Pagpasok ni Alex sa opisina si Bianca na agad ang hinanap niya. She is his secretary and the woman he is madly in love with.
Nang napansin niyang wala pa si Bianca naisipan niyang tawagan ito para alamin kung nasaan na siya.
“Love, I am already in the office,” he said. “Malapit ka na ba?”
“Yes love,” she answered. “Dumaan lang ako sa coffee shop para ibili ka ng kape. Maliban sa coffee may gusto ka pa ba?” tanong niya.
“Ikaw lang at kape,” malokong sagot ni Alex sa kanya.
Natawa si Bianca sa sagot ng nobyo. Sa haba ng panahong pinagsamahan nila hindi na bago sa kanya ang mga ganitong banat ni Alex. Ganun pa man hindi rin niya maipagkakailang hanggang ngayon kinikilig pa rin siya.
“Okay, I’ll be there in a minute,” Bianca answered smiling.
“Please hurry. Kahit na mahal kita kakaltasan pa rin kita ng sweldo kapag late ka,” pabirong sagot ni Alex sa kanya.
“Opo mahal ko!” natatawang sagot ni Bianca sa nobyo.
AFTER putting the phone down, Alex checked his email to see his schedule for today. Nakita niyang marami siyang meeting na kailangang puntahan ngayon kaya isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya.
“Wala na naman akong pahinga.” bulong niya sa sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa kumatok na sa salaming pinto ng opisina niya ang babaeng pinakahihintay niya.
“Excuse me Sir, its Bianca. Can I come in?” tanong nito.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Alex ng narinig ang boses niya. Ngumiti ito at inayos muna ang damit at buhok bago siya sumagot.
“Pasok ka.”
Bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang isang babaeng maputi, her hair is long and wavy, her eyes are big, her lips at naturally red and her nose is sharp.
“Hi love,” bati ni Bianca kay Alex. “Sorry late ako.”
Alex looked at his wrist watch before looking at Bianca.
“Yes you are,” he said. Pero dahil tatlong minuto ka lang namang late pwede na siguro ang isang kiss?”
Umiling si Bianca bago sumagot, “Not so fast Mr. Cheng. We need to start working.”
Hindi niya agad ibibigay ang gusto ng binata.
“I know. Nag-check na ako ng emails. So I’ve done 0.001% of my job.”
“In that case then you still have a lot of things to do Mr. Cheng.”
Bianca smiled before placing the coffee that she bought for Alex on his table. Balak na sana niyang lumabas sa opisina nito para makapagsimula na ng trabaho. Tinalikuran niya ang binata pero isang hakbang palang ang nagagawa nito ng biglang hinawakan ni Alex ang braso niya dahilan kung bakit siya nawalan ng balanse at bumagsak sa mga bisig nito.
“Not so fast missy,” he whispered on her ear.
Nagulat si Bianca sa bilis ni Alex. He was able to hold her arm before she can even get close to the door.
“Alex! Let me go!” saway nito sa binata.
“I want my morning kiss. I can’t start the day without it,” Alex answered.
Huminga ng malalim si Bianca bago sinagot si Alex, “You are very hard headed Mr. Cheng.”
“I am.”
Alex didn’t wait for any response from Bianca. He didn’t even asked for her permission before kissing her. He just leaned forward and claimed her lips. He kissed her so passionately. Sinigurado niyang mararamdaman ni Bianca ang pagmamahal nito sa kanya sa bawat halik na binibigay niya.
“Okay. We have to stop,” pigil ni Bianca.
Alam niya kung saan pwedeng umabot ang paghahalikan nila kung hindi niya pipigilan si Alex.
“I agree,” Alex answered nodding. “If we continue baka hindi na kita mapakawalan,” he answered before they both stood up.
They’re in the middle of fixing themselves when someone knocked on Alex’s office.
“Who is it?” tanong ni Alex sa taong naghihintay sa labas ng opisina niya.
“It’s Paolo, sir.”
Paolo Ledesma is an engineer working for Alex. He’s a young man with a very good career. He happens to be Nicole’s twin brother, Bianca’s best friend.
“Come in,” paanyaya ni Alex.
Lumabas agad si Bianca pagpasok ni Paolo. She doesn’t want him to see her red face because of the hot steaming kiss that she shared with Alex.
“Good morning, Sir,” bati ni Paolo kay Alex.
“Good morning! What brings you here today, Engineer Ledesma?”
“Sir, I am here to clarify about the memo you sent this morning.”
“What about it?”
“Sir, you’re asking us to finish the project before this year ends. Hindi po kakayanin.”
Tinignan ng masama ni Alex si Paolo bago niya ito sinagot. “Nabasa mo naman ang memo ko ‘di ba?”
“I’m sorry, sir,” sagot ni Paolo. Pero bilang isang engineer alam ko ang pwedeng mangyari kapag minadali natin ang construction ng building. If we rush this project then I am telling you that this building is going to collapse within a year or less,” mahinahong paliwanag niya.
Natahimik si Alex ng narinig ang sinabi ni Paolo. Isa ito sa pinakamahalagang project niya and he can’t mess this up. He wants this to be perfect so he is willing to listen to Engineer Ledesma’s proposal.
“Bigyan mo ako ng timeframe.”
“Give us at least May of next year to finish the building.”
“Okay. Give me a minute. I’ll prepare a new contract for the extension of the construction.”
Tumango si Paolo at nagpasalamat dahil pinakigan ni Alex ang pakiusap niya. Mahalaga rin kasi para sa kanya ang pangalan niya kaya maingat talaga siya sa bawat proyektong hinahawakan niya.
Alex called Bianca using the intercom. He asked her to prepare a new contract for the extension. It took Bianca a couple of minutes before handing over the new contract to Alex.
“Hi Bianca,” bati ni Paolo sa kakapasok lang na dalaga.
“Hi Pao,” nakangiting bati ni Bianca sa kanya.
Nagbatian ang dalawang magkaibigan na siya namang kinainis ni Alex.
“Can you please sign the contract now?” he asked feeling annoyed. “Kailangan ka na sa site ‘di ba?”
Tinignan ni Paolo at Bianca ang naiinis na si Alex. Bianca knew what was wrong but Paolo is left with no idea of why Alex is acting the way he is.
“Okay!” Alex said. “Now that it’s settled, I think you have to leave, Engineer.”
Tumago si Paolo bago magpaalam kay Alex. He was about to open the door when he remembered something.
“Bianca, birthday ni Mommy sa Friday,” aniya. “Pupunta ka ‘di ba?”
Tinignan muna ni Bianca si Alex bago sagutin si Paolo. Para bang humihingi siya ng pahintulot sa nobyo.
“Friday?” may halong pagaalinlangan sa boses ni Bianca. “I am not sure about that. I might have to work over time that day.”
“Pero every year pumupunta ka. Magtatampo si Mommy pag wala ka sa birthday niya.”
“Pero rush hour ang Friday. Baka mahirapan ako kapag pumunta ako,” paliwanag ni Bianca.
Mapilit si Paolo at gagawin niya lahat ng pwede niyang magawa pumayag lang si Bianca.
“Susunduin kita,” alok niya.
Katulad ng inaasahan tumanggi si Bianca, “Ha?! Nako ‘wag na. Nakakahiya.”
“B, it’s okay. Tama ka naman e. Rush hour ang Friday at mahirap talagang sumakay. Since I am available that day then, susunduin kita.”
“No! Ako nalang ang pupunta. ‘Wag mo na akong sunduin,” pagtanggi ni Bianca.
“Okay. If you say so.”
NAKAALIS na si Paolo sa opisina ni Alex which left him and Bianca alone.
“That boy likes you,” puna ni Alex.
Biaca looked at him shocked, “No he doesn’t!”
“Lalaki ako Bianca. I know if a man’s smitten of you.”
Bianca knew that Alex will not let this go so she gave him the security that he needs.
“I am taken by you. No one can ever take me away from you.”
Alex smiled after hearing her.
“Talaga?”
“Oo naman! I love you and I will never ever love someone as much as I love you.”
“I believe you. I’ll always believe everything that you say.”
“So papayagan mo na akong pumunta sa birthday ng Mommy nila?”
“Nicole’s your best friend at malapit ka sa pamilya nila. Mas nauna mo pa nga silang nakilala kaysa akin. So yes, you can go. But you have to promise me one thing.”
“What is it?”
“Iiwasan mo si Paolo habang nandoon ka,” seryoso ang boses ni Alex habang binibilinan si Bianca.
“Yes love. I promise.”