukot sa bulsa at inabot yon sa kapatid ko
"Eto oh tanggapin mo, ibabalik lang namin yung mga naibigay mo sa amin!" Sabay nilang sabi
Parang naunawaan naman agad ni thunder kaya nag salita ito
"Talaga po ?" Masayang anito
Sabay naman silang tumango
"Sa inyo na po yan" ani ng kapatid ko
"Mauuna na kami kailangan na nilang mag pahinga" ani ko
"okay miss beauty salamat ulit!" Sabi nila ng sabay sabay
Nakakatuwa sa pakiramdam na nakakatulong ka sa kapwa mo
Nag lakad na kami papunta sa bahay,
Ng makalapit na kami sa bahay ay nanlumo ang parents ko sa nakita,
Iba na kasi ang nakatayo,
"Pedro inalis na nila ang bahay natin!" Sumbong ni mama kay papa, mangiyak iyak ito ganon din si papa
"Pano na tayo ngayon? Saan tayo titira!" Malungkot na saad ni mama
Hindi ko alam kong pano sisimulan. Kong paano ko sasabihin na yung nakatirik sa dati nilang bahay ay sakanila na mismo
Dumadami na din ang mga taong nakikichismis, at maririnig mo ang kanilang pinag uusapan
"Kawawa naman ang pamilya ni pedro, na hospital lang ang asawa nito nawalan pa ng tirahan!" Pang iinsultong sabi ng kapit bahay
"Mabuti nga yon eh para umalis na sila dito, hindi bagay ang pangit nilang bahay dito, aba tignan mo naman ang gaganda na ng mga nakatayo dito yung sakanila na lang ang pangit. Buti na lang at inalis na pinatayuan ng maganda. Tignan mo ngayon yan ang pinakamagandang bahay na nakatayo dito" mahabang salaysay ng isa pang kapit bahay nila mama
Na papangiti lang ako sa kanilang mga tinuran tss mga tao nga naman talaga,
" wag naman kayong ganyan tao pa rin sila nasasaktan sa mga pasaring nyo!" Napatingin ako sa nag salita
Pag tingin ko si manang oli,
" Ohh san na kayo pupulutin ngayon ?" Tanong ng isa habang nakapamewang
Hindi kona pinakinggan ang mga sinasabi nila, ang sakit lang sa tenga
Nakasara ang bahay na pinaranovate ko, may gate din ito para ligtas sila sa loob
Nakita kong namumula ang mga mata ni papa. Siguro ay masama ang loob nito sa ng yare
"tara na po!" Yaya ko sa kanila
Tumingin sila sa akin ng may pag tataka at nakakunot ang noo
"Saan tayo pupunta ineng?" Tanong ni papa sa malungkot na boses
Halata mo talagang nasasaktan ito sa nangyayare
" Sa loob po ng bahay" ngiting sabi ko
Lalo naman silang napakunot, ganon din si papa
" Na hihibang kana ba miss! Hindi naman sa inyo yang bahay na yan bakit kayo papasok" inis na sabi ng isa habang nakataas ang kilay
Hindi ko pinansin ang sinabi nito, kanina ko pa gustong patahimikin ang mga taong hindi naman kailangan na nandito tss
" Baka makulong tayo dyan ineng! Tayo na at umalis na lang wala na ang tahanan natin!" Malungkot na sabi ni papa
Binuhat na nila lahat ng gamit na dala galing hospital at akmang aalis na nang mag salita ako
"Sa inyo po yang bahay na yan!" Masaya kong sabi
Narinig ko naman na pasigaw ang mga chismosa sa paligid
"Ay talaga ba sa kanila yan"
"Hindi totoo yan sinungaling ang babaeng yan"
" Tama ka, hindi nila kayang mag patayo ng ganyang kagandang bahay! " Pang iinsultong sabi ng iba
Nakita ko si mama at papa na napaiyak
" Sino kaba talaga ineng bakit mo ginagawa ito! " Tanong ni papa
Bigla ay parang nalunok ko ang aking dila, anong idadahilan ko
"Pinadala po ako ni rain dito para tulungan kayo! At kong mag tatanong po kayo tungkol sa kanya ay wala po akong maisasagot!" Pag dadahilan ko
Dahil don lalong napaiyak si papa
" Sana sa muli naming pag kikita mapatawad nya kami" umiiyak na ani ni papa
Napatingin ako kay mama at tinanguan lang ako nito, parang pinapahiwatig nya na ayos lang
"tara na po!" masayang ani ko at sabay sabay kaming nag lakad
Kinuha ko ang Susi ng gate at binigay kay papa upang sya ang mag bukas noon
"salamat" ngiting sabi nito
Nag bubulungan pa ang mga chismosa sa labas, hindi kuna lang sila pinansin
Sa ngayon maayos na ang tirahan nila. Maisasakatuparan kuna ang pag hihiganti ko kay shon, sana sa gagawin kong laro wag ako ang matalo