Mainit ang araw pero hindi iyon nakasagabal sa glow na dala ng panalo. Sa wakas, matapos ang mga linggo ng fake news, boardroom battles, at whistleblower revelations, malinaw na—wala ni isang kasong anomalya ang Zamora Architectural Groups. Ang conference hall ay puno ng media, mga opisyal ng gobyerno, at investors. Habang nakatayo sa podium si Lance, ramdam ni Celine ang paghampas ng kaba sa dibdib niya. Pero kasabay noon ay may halong kilig—hindi lang dahil sa presensiya ni Lance, kundi dahil sa alam niyang, kahit gaano kahirap, hindi siya bumitaw sa laban. “Ladies and gentlemen,” panimula ni Lance, malalim ang tinig at matatag ang titig, “today is not just about clearing our name. It’s about proving that integrity is not negotiable.” Sunod niyang inabot ang kamay ni Celine, at imbes

