Celine’s POV Mainit. Sobrang init. Bakit parang yakap ako ng giant human pillow? Nagdilat ako ng mata at— “AAAAAAAHHHHH!!!” sabay naming sigaw ni Lance. Dahil sa gulat, muntik na akong mahulog sa kama pero naipit ako sa kumot. Si Lance, walang suot pang-itaas at nakabusangot na parang siya pa ang biktima. His messy hair was all over his forehead, at ‘yung abs niya… huwag na nating pag-usapan—may sariling fans club na siguro ‘yon. “Ano’ng ginagawa mo dito?!” sabay kaming nagsalita, tapos pareho kaming natahimik. Huminga siya nang malalim. “Wait. Why are you in my arms?” “Excuse me, arms mo ang lumapit! Hindi ko choice na yakapin mo ako!” Nilabas ko ang mga braso kong parang nagpe-pray mantis. “At bakit tayo—” napahinto ako nang maramdaman kong mayroon naman akong suot na pantulog ay d

