Kinabukasan sa opisina, parang lumipad lahat ng balita sa hangin at nakarating agad sa bawat sulok ng department. Kahit ‘yung mga hindi naman invited sa get-together kagabi, parang nakapanood ng live coverage.
At sa gitna ng mga tsismis, sino ang target? Siyempre, si Celine.
At kasama niya? Hindi mo na kailangang hulaan.
Pagkapasok niya sa pantry para magtimpla ng kape, agad siyang sinalubong ni Carla, ang ultimate tsismosa-s***h-BFF niya sa office.
Carla: “Hoy, mare… spill the tea! Ano raw nangyari kagabi?!”
Celine: “Tea agad? Eh kape nga ang kukunin ko.”
Carla: “Don’t play innocent. May nagsabi sa’kin na nakita ka raw umalis kasama si—” dramatic pause “—Lance.”
Celine: (kunot-noo) “Coincidence lang ‘yun. Pareho lang kaming nag-book ng grab. Sabay lang kaming nadampot ng tadhana… unfortunately.”
Carla: “Unfortunately? Eh bakit parang blooming ka ngayong umaga? Ano ‘yan… afterglow?”
She nearly spit out yung kape niyang tinimpla sa sobrang iritasyon at kaba.
Celine:: “Carla, hindi lahat ng blush galing sa kilig. Minsan galing din sa inis!”
Pero kahit anong tanggi niya, ramdam niya ‘yung mga kilig chills na ayaw aminin ng utak niya.
Flashback kagabi, after ng “incident”
Nagising si Celine sa kama na may kasamang warm body sa tabi niya.
Si Lance. Tulog. Mukha pa ring anghel kahit alam niyang kalaban niya sa history ng puso niya.
Napangiti siya sandali—then bigla siyang natauhan. What the hell happened?
Hindi niya maalala ang lahat, pero sapat na yung bits and pieces para mapanood niya sa utak niya yung highlight reel: tawa, sayaw, tequila shots, tapos… blackout.
Sa sasakyan habang on the way silanpara ihatid siya sarili niyang condo...
Lance: " You made this the brightest morning,sunshine.”
Celine: “Don’t ‘sunshine’ me! Explain this!”
Lance: “Well… if I remember correctly, you kissed me first.”
Celine: “I did not!”
Lance: “You totally did. Twice. And you bit my lip.”
Until both of them silenced and agreed to never talk about it again...Ever.
Present day, back sa pantry
Bago pa tuluyang makuryente ang tsismisan session nila, dumating ang hari ng pilyo — si Lance mismo.
Dala-dala ang mug niya, parang walang care sa mundo.
Lance: “Good morning, ladies.”
Celine: (deadpan) “Good morning, trouble.”
Lance: (nakangiti) “Aw, you remember my nickname for you.”
Celine: “That wasn’t a compliment.”
Lance: “Hindi ko naman sinabi na hindi.”
Nagkatinginan si Carla at si Lance, at parang alam na ni Carla na kailangan na niyang magpa-exit para makapanood sa malayo.
Bago siya lumabas ng pantry, bumulong pa siya kay Celine:
Carla: “Girl, kung ganyan araw-araw ka tititigan… good luck sa puso mo.”
Sa hallway
Habang papunta sila pareho sa meeting room, hindi mapigilan ni Celine ang inis.
Celine: “Ano bang plano mo? Gumawa ng scene sa opisina?”
Lance: “Wala. I just want to say hi… and maybe remind you na may utang ka pa sa’kin.”
Celine: “Utang?”
Lance: “Yeah. You promised me a proper breakfast date. Hindi counted ‘yung cold pizza kagabi.”
Celine: “I did not promise—”
Lance: “You did. Meron pa akong recording kung gusto mo.”
Celine: “Recording?!”
Lance: (smirking) “Evidence is everything, Celine”
Celine rolled her eyes, pero deep inside, nanginginig siya hindi lang sa inis kundi sa excitement na ayaw niyang aminin.
Sa meeting room
Nagkataon, magkatabi silang naupo — thanks to their oh-so-supportive boss na mahilig mag-partner ng may tension para daw “better collaboration.”
Habang nagpe-present ang boss nila, ramdam ni Celine ang siko ni Lance na paminsan-minsan ay dumadampi sa kanya.
Hindi niya alam kung sadya ba o aksidente, pero alam niyang nakangiti si Lance sa tuwing magugulat siya.
Celine: (bulong) “Can you not?”
Lance: (bulong pabalik) “Can I? Sure. But do you want me to stop?”
Hindi na siya nakasagot.
Lunch break
Plano sana ni Celine na mag-lunch mag-isa para iwas Lance. Pero ayan na naman, parang may GPS ang lalaki.
Lance: “Mind if I join you?”
Celine: “Yes, I mind.”
Lance: “Good. Kasi nandito na ako.”
Uupo na lang sana siya para tapusin na ang eksena pero…
Waiter: “Sir, same order as usual?”
Celine: “Oh wow. May ‘usual’ ka na dito? Akala ko hindi ka mahilig sa simpleng resto.”
Lance: “I wasn’t. But now… may reason na.”
Sabay kindat.
Celine felt her cheeks heat up. Napakamot siya ng batok na parang wala lang.
Pero sa loob-loob niya… This is bad. Really, really bad.
Kasi parang gusto na niyang hindi matapos ang lunch na ‘to.
Habang nag-uusap sila tungkol sa mga old college days (at kung paano sila nagbangayan noon), biglang bumukas ang pinto ng resto…
At pumasok ang isang babaeng hindi niya kilala pero halatang kilalang-kilala si Lance.
Yung titig ng babae? Possessive.
At yung unang salitang lumabas sa bibig niya?
Babae:
“Lance… I’ve been looking everywhere for you.”