chapter 17

1241 Words
Rhian pov Mukang masusungitan nanaman ako ni tanda neto. Pano ba naman late nanaman ako tss Tinanghali ako ng gising, dahil sa mission namin kagabi. Dahil don ilang oras lang ang naging tulog ko Papasok na ako ng company ni tanda ng makasalubong ko si bea. "Bilisan mo masasabon ka nanaman kay sir" natatawang anito Inirapan ko lang ito sabay talikod Nag mamadaling sumakay ako ng elevator. Sa loob ng elevator narinig kong nag uusap ang kapwa ko employee "Pinatawag daw si gibo?" Tanong ng isa malapit sa tabi ko "Siguro deadline na ng report nito!" Ani naman ng tao sa harap namin "Sana wag nyang ma-tyempuhan ang pangit na ugali ni sir!" Nag aalalang tanong ng malapit sa tabi ko Dahil don napakunot ako, at pinag patuloy ang pakikinig sa kanila "Sana! naririnig ko na mainit ang ulo ni boss kay gibo!" Anito Napatingin sila sa gawi ako at biglang natahimik Bakit naman kaya mainit ang ulo ni tanda kay gibo? bukod kay bea si gibo ang unang taong nakapalagayan ko ng loob dito, ang tawag nga sa akin ng loko baby haha, natatawa na lang ako pag sinasabi nya yon Pag tinatawag nya kasi akong baby nag papacute sya na parang aso haha Ang akala nga ng iba nanliligaw sya sa akin tsk He's not my type, nakakatandang kapatid lang ang turing ko sa kanya Pag bukas ng elevator agad akong tumakbo papunta sa office ni tanda. Pero biglang nag init ang ulo ko sa naabutan kong eksena Napansin siguro ni tanda na galit ako, ewan ko ba pag nagagalit ako bigla nalang nagiging pula ang kulay ng mga mata ko Kahit anong gawin ko nagiging pula talaga ang kulay nito pag galit ako, Ng mapansin nya iyon pinilit kong pakalmahin ang sarili ko upang bumalik sa normal ang kulay ng mata ko Pina check up kopa nga yan sa doctor, ang sabi naman ng doctor normal lang yon nasa lahi daw namin, Wala naman sa parents ko at mga kapatid ko ang kagaya ng sa akin. Ng makaalis si gibo ay, nanatiling nakatitig sa akin si tanda Hanggang sa mag salita ako na mag di-day off ako. Bigla syang nabigla sa tinuran ko Sinira nya ang araw ko kaya kasalanan nya yon, hanggang sa makalabas ako ng office nya, nanatiling nahimik si tanda haha Habang nag lalakad palabas ng building ay nagulat na lang ako ng mag salita si bea sa likuran ko "Hulaan ko natanggal ka sa trabaho noh?" Anito sa ng iinis na boses Napairap Naman ako sa kawalan, "Nag Day of ako nasira nya araw ko ee!" Aniko na kina nganga nya haha Ano naman kaya ang dapat ikabigla sa sinabi ko "Talaga ba?" Anito na parang hindi makapaniwala Tumango lang ako bilang sagot, then dumiretso sa pag lalakad, pupunta na lang ako sa rhian mall ngayon. Sakay ang baby ko ay pinaandar ko ito papunta sa mall. Habang nag da drive may nakita akong kaguluhan. Kaya huminto ako at tinignan kong ano ang meron doon Isang matandang lalaki na maiyak iyak na nakaupo sa gilid ng daan. Katabi nito ang kariton. Marahil ay sa kanya ang kariton na iyon Narinig kong nag tanong ang isa sa kagaya kong nandito "Manong bakit po? Anong ng yare?" Curious na tanong nito Namumula na ang gilid ng mata ni manong, pero pinigilan nitong maiyak "Habang nag titinda ako tulak ang kariton may mga kalalakihang bumili kaya huminto ako pansamantala, hindi na nga sila nag bayad kinuha pa nila ang kinita ko!" Anito sa malungkot na boses "Anong ipapakain ko sa mga anak ko!" dagdag nyang saad kaya nalungkot ako "Tinaob pa nila ang kariton ko waLa na ang paninda ko!" May tumulong luha sa mga mata nya Bakit kaya may mga klase ng taong ganon sa mundo. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nalungkot sa sinapit ni manong "manong!" Agaw ko ng pansin sa kanya, napataas naman ang mukha nito at tumingin sa akin Lahat naman sila nasa akin ang attention damn! " Mag kano po ba ang lahat ng nakuha nila at yang mga nasayang nyong paninda?" Tanong ko Sasagot na sana si manong ng biglang sumingit ang isa sa mga tao dito na nag bi-video "Bakit kailangan mo pang tanungin kong mag kano? May pang palit kaba sa mga iyon?" Mataray na anito Tinignan ko lang sya ng blangkong tingin "Tignan mo nga yang itsura mo baka mas magirap kapa kay manong!" Muling pang iinsultong anito Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa, maayos ang suot nito mukang mayaman. "Wala naman sigurong masama mag tanong!" Malumanay kong ani " Mga tao talaga makaagaw lang ng attention ng marami gagawa ng paraan!" Hindi ko pinansin ito, gusto kong pigain ang leeg ng babaeng to hanggang sa mawalan sya ng hininga pero pinigilan ko ang sarili ko Kaya imbis na patulan ay bumaling akong muli kay manong at nag salita " Manong mag kano po Lahat?" Nag salita naman si manong! May mga sinasabi pa ang babaeng to pero hindi kona lamang inintindi "Yung nakuha nilang pero nasa 3k siguro, itong natapon nasa 2k pero sa isang iglap lang wala na!" Malungkot na saad nito hindi pa ako nakakapag salita ng mag salita ang babae sa likod ko tss "Ohh ano may pang palit ka? Yabang mo ee no!" Mapang insultong ani ng babae habang nakangisi ng nakakaloko . Konti na lang sasabog ang bungo mo dito "Manong ako na pong bahala sa mga yan!" Aniko at dumukot sa aking busla Pag dukot ko may nakuha naman akong 100 kaya lalong natawa ang hinayupak na babaeng to maging ang ilan ay gayun din Naalala ko sa bag pack ko pala nailagay ang perang inilabas ko kahapon "Ang yabang 100 lang pala ang pera" ani ng babae kaya nag tawanan silang lahat maliban kay manong Nag lakad ako papunta sa baby ko at kinuha ang bag pack ko. Sa malapit ko lang naman ito pinarking. Kaya malapit lang Pag balik ko lahat sila namangha sa nakita maging ang babae na ng mamaliit sa akin kanina Tss ano naman nakakamangha don weird Nag lakad ako pabalik kay manong, Napalingon ako sa nag salita "S-sayo y-yong ducati na yon?" Manghang tanong nito "Yeah" I said coldly sabay irap sa kawalan Ng makalapit sa gawi ni manong binigyan ko ito ng 20k para sa panibagong puhunan at pang gastos nito "Naku iha napakalaki naman nito!" Tanggi ni manong sa akin "Para po sa panibagong puhunan at pang gastos nyo na din po!" Magalang na aniko " Salamat iha malaking tulong to para sa mga anak ko. Iniwan na kasi ako ng asawa ko!" Mangiyak iyak na anito Tumango lang ako bilang sagot, at nag paalam na Napa wow ang ibang tao sa paligid at ang iba naman ay napa sana all Naalala ko sa kanya si papa nung una ko silang makita ni bunso. Akmang aalis na ko ng maalala ko ang babaeng mapang lait "Hindi nakabase sa pananamit ng isang tao kong ano ang meron sya" i said in a sarcastic voice " Sorry " hingi ng tawad na anito I just looked at him blankly, nag lakad na ako papunta sa baby ko, nararamdaman kong nakasunod sila ng tingin sa akin. Ng makasakay na ako, nakita ko pang kumaway si manong at malawak ang pag kakangiti Dumiretso na ako sa rhian mall Kaya siguro ako napadpad sa lugar na ito upang tulungan si manong. Napangiti ako habang nag mamaneho
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD