Celine’s POV Pagpasok ko ng opisina kinabukasan, hindi ko inaasahan ang tanawin na bubungad sa akin: isang malaking bouquet—as in halos matabunan na ang computer monitor ko sa laki—ang nakapatong sa desk ko. May kasamang maliit na card na kulay cream at may naka-emboss na golden letters: “To: Celine.” Agad kong naramdaman ang mga tingin ng mga officemates. Parang CCTV camera lahat ng mata nila—lahat curious. “Uy, Celine… grabe naman ‘yan. May secret admirer ka pala?” bulong ni Jessa, isang ka-team namin, habang naglalagay ng kape sa mug. “Hindi ko alam,” sagot ko, sinusubukan kong huwag ngumiti pero obvious na na-excite ako. Alam ko kung kanino galing ‘yan. Pinunit ko ang sobre at binasa ang sulat. > Celine, I know these past days were… disaster. Clara’s comeback wasn’t just

