Linggo ng gabi, at gaya ng dati, hindi nakaligtas si Celine sa isa na namang imbitasyon mula kay Celeste. Ang kaibahan lang ngayon, hindi ito simpleng dinner—parang mini-fiesta na kasi si Celeste kapag nagplano. Pagdating ni Celine sa bahay ng mga Zamora, bitbit niya ang dalawang magkapatong na malaking kahon. Mabigat, pero hindi niya inalintana. “Hi, Tita!” masigla niyang bati pagkapasok sa dining area. Agad siyang sinalubong ni Celeste. “Ayan na ang paborito kong dalaga! Ano ‘yan?” Ngumiti si Celine, sabay inilapag ang kahon sa mesa. “Cassava cake po. Enough na para sa lahat… at may extra pa kung sakaling may round two ng dessert cravings.” Literal na kumislap ang mga mata ni Celeste. “Aba! Celine, you’re officially my favorite person tonight.” Napatingin siya kay Lance na bagong dat

