Paglabas nila ni Lance mula sa opisina, bitbit na ni Celine ang cassava cake para ibigay sa mga staff. Pero bago pa man siya makalapit, halos mag-unahan na ang mga empleyado sa pantry area. “Cassava cake ni Miss Celine!” “Ay Diyos ko, parang fiesta!” “Magpapadala pa kaya siya next week?” bulong ng isa na agad ding pinandilatan ng katabi. Celine couldn’t help but laugh. “Huwag kayong mag-alala, this time enough for all—may extra pa for dessert galore!” Halos sabay-sabay silang nag-clap at nagsigawan ng “Yehey!” na parang mga bata. May isa pa ngang intern na hindi napigilang mag-joke: “Miss Celine, baka puwede po kayong maging official supplier namin dito!” “Supplier or future…” biro pa ng isa, pero agad silang natahimik nang mapatingin si Lance sa kanila—kunot-noo pero halatang nagpi

