(Celine’s POV) Hindi ko alam kung bakit palaging ganito. Parang bawat oras na kasama ko si Lance ay may kuryenteng dumadaloy—at hindi yung simple electricity lang. Yung tipong kung hawakan mo ang elbow niya sa hallway, may spark na mararamdaman mo sa tiyan. Ngayon, nasa office kami. Malamig ang aircon, ang taas ng tension ng meeting kanina, at ang daming deadline na kailangang i-handle. Pero somehow, after the chaos, nagpunta kami sa terrace ng building—ang balcony na may view ng buong Makati skyline. Ang lamig ng gabi, pero ramdam ko ang init ng katawan niya kahit nakatayo kami ng konti sa pagitan. “Haaaaay! Finally,” bulong ko habang huminga ng malalim at may pa inat at stretch pa ng arms jo sa ere, “some fresh air. Kailangan ko talaga.” “You’re welcome. I insist on this,” sabay abot

