(POV: Celine) Ang buong building ng Zamora Architectural Groups ay parang biglang binuhusan ng malamig na tubig nang dumating ang emergency bulletin. “Breaking news!” halos pasigaw na sabi ng secretary habang nag-aapura papasok sa conference room. “May matinding bagyo na tumama sa Pampanga—at kasama sa direktang naapektuhan ang Clark site!” Tahimik. Lahat ng mata biglang lumipat kay Lance, tapos kay Armando, at sa huli… sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang ballpen. Ang Clark project—isa sa pinaka-pinagmamalaki kong design sa buong career ko. Hindi lang siya blueprint. Para siyang anak na isinilang ko mula sa isip at puso ko. At ngayong nasa balita na, nasa bingit siya ng tunay na pagsubok. “Reports say possible flooding and strong winds battered the area,” d

