Rhian pov
Sakay ng aking ducati mabilis akong nakarating sa rhian mall, nag lalakad ako papuntang entrance ng may makabangga akong babae, kaya agad akong humingi ng paumanhin at napatingin sa kanya
May kasama itong lalake na medyo katandaan na pero hindi mo mahahalata na matanda na ito dahil sa tindig ng katawan nito
Nag tama ang mata namin ng babae na medyo may edad na
"Sorry po" aniko at akmang pupulutin ang nahulog na bag nito ng hawakan nya ang kamay ko na kinabigla ko
Nanginginig ang kamay nito at nanlalamig na dumapo ang kamay nya sa palapulsuhan ko. Bigla ay parang nakaramdam ako ng kakaiba sa pag dapo ng kamay nya mula sa balat ko
"Anak!" Anito sa nanginginig na boses, medyo na iiyak na din sya dahil namumula na ang gilid ng kanyang mata
Napatingin ako sa kasama nitong lalake, pero napakaitim na awra ang makikita mong bumabalot sa kanya. Medyo kinilabutan ako sa awra ng lalakeng ito
Nakatingin lang sa akin ang lalake na blangko ang ekspresyon! Napakalamig ng kanyang mga titig, habang ang asawa naman nito ay nanatiling nakahawak sa akin
Walang namutawing salita sa aking bibig sa pag tawag nya sa akin ng anak! Nanatiling nakakunot ang noo ko sa kanya
"Ikaw nga!" Ani ng babae at bigla nalang akong niyakap sa pag yakap nyang yon, parang dama ko ang pangungulila ng isang ina sa kanyang anak.
Imbis na kumalas ako sa pag kakayakap ng babaeng to, hindi ko alam kong bakit hindi ko maikilos ang mga kamay ko upang tanggalin ang pag kakayakap nya sa akin, sa halip na tanggalin hinayaan ko itong nakayakap sa akin dinama ko ang yakap nyang iyon sa hindi ko malamang dahilan
Ng nakabawi ay nag salita ako
"Ma'am paumanhin po hindi po ako ang anak nyo!" Magalang kong sabi Habang nakayakap pa rin ang mga kamay nito sa akin, unti unti naman syang kumalas ng marinig nya ang sinabi ko
Pinakatitigan nga ako na animoy kinakabisado ang bawat anggulo ng aking pag katao bago muling nag salita
"I am sure. You are my daughter!" Anito at bumaling sa asawa
"Reca sabihin mo sa akin sya ang anak natin diba!" pangungumbinsing sabi nito sa asawa
Napatitig ako sa lalaki habang nakakunot ang noo, nakita kong nag bago ang kulay ng mga mata nito, mula sa abo naging kulay pula ito na pinag taka ko. Sh*t bakit parehas kami ng mata
Nag iwas ako ng tingin sa lalake baka makahalata ito. Nanatiling tahimik ang lalake pinag mamasdan ang kilos ko tss. Mukang hindi basta bastang tao ang isang to base sa awrang meron sya
Blangko ang mga mata nitong nakatingin sa akin,
"Ma'am pasensya na po may pupuntahan pa ako! Mauuna na po ako" pag papaalam ko
"Sasama ako!" Mabilis na anito
Hindi ko man lang narinig mag salita ang lalakeng kasama nito
" Sigurado ako ikaw ang anak ko nararamdaman ko yon!" Dagdag na anito sa malungkot na boses
Hindi ko maintindihan kong bakit sya nag kakaganyan, naiinis na ako, pero kinalma ko ang aking sarili upang maiwasan ang pag init ng ulo
"Baka po nag kakamali lang kayo!" Aniko
Mababakas mo ang lungkot sa mga mata ng babaeng ito pero ang asawa nito hindi ko mabasa ang ekspresyon, ang hirap basahin ng kanyang mukha
"Mauuna na po ako!" Paalam ko at muling tumingin sa lalake bago tuluyang umalis
Habang papalayo sa kanila narinig kong nag salita at parang nag mamakaawa ang babae sa asawa nito
"Reca ano ba wala ka bang gagawin! Sya si malia ramdam ko yon! Ang tagal kong hinintay na makasama syang muli!" Umiiyak na anito sa asawa nya
Hindi na ako nag aksayang lumingon sa kanila
Malia pala ang pangalan ng anak nya. Ano kayang ng yare at ako ang inaakalang anak nito tss
Pag pasok ko sa rhian mall agad kong hinanap si lea upang itanong kong maayos ba ang takbo ng mall
****
3rd PERSON POV
inaya ako ng asawa kong pumunta sa isang sikat na mall kaya naman sumama na ako pambawi sa kanya nitong mga nakaraang araw. Naging busy kasi ako sa pag aasikaso sa taong naging dahilan ng pag kawala ng kaisa isa naming anak
Hanggang ngayon hindi parin mahanap Kong saan ito nag tatago
"Let's go honey!" Malambing na anito kaya naman natuwa ako
Mula ng mawala si malia sa amin naging matamlay ang katawan nya, hindi na bumalik ang dating sigla ng katawan nya. Pero ngayon mukang bumabalik na.
I missed my wife! yung mga ngiti at lambing nya nong buhay pa si malia
Habang nag da-drive ako nagulat na lang ako ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko na kinabigla ko ng sobra,
Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti ng matamis. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga ngiti nyang yon, nag liwanag ang mukha ko sa nakita kong ngiti nya
"Thank you!" Anito at muling ngumiti
Pag dating namin sa mall ay napatingin ako sa pangalan ng mall. It's rhian mall,
Habang nag lalakad kami papasok ng aking asawa may nakabangga itong babae na nasa edad 18 to 20 y/o, napakunot ako at napamura ng mahina
"Damn" i said silently
Nakita naMan ng babae na nahulog yung bag ni alia kaya dali dali nitong dinampot, naging alerto ako sa susunod na mangyayare, ang akala ko itatakbo nito ang bag pero nag kamali ako
Hindi pa nahahawakan ng babae ang bag ng hawakan ng asawa ko ang kamay ng dalaga kaya naman napakunot ang noo ko sa ginawa nito
Base sa pag kakakilala ko sa asawa ko hindi ito basta basta lumalapit sa ibang tao lalo nat hind nito kakilala pero ngayon eto sya at kayakap ang dalaga
Sya ang yumakap hindi ko makita ang mukha ng dalaga dahil nakatalikod ito sa akin
Nagulat na Lang ako ng sinabi nyang ito ang anak naming matagal ng patay. Damn hindi pa rin pala nito tanggap na patay na ang anak namin
Dahil don pinanatili kong blangko ang emosyon ko. Humarap ang dalaga at nag tama ang aming mga mata, fvck bakit parang nakita ko ang asawa ko sa itsura ng dalaga na nakatayo ngayon sa aming harapan, bumilis ang pag t***k ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kong bakit
Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko parang bumalik yung mga oras na ngyare ang pag kawala ng anak namin, dahil don hindi ko napigilang magalit. Napansin siguro ng dalaga ang mga mata ko dahil titig na titig ito sa mga mata ko
Kinalma ko ang sarili upang bumalik ang daling kulay ng mga mata ko
Ramdam kong naiinis na ang dalaga dahil nakakunot na ang noo nito, marahil ay nakukulitan sa asawa ko, nakatitig lang ako sa dalaga! sa mukha nitong kahawig ng aking mahal na asawa
Habang nakatitig ako sa mga mata ng dalaga nakita kong nag iba ang kulay ng mga mata ng dalaga mula sa kulay abo naging kulay pula, doon na ako kinutuban na maaari kayang buhay si malia. Maaari kayang ikaw si malia ang anak namin na inakala naming patay na
Agad din bumalik sa dati ang kulay ng mata nito, mukang hindi nya alam na nag bago ang kulay ng mata nya base sa reaksyon ng mukha nya
Nag paalam na ito at nag mamadaling umalis! Nagalit naman sa akin si alia dahil hindi ako gumawa ng paraan upang malaman ang pag kakakilanlan ng dalaga. Ni hindi man lang namin natanong ang pangalan nito
Mukang kailangan kong alamin ang lahat sa pag katao ng dalagang iyon
"Let's go home" ani ko sa asawa ko. Pinag hahampas ako nito kaya binuhat ko ito na parang sako ng bigas tss
"Let's find her!" Anito hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak
Kahit hindi mo sabihin, yon talaga ang gagawin ko, gusto kong malaman ang katotohanan, kong ikaw ba talaga si malia! Kong paano ka nakatakas oh nakalabas sa kotse! Kong sino ang nag palaki sayo!