POV ni Celine) Tahimik ang buong opisina ng Zamora Architectural Groups nang gabing ’yon, maliban sa mahinang tunog ng aircon at tip-tap ng mga keyboard. Kakaiba ang atmosphere—parang lahat ng anino sa glass walls ay may tinatagong sikreto. Nasa gilid ako ng mesa ni Lance, nakayuko habang ina-adjust ang lighting ng isang fake render sa SketchUp. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko: isa lang itong layout, pero dito nakasalalay ang paghuli sa mole. “Sigurado ka ba dito, Lance?” bulong ko, habang sinusubukan kong gawing natural ang tono ko. “Paano kung masyadong halata ang marker mo?” Nag-lean siya malapit sa monitor, at dahil sobrang lapit ng mukha niya, naamoy ko ang mint ng kanyang hininga. “Trust me, Celine. Ginawa ko itong parang ordinaryong detail lang—’yong pattern sa tiles sa lobby, pe

