Mainit ang araw ngunit presko ang hangin nang pormal nang tinurn-over ang Clark project sa kliyente. Sa harap ng bagong gawang gusali—isang makabagong mixed-use complex na may eleganteng façade at sustainable design—nagtipon-tipon ang mga contractor, engineers, at representatives ng lokal na pamahalaan. Nandoon ang media, ready nang i-document ang event. Siyempre present si Celine na nakasuot ng simple pero classy na cream pantsuit, ay tila kumikislap habang nakikipag-usap sa ilang developers. Si Lance, na nakatayo ilang hakbang sa likod niya, ay hindi maalis ang mga mata sa kanya—proud at namamangha. Armando Zamora, ang patriarch ng firm, ay nakasuot ng navy blue suit na bagay na bagay sa kanyang aura ng authority at elegance. Celeste, as always, graceful, nakikipagkamay at nagbibiro sa

