CHAPTER 3

2121 Words
It’s been a long and tiring day for Bianca. She stood from her swiveling chair and stretched her hands up to the sky. “Ang sarap mag unat!” bulong nito sa hangin. Huminga siya ng malalim bago kinuha ang cellphone niya sa drawer. Tinignan niya kung merong message si Alex sa kanya. She felt disappointed seeing nothing from her boyfriend. “Bakit kaya wala man lang siyang text?” tanong niya sa sarili. Gusto niyang mainis sa inaasal ng nobyo pero hindi niya magawa. Higit kanino man siya ang lubos na nakakaintindi ng buhay na meron si Alex. Siya lang ang nag-iisang anak ng mga magulang nito at ang tanging tagapagmana ng lahat ng negosyo ng pamilya nila. Minsan hindi maiwasang isipin ni Bianca na sana naging normal nalang ang buhay ni Alex. Hindi nalang sana siya ang naging anak ni Richard Cheng. Kung isang simpleng manggagawa nalang siya katulad ni Bianca ‘di sana, masaya at malaya silang nagmamahalan. Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. Halos alas sais na kaya naisipan niyang patayin na ang computer niya at umuwi. Malapit na sana siya sa elevator ng biglang may humawak sa braso niya. Dahilan kung bakit siya nagulat. “Anak ng kamote naman Paolo!” bulyaw niya sa lalaking gumulat sa kanya. “Sorry!” paumanhin ng binata. “Parang ang lalim kasi ng iniisip mo,” dagdag pa nito. “Pagod lang ako,” sagot ni Bianca. Her voice sounded tired so Paolo offered her a ride home. “Gusto mo hatid nalang kita pauwi?” “Ha? Hindi na.” tangi ni Bianca. “Kaya ko,” pagtitiyak niya. “Kaya mo? E kakasabi mo lang na pagod ka na,” sagot ni Paolo. Bianca tried to smile but her eyes still shows how tired she is. “Kaya ko na Pao,” sagot ni Bianca. Alam ni Paolo na hindi niya mapipilit si Bianca kaya sumuko nalang ito. “Sige, sabi mo e.” Alam ni Bianca na nasaktan niya si Paolo sa ginawa niyang pagtanggi sa alok ng binata. She knows that he only wants to help but Bianca can’t do such thing to Alex. Mas inisip niya ang mararamdaman ng nobyo kapag nalaman niyang hinatid ito ni Paolo pauwi. Sumakay sila sa elevator at kapansin-pansin ang pananahimik ni Paolo. Bianca knew what was wrong but decided to ignore the real issue and started a new conversation. “Wait! Why are you here? ‘Di ba dito ka na galing kanina?” tanong ni Bianca. Napakamot ng batok si Paolo na para bang nabuko siya ni Bianca. “I forgot something,” dahilan nito. “Again?” nakataas ang kilay niya habang tinatanong si Paolo. She’s obviously not convinced of his reason. “Yes.” “Aba! I suggest you go visit a doctor. Bata ka pa pero nagiging makakalimutin ka na,” sagot ni Bianca. “Napansin ko nga rin e,” pagsang-ayon ni Paolo. “I’ve been busy this past few weeks. Halos hindi na nga ako nakakatulog ng maayos,” dagdag pa niya. “Really?” punong-puno ng pag-aalala ang boses ni Bianca. “Then ask Alex for a leave,” she suggested. “Gusto mo ako ang magsabi sa kanya?” alok niya. Paolo felt happy seeing Bianca’s concern towards him. Naramdaman niyang mahalaga din siya para sa babaeng gusto niya. “Hindi na po,” pagtanggi nito. “The boss gave us a few more months for the extension so we need to work double time,” paliwanag nito. “Hindi ba sapat ang extension na binigay ni Alex?” tanong ni Bianca. “Saktong-sakto lang ang oras na ‘yon. Walang labis, walang kulang,” sagot ni Paolo. Bianca tapped her friends back and encouraged him, “Kayang-kaya mo ‘yan! Ikaw pa!” Paolo smiled before answering, “Sa tingin mo?” he asked. “Oo naman!” pagtitiyak ni Bianca. PAPUNTA na sina Alex at ang mga magulang niya sa restaurant kung saan nila kikitain si Gretchen at ang mga magulang nito. Hindi niya alam kung bakit siya kabadong-kabado pero kanina pa malakas ang t***k ng puso niya dahilan kung bakit nahihirapan siyang huminga. Halos natatanaw na niya ag restaurant kung saan sila kakain at laking gulat niya ng biglang inabot ng Mommy niya ang isang black velvet box sa kanya. “What’s this?” tanong ni Alex. “This is the engagement ring that I want you to give Gretchen later,” sagot ng Mommy niya. Natigilan si Alex sa sinabi ng ina. Alam niyang si Gretchen ang babaeng gusto nito para sa kanya pero hindi niya lubos akalain na ganito kabilis ang mga pangyayari. “Bakit ko po ibibigay ‘yan sa kanya?” tanong ni Alex. “Because you’ll be proposing tonight,” she answered. Gulat na gulat si Alex sa sinabi ng ina, “What?! Tonight?!” he asked almost shouting. “Yes! Tonight!” sagot ng Mommy niya. “Ma, it’s still too early to propose. Kakakilala ko palang sa kanya kanina,” sagot ni Alex. “Oo nga! But this proposal has been planned a long time ago Alex.” “But it’s unfair! Wala naman akong gusto sa kanya e,” he sounded desperate. He clearly doesn’t want to marry Gretchen. “Does it really matter?” tanong ng Daddy niya. Tinignan niya ang ama at halos hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito sa kanya. “Dad….” His father tapped his shoulder, “If you marry Gretchen it will give the company a lot of advantages. She is the only heir to her family wealth Alex,” his father explained. “I know! Pero hindi naman po naghihirap ang kompanya Dad,” sagot ni Alex. “Kahit na! They own the biggest shipping line the country and we can use that as our advantage in the future!” bakas na sa boses ng Daddy niya ang galit habang pinapaliwanag kay Alex ang mga bagay-bagay. “Dad, please….” halos lumuhod na si Alex sa harap ng ama mabago lang nito ang desisyon nila. “ENOUGH ALEX!” his Dad shouted. Alam ni Alex na mahihirapan na siyang baguhin ang desisyon ng mga magulang niya pero hindi siya pwedeng sumuko. “CDC is doing great sa tingin ko stable naman ang kompanya kaya pasensya na po pero hindi ako magpapakasal sa kanya,” sagot ni Alex. “CDC is doing great because I am still alive,” he answered looking at Alex. Kumunot ang noo ni Alex ng narinig ang sinabi ng ama. Hindi niya lubos maintindihan ang nais nitong ipahiwatig sa kanya. “What do you mean Dad?” Huminga ng malalim ang Daddy niya bago ito sumagot, “I have cancer Alex. Stage 3 lung cancer.” Hindi alam ni Alex kung anong mararamdaman niya ng narinig ang sinabi ng ama. Nagulat, nasakatan at nalungkot siya sa balitang nalaman niya. “Stage 3?” “Yes, stage 3,” his father answered. “Ano po ang sabi ng doktor?” Alex asked. “Alex, ‘wag mo akong isipin. Just focus on your engagement.” “But Dad this is a serious matter!” “I know! Kaya nga gusto kong pakasalan mo si Gretchen. When our companies unite then I’ll have the assurance that CDC will be stable for decades and decades.” Alam ni Alex kung gaano kahalaga sa ama niya ang kompanya. Dugo at pawis ang pinuhunan nito para madala ang CDC sa kung nasaan man ito ngayon. He gave everything that he have for the company so it is understandable that he will do anything and everything for it. HALOS isang oras na simula ng dumating sila sa restaurant. Everyone is enjoying their dinner aside from Alex. Inside his pocket is the ring that he’ll be giving to Gretchen. Ilang minuto bago niya ibigay ang singsing kay Gretchen isang babae lang ang nasa isip niya, si Bianca. “Sorry but I remembered that I need to call someone important. Please excuse me,” paalam ni Alex sa mga kasama. “Sure. Go ahead,” sagot ng Daddy ni Gretchen. Alex thanked him before leaving the dinner table. He hurried his way out of the restaurant and looked for a quite place to call Bianca. “Hi Love,” bati ni Bianca sa nobyo ng sinagot nito ang tawag niya. “Hi! How’s your day?” tanong ni Alex. “Okay lang. How are you?” “I am in a restaurant together with Mom and Dad. Kasama rin namin ang mga kaibigan nila,” sagot niya. “Tumakas lang ako para tawagan ka.” “Nako! Sige na love, bumalik ka na. Baka hinahanap ka na nila.” “Oo nga e,” pagsang-ayon ni Alex. “But it’s been a long day and I need to hear your voice para mawala ang pagod ko,” dagdag pa niya. Naramdaman ni Bianca na may tinatago sa kanya ang nobyo kaya tinanong niya ito. “Love… are you… okay?” “I am. I’m just tired,” sagot ni Alex. “Matagal pa ba kayo diyan?” tanong ni Bianca. “Matagal pa.” sagot ni Alex. Kilala ni Bianca ang nobyo. Alam niyang bihira lang itong magreklamo. If he can still endure everything, you will never hear a word from him. So when he says that he’s tired then he definitely is exhausted already. “Hindi mo na talaga kaya?” punong-puno ng pagaalala ang boses ni Bianca. “Kaya ko pa! I have you! You’re my strength, remember?” sagot ni Alex. “Talaga?” “Yes! Talagang-talaga! Ikaw ang lakas, inspirasyon at buhay ko!” Alex answered proudly. Natawa si Bianca sa sagot ng nobyo, “Okay! Ikaw din ang lakas, inspirayon at buhay ko!” she answered. Panandaliang natahimik si Alex sa kabilang linya. Biglang pumasok sa isip niya ang proposal na gagawin niya kay Gretchen ngayong gabi. Natatakot siyang sabihin kay Bianca ang totoo dahil baka iwan siya nito. “Love…. kahit anong mangyari hindi mo naman ako iiwan ‘di ba?” Alex asked hopeful. Without a doubt she answered, “Of course!” Alex wanted more assurance so he made her swear, “Promise me then.” “I promise! I’ll stay by you and with you forever,” she answered. “I’ll hold on to that promise.” “I’ll never break my promise Alex.” AFTER his phone call, Alex returned to the dinner table. He felt a little better after hearing Bianca’s voice. Parang nagkaroon ulit siya ng lakas na harapin ang lahat ng problemang meron siya. “How was your phone call Alex?” Gretchen asked. Alex looked at Gretchen before answering, “Okay naman.” Gretchen smiled after hearing his answer, “Was it about work?” she asked. “It is,” Alex lied. She nodded and didn’t ask more questions. Pinapaniwalaan niya ang lahat ng sasabihin ni Alex sa kanya. “So Alex, kamusta ang CDC?” Gretchen’s father asked. Alam ni Alex na nagsisimula ng alamin ng Daddy ni Gretchen and estado ng kompanya nila. He wanted to know if his daughter will gain something good out of the marriage. Naisip niyang siraan ang CDC para sila na mismo ang umtras sa kasal nila ni Gretchen. But his Dad’s sick and he can’t do that to him. “It’s great! Kaliwa’t kanan ang projects namin ngayon and we’re opening three hotels by next year.” Alex answered proudly. “Wow! Impressive! Magaling kang humawak ng negosyo,” puri ng Daddy ni Gretchen sa kanya. “Thank you po,” he answered, “So anymore plans after opening new hotels by next year?” karagdagang katanungan ng Mommy ni Gretchen. Alex realized that she is giving him a hint about the proposal. Katulad ng sinabi ng Mommy niya, matagal ng pinagplanuhan itong pagpapakasal nila. He’s sure that everyone in their table knew what will happen tonight. “After that… I-I-I… plan to… marry your daughter.” Kinuha niya ang black velvet box mula sa bulsa. He placed it on the table and opened it in front of Gretchen. “Are you proposing?” hindi makapaniwalang tanong ni Gretchen sa kanya. “I… am,” he answered. “Really?” Gretchen asked him one more time to be sure. “Yes,” Alex answered. Tumango si Gretchen at agad na binigay ang kamay niya kay Alex. He took the initiative to get the ring from the box and gently put it on Gretchen’s finger. Masaya ang lahat sa proposal na nangyari maliban kay Alex. Hindi niya alam kung matatanggap ni Bianca kapag nalam niyang nakatakda ng ikasal si Alex sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD