(POV ni Lance) Ang buong Makati ay kumikislap sa gabi, pero wala akong ibang iniisip maliban kay Celine. Matapos ang mga nangyari—Ang pagsulpot ni Clara, ang pag-aalinlangan, ang mga titig niyang sugatan—alam kong hindi sapat ang mga salita. Kailangan niya ng patunay. Kinuha ko ang phone ko at nag-type: “Celine, 7 PM. Don’t say no. Please.” Walang reply. Tinawagan ko si Trish para tulungan akong hatakin siya. “Sabihin mong may emergency sa office, pero huwag mo siyang takutin.” “Grabe ka, boss,” natatawang sabi ni Trish. “Sige, pero dapat epic ‘to.” Nagpa-reserve ako sa isang rooftop garden restaurant na may view ng buong skyline—isang lugar na hindi masyadong showy pero intimate. Pinakiusapan ko rin ang banda na tumugtog ng acoustic versions ng mga paborito naming kanta na palihim ko

