Lance’s POV Pagkatapos ng isang buong araw ng meetings at endless emails, halos sabay kaming nag-pack up ni Celine. Nakaupo siya sa desk niya, tinatanggal ang maliit na clip sa buhok habang nagbubuhol ng mga earphones. Hindi ko alam kung bakit pero ‘yong simpleng galaw na ‘yon, parang cinematic sa paningin ko. Nilapitan ko siya habang inaayos ko ang coat ko. “Hey, tapos ka na?” tanong ko, medyo kaswal ang tono para hindi mahalatang gusto ko talagang samahan siya. “Tapos na, sir,” sagot niya, pero nag-smirk. “Hindi mo ako kailangang hintayin, baka may iba ka pang gagawin.” Umiling ako. “Wala na. And besides…” Huminto ako saglit, nilagay ang kamay sa bulsa para hindi mahalata na kinakabahan ako. “Let me walk you to your condo. Malapit lang naman ‘di ba? Para may kausap ka habang naglalak

