(POV ni Lance) Kung may award lang sa acting, siguro matagal na akong nanalo. Hindi dahil sa pelikula, kundi sa araw-araw kong pagtatago ng feelings para kay Celine. Well… hindi naman sobrang tago. More like, half the office already suspects. At the worst part? Hindi ko na rin ata gustong itago. Pagdating ko sa opisina, ramdam ko agad na may kakaiba. Masyadong maaga para sa chismis pero ayan, nagbubulungan na yung mga staff. At ang dahilan? Celine. Nakatayo siya sa hallway, hawak ang tablet niya, reviewing files like she owned the place. She wasn’t even trying—pero lahat ng tao, parang nagiging fans club. “Morning,” sabi ko, diretso lang pero may half-smile. “Good morning, Mr. Zamora,” sagot niya, sobrang formal na parang hindi kami nag-usap kagabi sa phone tungkol sa cinnamon roll

