Maagang pumasok si Alex sa opisina. Wala pang tao ay nandoon na siya. Gulong-gulo kasi ang isip niya ngayon dahil sa mga nangyari kagabi. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin kay Bianca ang totoo o hindi.
“Love?”
Nagulat si Alex ng nakita niya si Bianca na nakatayo sa pinto ng opisina niya.
“Love! Bakit ang aga mo?”
“May mga naiwan kasi akong trabaho kahapon. Plano ko sanang gawin ‘yon ngayong umaga. Ikaw bakit ang aga mo?”
“Wala lang. I just want to leave home early.”
Ramdam ni Bianca na may problema si Alex pero ayaw nitong sabihin sa kanya.
“Okay ka lang ba?”
“Oo naman.”
“Sigurado ka? Gusto mo bang pagusapan?”
“Okay lang ako love. Don’t worry about me.”
Gusto man sana ni Bianca na alamin ang problema ni Alex mas pinili nalang niyang ‘wag itong pilitin. Ayaw niyang makadagdag pa sa mga iniisip nito at mas pinili nalang niyang suportahan ang nobyo.
“Sige. Pero love alam mo namang I am always here, hindi ba?”
“Yes love. I know.”
“Just tell me if you need my help, okay?”
“Okay love.”
“Sige. Labas na ako. Call me if you need me or if you need anything.”
“Okay.”
Lumabas si Bianca sa opisina ni Alex. Pinili niyang gawin na lamang ang trabaho niya at hayaan na munang mapagisa si Alex. Sa tingi niya ay kailangan nito ng oras. Kapag handa na siyang pagusapan ang problema alam naman niyang sasabihin ni Alex sa kanya ang lahat.
DUMAAN ang mga oras pero kahit na minsan ay hindi lumabas si Alex sa opisina niya. Wala rin siyang natanggap na tawag mula sa kanya tungkol sa trabaho. Hindi din niya pinuntahan ang lahat ng meetings niya ngayong araw.
Dahil sa pagaalala tinapangang na ni Bianca ang loob niya at nag tangkang puntahan si Alex. Maglapit na sana siya sa pinto ng opisina ni Alex ng bigla siyang tawagin ng isang babae.
“Bianca!”
Lumingon siya ng narinig ang pangalan niya at doon na niya nakita ang dalawang babaeng naglalakad papunta sa kanya. Isa sa kanila si Ma’am Leah. Siya ang Mommy ni Alex. Ang kasama niyang babae ay hindi pamilya kay Bianca. Manganda ito at halos kasing edad lang siya ni Bianca.
“Ma’am good afternoon po.”
“Good afternoon. Is Alex inside?”
“Opo Ma’am.”
“Good. Papasok nalang kami.”
Papasok na sana si Leah at ang babaeng kasama nito sa opisina ni Alex ng bigla niyang naalalang ipakilala si Bianca at si Gretchen sa isa’t-isa.
“Oh Bianca. Bago ko pa makalimutan, this is Gretchen. Alex’s fiancée.”
Parang binagsakan ng langit at lupa si Bainca ng narinig ang sinabi ni Leah. Parang kahapon lang masaya sila ni Alex. Ngayon mababalitaan niyang nakatakdan ng ikasal ang nobya niya sa iba.
“Oh. Sorry Ma’am, hindi ko po alam. Congratulations po Ma’am Gretchen.”
Tinapangan ni Bianca ang loob niya para lang ‘wag tumulo ang luha niya. She tried controlling herself para makapagsalita ng maayos. She doesn’t want her voice to crack while talking to them.
“Hindi nasabi sayo ni Alex kanina?”
“Hindi pa po Ma’am. Parang busy po kasi si boss sa loob. Hindi pa po siya lumalabas simula kanina.”
“Nako. Pagod kasi ‘yon kagabi. He proposes to Gretchen last night and we all had a long night so lahat kami puyat. Nagulat nga ako bakit siya gumising ng sobrang aga para pumasok kanina.”
“Ma, we all know Alex is a workaholic.”
This is the first time Gretchen spoke. She sounded so smart and elegant. Tindig palang niya malalaman mo na ang estado niya sa buhay.
“I agree. Tara at silipin nga natin siya.”
Pumasok si Leah at Gretchen sa opisina ni Alex at laking gulat nito ng nakita niya ang dalawang bumati sa kanya.
“What are you doing here?”
“We’re here to visit you.”
“Bakit po?”
“Well, it’s almost lunch time. Hindi ba’t proper lang naman na ilabas mo ang fiancée mo for lunch?”
“Ma, busy po ako.”
“Stop making excuses Alex.”
Sa kalagitnaan ng paguusap nila biglang pumasok si Bianca dala ang tatlong tasa ng kape at tatlong platitong may lamang cookies.
“Ma’am… Sir… Coffee po.”
“Thank you Bianca.”
“You’re welcome po Ma’am. May kailangan pa po ba kayo sa akin?”
“Wala na. You can have you’re lunch now.”
“Sige po Ma’am.”
Lumabas si Bianca sa opisina ni Alex at sa restroom siya pumunta. Doon niya binuhos lahat ng luhang kanina pa niya iniipon sa dibdib niya. Inabot siya ng matagal na oras sa CR hanggang sa nagpasya siyang lumabas na para bumalik sa trabaho.
“Sinong nagpaiyak sayo?”
Nagulat sa Bianca sa lalaking nakatayo sa labas ng CR.
“Paolo?!”
“Sino ang nagpaiyak sayo? Boss mo ba?”
“Hindi.”
“Then who?”
“Wala lang ‘to Pao. ‘Wag mo nalang akong pansinin.”
“Pwede ba ‘yon? Namumugtong ang mga mata mo tapos sasabihin mo sa akin na ‘wag nalang kitang pansinin?”
“Pao. Please. I am tired.”
Sumuko si Paolo sa pangugunlit kay Bianca. He doesn’t want to push her to her limits so he stopped interrogating her.
“Kumain ka na?”
“Hindi pa. Hindi naman ako nagugutom at kailangan ko ng bumalik sa trabaho so hindi na ako kakain.”
“Hindi pwede. Bumalik ka na sa trabaho at dadalhan nalang kita ng pakain dun.”
“Wag na Pao.”
“Wag ng matigas ang ulo mo Bianca.”
BUMALIK si Bianca sa trabaho at nagpangap na parang walang nangyari. Inayos niya ang sarili at nilagyan ng concealer ang ilalim ng mata para hindi halatang umiyak siya.
“Ito na ang pagkain mo.”
Inabot ni Paolo sa kanya ang isang takeout box na may lamang pagkain.
“Pao sabi ko naman sayo hindi ako gutom.”
“Kakain ka o susubuan pa kita?”
Biglang lumabas si Alex kasama si Gretchen at ang Mommy niya sa opisina nito at doon nila nakita ang magkausap na si Paolo at Bianca.
“Engineer Ledesma… Bianca… I didn’t know that you two are an item?”
Binati sila ng pormal ni Paolo bago niya sinagot ang Mommy ni Alex.
“Ma’am… Sir… Good afternoon po. Dinalhan ko lang si Bianca ng lunch. Hindi pa po kasi siya kumakain.”
“Alex look at that. Ganyan dapat kapag nasa relasyon ka.”
Pinangaral si Alex ng Mommy niya while Gretchen just smiled at Bianca and Paolo.
“Ma. Okay lang po. Bago palang naman kami ni Alex kaya parehas pa kaming nag a-adjust sa bagong relasyon namin.”
Walang pakialam si Alex sa kung anong issue meron ang Mommy niya o si Gretchen. He is just so angry seeing her girlfriend being taken care of some guy.
Nilapitan niya si Bianca at tinignan ng masama.
“Miss Sandoval, I am going out for lunch. Pagbalik ko, I want you to be in my office. Kakausapin kita.”
“Y… yes… boss.”
-------------------------------------