(Celine’s POV) Lunes. Alam mong may sumpa talaga ang araw na ‘to. Tatlong cups ng kape na ang naubos ko at tatlong beses na rin akong tinawag ng iba’t ibang department para magpa-approve ng minor revisions. Sa gitna ng pagta-type ko ng email, bumukas bigla ang glass door ng design department at pumasok si Lance—walang knocking, walang warning, just CEO swagger. “Team, be ready for a quick update meeting in five,” sabi niya, pero habang nagsasalita, nagtagpo ang mga mata namin. Parang slow-mo sa pelikula. No, Celine, huwag kang mag-smile. Busy ka. Professional. Pero ayun, may maliit na ngiti pa rin na lumabas. Pag-upo niya sa conference table para mag-meeting, naglagay siya ng mga charts at project updates sa screen. Pero habang nagtatalakay siya tungkol sa Clark timeline, naramdaman kon

