CHAPTER 5

1229 Words
Dinala ni Alex ang Mommy niya at si Gretchen sa isang restaurant malapit sa opisina niya. “What do you want?” “Anything.” Wala sa sarili si Alex habang nasa restaurant sila. Hindi matangal sa isip niya ang nakita niya kanina. Walang pagsidlan ang galit niya ng nakitang dinalhan ni Paolo ng pagkain si Bianca. “I didn’t know that Paolo and Bianca are a thing.” Nakuha ng Mommy niya ang atensyon ni Alex ng narinig niya ang pangalan ni Bianca. “No they’re not.” “But we all saw it. They’re very sweet.” “I agree po. Bagay na bagay nga sila e.” Tinignan ng masama ni Alex si Gretchen ng narinig nito ang sinabi niya. “Hindi sila. ‘Wag niyo ng ipilit.” Walang pakialam si Alex sa kung paano niya sagutin si Gretchen. Mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang selos at hindi na siya makapaghintay na bumalik sa opisina para kausapin si Bianca. “At paano mo naman nalamangg hindi sila?” “Dahil kilala ko ang asawa ni Bianca.” “Bianca si married?!” Natahimik si Alex sa tanong ng Mommy niya. Sadali siyang nag-isip ng idadahilan niya dito. “That’s what she calls her boyfriend. She always refers to him as her asawa.” Tumango ang Mommy niya na para bang naniniwala din siya sa sinabi ni Alex. “Sayang! Mas gusto ko pa naman sila ni Paolo.” KATULAD ng sinabi ni Alex, naghintay si Bianca sa loob ng opisina niya hanggang sa pagbalik niya. Ayaw pa siyang iwanan ni Paolo kanina dahil sa pagaalalang baka sobrang pagalitan siya ni Alex. Sa kalaunan napilit din naman ni Bianca si Paolo na bumalik sa site. She assured her that she’ll be fine. “Alex…” “Saan ang bahay ni Paolo? I want to talk to him.” “Ikaw pa talaga ‘tong may ganang magalit?” “Just tell me.” Tinignan ni Bianca si Alex. Hindi ito makapaniwalang sarili lang niya ang iniisip niya. “Wala ka bang balak sabihin sa akin ang tungkol sa kasal mo?” Natahimik si Alex ng narinig ang sinabi ni Bianca. Ito na ang kinakatakutan niya kaya iniiwasan niyang mapagusapan nila ni Bianca ang tungkol dito. Pero wala na siyang takas. Alam na niya ang totoo and he needs to explain himself to her. “I’m sorry.” “Sorry? Sorry lang?” “Love… alam ko mali ako. Hindi ko sinabi sayo kaagad. You know that I can’t live without you kaya natakot akong sabihin sayo ang totoo. Baka kasi iwanan mo ako.” “I will… Iiwan talaga kita.” “What?” “Mag hiwalay na tayo.” Tinignan ni Alex si Bianca. Nagulat siya sa sinabi nito at agad sinagot ang nobya. “NO!” “You’re getting married Alex! Hindi na tayo pwede.” “Ganito lang ba kadali sayo ang iwan ako?” Bianca looked at Alex. Hindi din naman madali sa kanya ang desisyong ito pero kailangan niyang gawin. “Alex mahal kita. Pero kasal ‘tong pinaguusapan natin.” “Gagawan ko ng paraan. ‘Wag mo lang akong iwan. Please.” “Gagawan mo ng paraan? Paano? Sige nga? Paano?” Alex didn’t know what to do. Hindi niya alam kung paano niya gagawan ng paraan ang lahat ng mga nangyayari. He doesn’t want to marry Gretchen but he does not have a choice. His Dad is sick and marrying Gretchen is the only request he has for Alex. “Love… Hindi ba pwedeng hintayin mo ako hanggang sa magawan ko ng paraan ‘to?” “Hanggang kailan kita hihintayin Alex? Sigurado ba tayong magagawan mo ng paraan ‘to?” “If not you can stay in the US. May bahay ako doon. I can visit you every month.” Hindi makapaniwala si Bianca sa mga naririnig niya mula kay Alex. “Wag mong sabihin sa akin na balak mo akong gawing kabit?” “Love… Kahit na anong mangyari alam mo namang ikaw ang mahal ko, hindi ba? Importante pa ba ang papel na ‘yan? Importate pa ba ng legalities? Ang mahalaga mahal kita at mahal mo ako.” Dahil sa inis nasampal ni Bianca si Alex. “Balak mo nga akong gawing kabit?” “Love…” “In that case then maghiwalay na tayo Alex. Hindi ako ganun kababang babae.” “Love please… let me explain!” “Explain? Explain what?!” Alex is left with no choice. This is the only weapon he has. He’ll tell Bianca the truth. Magbabakasakali siyang maiintindihan ni Bianca ang sitwasyon niya kapag nalaman niya ang totoo. “Dad is sick.” Nagulat si Bianca sa balitang narinig niya. Tinignan niya si Alex at bakas sa mga mata nito ang lubos na pagaalala. “He’s sick? Anong sakit niya?” “Cancer. Stage 3.” “Oh my God Alex. I am so sorry. I didn’t know.” Alex looked at Bianca. Nagmamakaawa ang mga mata niya sa babaeng nasa harap niya. Nagbabakasaling hindi siya iiwan nito lalo na sa panahong higit niyang kailangan ng karamay at suporta. “He’s only request is for me to marry Gretchen.” “Bakit?” “He wants the business to be stable. Kapag daw nawala siya hindi na siya magaalalang babagsak ang negosyo because we’ll have Gretchen’s support.” “So your marriage is purely business?” “Yes.” “Pero legal pa rin ‘yon Alex.” “Alam ko. Kaya nagmamakaawa ako sayo love. ‘Wag mo naman akong iwanan ngayon. Bigyan mo ako ng sapat na oras para gawan ng paraan lahat ng ‘to.” “Pero Alex…” Nagdadalawang isip si Bianca sa pakiusap ni Alex. Alam kasi niyang malabo ng magawan pa ng paraan ni Alex ito. His marriage with Gretchen is already decided and there is no turning back now. “Please…” Tinignan ni Bianca ang nakikiusap niyang nobyo. Hindi niya pwedeng iwanan si Alex ngayon. Higit kailan man, ngayon siya mas kailangan nito. “Okay… I’ll stay…” NATAPOS na ang oras ng trabaho at hanggang ngayon tulala pa rin si Bianca. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyong ginawa niya. Tinatali niya ang sarili niya sa sitwasyong alam niyang mahihirapan siya. “B…” Tinignan ni Bianca ang lalaking tumawag sa kanya. “Paolo?” “I came by to check on you. I am so worried.” “Okay lang ako. Don’t worry about me.” “I can’t help it. Anong sabi ng boss mo?” “Okay na Pao.” “Kung ganun tara na. Ihahatid na kita pauwi.” Hindi na nagawang sumagot ni Bianca dahil saktong lumabas si Alex mula sa opisina niya. “Ikaw na naman?” “Good evening boss. Sunusundo ko lang po si Bianca.” “She’s doing overtime work today.” “She’s not feeling well Sir. Hindi po ba pwedeng umuwi na muna siya ngayon?” Tinignan ni Alex si Bianca. “Is it true?” “Uh… No Sir. Okay lang po ako. I can overtime.” Sinaway ni Paolo si Bianca dahil sa sinabi nito. “Bianca! Ano ba?” “Okay lang ako Pao. Sige na. Umuwi ka na.” Paolo’s left with no choice kaya naman umuwi nalang ito. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD