chapter 10

535 Words
Narrator's pov (Continuation ng panaginip ni rhian) Habang nag lalakad ang mag asawang pedring nakita nila ang kotse na umuusok, kinabahan sila parehas. "Mahal tignan natin baka may taong nangangailangan ng ating tulong?!" Ani ng asawa ni pedring Hindi sila nag dalawang isip na tulungan ang kong sino man ang sakay ng kotseng nahulog sa bangin Pag lapit nila laking gulat nila na bata ang sakay nito, isang napakagandang bata "Pedring bilisan mo mukang sasabog na ang sasakyan!" Nag aalalang sabi ng asawa nito dahil umuusok na ang unahan ng kotse Bago pa sumabog ang kotse ay nakalabas sila ng ligtas Pinahiga ni linda ang asawa ni pedring ang bata sa damuhan, upang malaman kong humihinga pa ito "Mahal humihinga pa ang bata" masayang ani ng asawa nito "Anong gagawin natin" tanong ni pedring "Mahal ito na ang sagot sa matagal na nating hiling kong walang mag hahanap sa batang ito aakuin natin ang bata tayo ang ituturing nyang ama at ina!" Sagot ni linda sa asawa nito Ilang taon ng gustong mag ka anak ng mag asawa ngunit hindi sila biniyayaan ng may kapal. "Tara na madali tayo" ani Pedring Agad silang umuwi sa tahanan kahit pa hindi pa sila nakakarating sa dapat puntahan niLa *** Ilang bwan ang lumipas wala silang nabalitaan na nag hahanap ng batang babae kaya nakampante silang mag asawa Ngunit nawalan ng memorya ang batang si malia kaya iniba niLa ang pangalan nito Nung una hirap silang intindihin ang bata kasi puro English lang ang salita nito ngunit mabait ang bata Napamahal na ang batang si malia sa mag asawa, ilang taon , biniyayaan ng supling ang mag asawa. Hindi naman nabago ang turing nila sa batang si malia, tinuring niLa itong tunay na anak at ito ang panganay nila SA KABILANG DAKO NAMAN hinanap ni reca ang anak nito, hindi ito nag sayang ng sandali, Ng matapos ang barilan ay agad syang himingi ng tulong, Pag ka baba nila sa bangin naanutan na lang nilang nilalamon na ng malaking apoy ang kotseng sakay ng anak nito "Malia no!" Galit na sigaw nito Nahuli sila ng ilang sandali, kong siguro napaaga ang dating nila maaabitan nila ang mag asawa Kaya hindi nila hinanap ang batang si malia dahil ang alam nila patay na ito at nilamon ng malaking apoy Pag uwi ni reca sinabi nya ang masamang balita na ng yare sa anak Hindi makapaniwala si alia ang asawa nito sa sinabi ng asawa nito "Bawiin mo ang sinabi mo! Buhay ang anak ko. Iniwan ko lang kayong masaya sa bahay kanina! " Sabi nito at nawalan ng malay Agad dinala ni reca si alia sa hospital nalaman nitong nag dadalang tao ang asawa May palatandaan ang anak nilang si malia, may balat ito sa likod na kahalintulad ng butterfly, at kulay red din ito Masaya man ang pamilya ni reca ngunit may kuLang, yun ay ang anak nila, na ang alam nila ay matagal ng patay Naniniwala si alia na buhay pa ang anak nyang si malia, dahil ramdam nyang buhay pa ang anak nya. Hindi nya dimandam ang pag kawala ng anak dahil sigurado syang buhay ito. At sa tamang panahon makikita at mayayakap nya ang anak
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD