(POV ni Lance) Malamig ang ilaw ng monitor na tumama sa mukha ko habang mag-isa akong nakaupo sa opisina ng Zamora Architectural Group—alas-dose na ng gabi, lahat ng mesa ay tahimik na parang nakahinga rin ng malalim matapos ang isang magulong linggo. Sa labas ng salaming bintana, kumikislap ang mga city lights, pero dito sa loob, tanging tunog ng mouse clicks at mahinang ugong ng aircon ang kasama ko. Naka-lean ako sa upuan, hawak ang security logs. Sa gitna ng listahan ng mga oras at pangalan, isang entry ang nagpa-kunot sa noo ko: User: r.castro Timestamp: 11:47 PM Location: External login – Kapitolyo Coffee Hub “Kapitolyo Coffee Hub? At ganitong oras?” bulong ko sa sarili. Si Ryan Castro, isa sa mga junior architects namin—hindi dapat siya may access sa confidential files par

