CHAPTER 2

2053 Words
Kakatapos lang ng isang meeting ni Alex sa conference room. He’s on his way back to his office when his Mom called. “Hi Ma,” bati ni Alex sa ina. Hindi pa man nasasabi ng Mommy niya ang pakay nito alam na ni Alex ang dahilan ng pagtawag niya. “Alex, I have good news! May ipapakilala ako sayo.” Tatlong bagay lang ang palaging dahilan ng pagtawag ng Mommy niya. Una, tungkol sa trabaho, pangalawa kapag may okasyon at pangatlo kapag may ipapakilala na naman itong babae sa kanya. Alam niyang gusto na ng Mommy niyang lumagay siya sa tahimik. He’s thirty years old and still unmarried with no kids. Wala naman sanang problema sa kanya ang pagpapakasal basta doon sa babaeng minamahal niya. Ang problema alam niyang hindi matatanggap ng mga magulang niya si Bianca dahil magkaiba ang estado nila sa buhay. “Ma busy ako sa trabaho,” dahilan ni Alex. “Ito na naman ba ang dahilan mo? Then I’ll call Bianca to cancel all your meetings today,” sagot ng Mommy niya. “NO!” pigil ni Alex sa kanya. Hindi alam ni Bianca na lagi siyang pinapakilala ng Mommy niya sa iba’t-ibang babae at gusto na nitong magpakasal siya. It’s not that he wants to lie but it’s more on protecting his relationship and the woman that he loves. “At bakit hindi?” nagtatakang tanong ng Mommy niya. “Dahil busy din siya. Ang dami kong pinapagawa sa kanyang trabaho at ayaw ko ng dumagdag pa itong personal kong issue.” “Alex, nakakahiya kung hindi ka makikipagkita kay Gretchen!” his mom is almost shouting on the other line. “Ma ang dami kong meetings ngayon,” paliwanag ni Alex. “Then reschedule it,” utos ng ina. “I can’t,” sagot ni Alex. “But I know Bianca can. Magagawan niya ‘yan ng paraan,” pilit ng ina. Alex knew that his mom will not give up. He felt frustrated kaya nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga. Hindi na niya alam ang pwede niyang dahilan sa Mommy niya kaya sumuko nalang siya at ibinigay ang gusto niya. “When can I meet this girl?” “Now. Umuwi ka sa bahay they’ll be here soon.” “Now? This early?!” dinig sa boses ni Alex ang pagkagulat sa sinabi ng ina. “Yes. I invited them for lunch then later we’ll have dinner in my favorite restaurant,” sagot ng Mommy niya. “So you want me out of the office for the entire day?” “Exactly.” “Sana pala hindi na ako pumasok kanina,” sarkasitkong sagot niya. “Hindi ko alam na dadating sila sa Pilipinas this morning kaya hindi kita nasabihan,” paliwanag ng Mommy niya. Dahil wala na rin siyang magagawa sinunod nalang niya ang gusto ng ina. “Okay. I’ll wrap things up here then I’ll go home,” sagot niya sa ina bago ibinaba ang telepono. After talking to his Mom, Alex called Bianca again using the intercom. “Yes Sir?” “Love can you please come to my office now?” ramdam ni Bianca ang pagaalala sa boses ni Alex kaya agad niya itong sinagot. “Sure. I’ll be there in a minute. Pumasok si Bianca sa loob ng opisina ni Alex. When she entered she instantly felt that there is something wrong with him. “Hey love!” bati niya sa nobyo. “Are you okay?” nagaalalalang tanong ni Bianca sa kanya. “I am. I just need to go home.” “Why? May nangyari ba sa bahay niyo?” Dahil ayaw niyang ipaalam ang totoong dahilan ng pag uwi napilitan siyang magsinungaling, “Wala naman. Mom just wants me to meet some people. Sabi niya they can help the business.” “Okay. Do you want me to reschedule all your meetings today?” tanong ni Bianca. “That would be great,” he answered nodding. “Please apologize for me. Ask about their available time at ako na ang bahalang mag-adjust ng oras ko para sa kanila,” he added. “Okay noted. I’ll do it right away,” sagot ni Bianca. Lalabas na sana si Bianca para simulan ang trabahong kailangan niyang gawin ng bigla siyang tinawag ni Alex. Naalala kasi nitong araw-araw siyang pinagluluto ni Bianca ng pananghalian na dinadala nito sa opisina. “Love, dinalhan mo ba ako ng baon?” tanong niya. “Yes.” He looked at his wrist watch and saw that it’s just 10 o’clock in the morning. Masyado pang maaga para sa pananghalian pero hindi kaya ng konsensya niyang hindi kainin ang pagkaing pinaghirapang lutuin ng nobya. “Let’s eat before I leave.” “Now? Love hindi pa lunch time.” Alex smiled before standing up from his swiveling chair. He walked towards Bianca and kissed her forehead before answering. “Do I look like I need permission from anyone else?” “No, you don’t. After all, you own this company,” Bianca answered smiling. UMUWI si Alex at naiwan naman si Bianca sa opisina. Ever since he left, she had been busy calling people to reschedule the meeting that they are supposed to have with Alex. She’s in the middle of a phone conversation when someone came over her table. “Hay! Ang layo pa ng uwian pero parang pagod ka na,” tukso ng lalaking nasa harap niya. Nagulat si Bianca ng nakitang nakatayo sa harapan niya si Paolo. He signaled him to keep quite since she’s in the phone with someone. Paolo smiled and nodded. “Nandito ka pa pala?” tanong ni Bianca pagkatapos niyang maibaba ang telepono. “I am standing in front of you so yes, I am still here,” sagot ni Paolo. “Akala ko bumalik ka na sa site?” “I did! Naalala ko kasing may mga blueprints pala akong kailangang kunin sa architectural department kaya kinailangan kong bumalik.” “Really?” she doesn’t sound convinced. “Hindi talaga pwedeng sa susunod mo na kunin ang mga blue prints?” “Nope! Kailangan na kasi namin ‘yon sa site e,” paliwanag niya. “Isa pa, okay lang naman sa akin ang pabalik-balik dito e,” dagdag pa ni Paolo. “Why?” punong-puno ng interest ang boses ni Bianca. “Because someone I like is here,” sagot ni Paolo. Tumaas ang kilay ni Bianca ng narinig niya ang sinabi nito. She became interested with the topic since she knew almost all the employees in their company. “Sino?” tanong ni Bianca. Nakatutok ang mga mata ni Bianca kay Paolo. Hinihintay niya ang sagot ng binata. Iniisip niya kasing ilakad si Paolo sa kung sino man ang babaeng nagugustuhan nito. “Bakit ko sasabihin sayo?” “Para matulungan kita!” “Thank you but you don’t have to worry about it. Okay lang ako.” “Pao sige na! Sabihin mo na!” pamimilit ni Bianca. “Malay mo magkaibigan pala kami at baka pwede kitang ilakad sa kanya.” “Hindi mo ako kayang ilakad sa kanya.” “Aba! ‘Wag mo akong minamaliit Paolo,” punong-puno ng kumpiyansa ang boses ni Bianca. “Hindi mo alam kung gaano karami ang koneksyon ko sa kompanyang ‘to!” Paolo laughed because of the confidence that Bianca is showing. Hindi niya pa nga alam kung sino ang babaeng tinutukoy ni nito pero ito siya at purisgidong ilakad si Paolo sa babaeng gusto niya. “Hindi kita minamaliit. Kaso alam ko kasing hindi talaga ako magugustuhan ng babaeng gusto ko kaya ‘wag na,” sagot ni Paolo. Nalungkot si Bianca sa naging sagot ng kaibigan. “Bakit naman hindi?” tanong niya. “May boyfriend na daw kasi siya.” Tumango si Bianca ng narinig ang sagot ni Paolo. Tama nga namang hindi na ipilit ni Paolo ang sarili niya sa babaeng may minamahal ng iba. “Hindi nga talaga kayo pwede Pao.” “I know. Pero malay natin…. baka maghiwalay din sila,” sagot ni Paolo. Mahinang hinampas ni Bianca ang braso ng kaibigan. “Hoy! ‘Wag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ‘yan magandang biro,” saway nito sa kanya. Natawa si Paolo at itinaas ang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko. “Okay! My bad!” PAGDATING ni Alex sa masyon nila dinig na dinig niya ang boses ng Mommy niya mula sa living room ng kaya doon agad siya pumunta. “Alex! You’re finally here!” his Mom greeted him with a big hug. “Ma! I’m sorry for being a bit late. May mga tinapos kasi ako sa opisina bago ako umalis,” paliwanag ni Alex. “It’s okay anak. Ang mahalaga you’re here.” After greeting his Mom she introduced him to two women standing beside his her. “Alex, meet your Tita Elizabeth and her daughter Gretchen.” Inabot ni Alex ang kamay niya sa dalawang babaeng kakakilala palang niya. He smiled and greeted them politely. Una niyang binati ang babaeng halos kasing edad ng Mommy niya. “Hi! Sorry to keep you waiting,” paumanhin nito. “It’s okay Alex. If it’s about work then it is very understandable,” sagot nito sa kanya. Tumango si Alex at sunod naman niyang hinarap ang babaeng halos kasing edad niya. U nang tingin palang sa babaeng ito hindi na maipagkakailang maganda talaga siya. Walang kang maipipintas sa pisikal niyang itsura. “Pero si Bianca pa rin,” bulong ng isip ni Alex. “Hi! It’s nice to meet you. I’m Alex,” he greeted the lady. “Likewise. I am Gretchen,” she answered. Gretchen and Alex just greeted each other casually pero parang kinilig ang mga Mommy nila dahil hindi nila mapigilang magbigay ng komento tungkol sa kanilang dalawa. “Bagay na bagay sila ‘no?” tukso ng Mommy ni Alex. “I can’t agree with you more! They will make beautiful babies in the future,” dagdag pa ng Mommy ni Gretchen. The two old ladies giggled like high school students in a corner. Gretchen is obviously liking the situation too. But Alex felt uncomfortable with the entire situation. He felt like he was cheating on Bianca so he tried to excuse himself. “Ma you’ve mentioned on the phone that Dad’s waiting for me?” tanong ni Alex. “Oo nga pala! He is in his study room together with your Tito Luciano and Lance.” Natuwa siya ng narinig na narito din ang pinsan niyang si Lance. Since he is an only child, Lance became like his brother. Alam nito ang lahat tungkol sa kanya, pati na rin ang relasyon nila ni Bianca. “Please excuse me. Pupuntahan ko lang po sila,” paalam ni Alex. “Okay,” sagot ng Mommy niya. He smiled on the ladies in front of him before leaving and made his way to his father’s study room. Kumatok muna siya para ipaalam sa ama ang pagdating niya. “Dad this is Alex. Mom said you’re looking for me?” “Come in,” sagot ng Daddy niya. Pumasok si Alex sa study room at doon niya nakita ang tatlong lalaking naguusap. It was his Dad, his cousin Lance and an older man. Halos kasing edad lang ng Daddy niya ang lalaking hindi pamilyar ang mukhsa sa kanya. “Alex, this is your Tito Luciano. He’s Gretchen’s Dad,” pagpapakilala ng Daddy niya. Alex held out his hand to Luciano and greeted him, “Sir, It’s nice to meet you.” “Alex don’t call me, Sir. Dapat masanay ka ng tawagin akong Dad. Ikakasal naman kayo ni Gretchen sa lalong madaling panahon kaya we can drop the formality,” sagot ni Luciano sa kanya. Natawa ang Daddy ni Alex sa sinabi ni Luciano. His laughed sounded like he was genuinely happy about everything that is happening. “Parang pasadong-pasado na si Alex sayo,” puna ng Daddy ni Alex. “Oo naman! Bukod sa magandang lalaki itong anak mo e ang dami ko na rin naririnig na magagandang balita tungkol sa kanya.” “Well… What can I say? He’s been trained by the best. He’s been trained by me,” sagot ng Daddy ni Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD