CHAPTER 8

1576 Words
NAGING isang malaking issue sa pagitan ni Alex at Bianca ang tungkol sa pagpunta niya sa birthday party ng Mommy ni Paolo. Buong hapon silang nagtatalo tungkol dito hanggang sa inabot ng sila ng alas singko. “Hindi ka nga pupunta sa birthday ng Mommy nila love!” “At bakit hindi? Nicole’s my best friend! Every year pumupunta ako sa birthday ng Mommy nila. High school palang kami ganito na ang tradisyon naming Alex!” “Marami pa nga tayong trabahong kailangan tapusin!” “Fine! Then let’s do it. Nasaan pa baa ng mga trabahong sinasabi mo? Gawin na natin. Hindi naman ako nagmamadali e. Sabi ni Paolo hihintayin naman daw niya ako kahit na anong oras ako matapos.” Nagagalit at naiinis na si Alex sa inaasal ni Bianca. Pero dahil alam niyang siya naman talaga ang nagsimula ng lahat it’s just right na siya ang magpakumbaba. “Love alam ko galit ka. Alam ko rin nahihirapan ka. Ako rin love e. Hirap na hirap na din ako sa sitwasyon natin.” “Tama ka! Hirap na hirap na talaga ako Alex! Sino ba naman kasing hindi mahihirapan? Ikakasal ang lalaking mahal ko sa iba. Tapos nalaman ko pa na buntis ako…” Bianca was not able to finish what she was saying because Alex stopped her. “Anong sabi mo? Buntis ka?” Hindi nakasagot si Bianca sa tanong ni Alex. Hindi pa sana niya balak sabihin kay Alex ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil baka makadagdag lang ito sa mga iisipin niya. But hormones kicked in and so she was able to say the things that she’s not supposed to say. “Bianca I am asking you. Buntis ka ba?” Bianca looked at Alex with scared eyes. “Oo. Buntis ako.” Kasalungat naman ni Bianca ang naramdaman ni Alex ng nalaman nito ang tungkol sa pagbubuntis ng nobya. “Kailan mo pa nalaman?” “Kahapon lang. Nag PT ako. I had a feeling na buntis ako since I am showing signs of pregnancy.” “So magiging tatay na ako?!” “Yes. Magiging Daddy ka na.” Agad na niyakap ng mahigpit ni Alex si Bianca pinaghahalikan niya ito sa iba’t-ibang parti ng pisngi niya. “I love you! I love you! I love you!!!” Paulit-ulit sinabi ni Alex kay Bianca na mahal niya ito habang yakap-yakap niya ang nobya. “So… kaya pala.” Nagulat ang dalawa ng narinig ang boses ng isang babae. “Gretchen?! What are you doing here?” Gretchen looked at Alex and Bianca. Dahil sa hiya humiwalay si Bianca mula sa pagkakahawak kay Alex. “I knew it. I am actually not shock at all. Sabi ko na nga ba’t iba ang mga tingin mo kay Bianca e. Kaya ka galit na galit kay Paolo. Kaya lagi mong pinipilit na hindi sila. You always emphasize that Bianca has a boyfriend. At ikaw ang boyfriend. Ang galing!” “Since alam mo na then I am not going to deny it. YES! Girlfriend ko si Bianca. Matagal na kami. We've been dating for years now.” “Okay. So ano naman ang pakialam ko sa relasyon ‘nyo?” “Gretchen… baka naman pwede mo akong tulungan. Let’s convince our parents na ‘wag ng ituloy ang kasal.” “And why would I do that? Nag mukha akong tanga sa harap niyong dalawa tapos ngayon hihingi kayo ng tulong sa akin? The audacity Alex!” “Gretchen hindi natin mahal ang isa’t-isa.” “So? Our family needs you. Your family needs us. It’s good business. I don’t see the point why we shouldn’t get married.” “Are you being serious right now? HINDI KITA MAHAL!” “Love? Alex naman! In our world love does not exist. We marry for assets, power and money. We don’t marry for love. My Dad didn’t love my Mom. Their marriage is purely business. And look where we are now! Aren’t we the number one shipping line in the country? So please stop lecturing me about love.” “Gretchen please…” Puno ng pagmamakaawa ang boses ni Alex but Gretchen remained cold and heartless. “When you’re with your secretary puntahan mo ako sa kotse. We need to be in the restaurant your Mom booked for us. Dad is leaving the country tomorrow afternoon so she wants all of us to have dinner tonight.” Tinalikuran ni Gretchen si Alex at Bianca. “So what do we do now?” Puno ng pagaalala ang boses ni Bianca. “Love gagawan ko ‘to ng paraan, okay? Kakausapin ko si Mommy ngayong gabi. Makikiusap akong sa kanila. I will make things right para sayo at sa magiging anak natin.” “Gusto mo samahan kita?” “Hindi. Kaya ko ‘to. Pumunta ka nalang muna sa birthday ng Mommy ni Nicole. Leave this to me.” “Are you sure?” “Oo naman! Sige na. Paolo’s probably waiting for you in the lobby.” “Sige. Tawagan mo ako kapag kailagan mo ng tulong ko, okay?” “Of course.” TINIGNAN ni Bianca sa lobby kung nandoon pa si Paolo. Indeed he’s still there, sleeping. “Pao, tara na.” Minulat ni Paolo ang mga mata niya at tinigan ang orasan. “Oh! 7:30 palang ah? Akala ko naman aabutin tayo ng madaling araw dito.” “Natapos na kasi namin ang trabaho ng maaga e.” “Good! So, tara na?” “Tara! Gutom na ako.” HALOS alas nuwebe na ng narating naming ni Paolo ang bahay nila. Sobrang traffic talaga sa EDSA kapag Byernes. “Mom. Dala ko na po ang manugang niyo.” Si Bianca nalang ang nahiya ng narinig nito ang sinabi ni Paolo pagpasok palang nila sa bahay. Sa sobrang daming tao halos buong barangay na yata nila ang nakarinig ng sinabi niya. “Hoy ano ka ba! Baka maniwala sayo ‘yon.” Natawa si Paolo ng sawayin siya ni Bianca. Maya-maya lang ang sinalubong na sila ng Mommy ni Paolo. “Nako! Sana totoo na ‘yang sinasabi mo Paolo! Kung si Bianca lang naman ang iuuwi mo dito wala tayong magiging problema. Approve kaagad sa akin.” “Don’t worry Mom! Sa akin po ang bagsak ni Bianca. On day I’ll surely marry her.” “Wag puro salita! Ipakita mong may ginagawa ka din.” “Meron naman po ah!” “Nasaan ang gawa?” May kasamang kurot ang tanong ng Mommy ni Paolo. “Aray! Opo Ma! Meron na po! May singsing na nga po ako eh!” Natawa ang Mommy ni Paolo pati na ang mga kaibigan nito. “GOOD! Sige na at kumain na kayo.” SA GARDEN dinala ni Paolo si Bianca para kumain. “Sa wakas! Katahimikan!” Natawa si Bianca. “Oo nga. Ang daming bisita ng Mommy niyo.” “Sinabi mo pa. Sa dami naman kasi ng organisasyon sinalihan niya. Magtaka ka kung walang tao sang birthday niya.” “Sabagay. But it’s good that she has a lot of friends. Madalas kasi kayong wala ni Nicole sa bahay at naiiwan lang siyang mag-isa dito kasama ang katulong. Mabuti ng marami siyang kaibigan na makakausap at mapupuntahan.” “I agree. Kaya nga spoiled sa amin ‘yang si Mommy e. Binibigay naming lahat gusto niya. Magarbong birthday. Travels. Anything.” “Bigyan niyo na kasi siya ng apo para may pagkaabalahan.” Tinignan ni Paolo si Bianca ng narinig nito ang sinabi niya. “Why are you looking at me?” “Tara na.” Bianca’s confused. Hindi niya alam ang sinasabi ni Paolo Hindi niya alam kung saan ba siya nito inaaya. “Tara? Saan?” “Bigyan na natin siya ng apo.” “HA?! Bakit ako?!” “Bianca kung hindi ikaw ang magiging manugang niya, hindi bali nalang.” “Baliw! Ang daming babae dyan.” “Pero ikaw ang gusto ng Mommy.” Pinili nalang ni Bianca na ibahin ang usapan. She’s not comfortable talking to Paolo with the topic that they have. “Anong oras dadating si Nicole?” “Hindi ko alam e. Pero hindi naman siya nagsabing OT siya ngayon so malamang pauwi na ‘yon.” “Ah. Baka nga. Baka maya-maya andito na siya.” Nagdilang anghel si Bianca dahil dumating na nga si Nicole, ang best friend niya. “BES!!” “Nic! Hi! Na miss kita ah!” “Ako din! Buti pa kayo ni Kuya halos araw-araw kayong nagkikita sa office samantalang akong na best friend mo once in a blue moon mo lang makita.” “Sorry na. Busy lang talaga ako sa trabaho.” “Ay ewan! Lagi kitang inaayang lumabas pero lagi kang busy. Nakakapagtampo ka na.” “Sorry na nga! Bawi nalang ako sayo.” “Talaga?! Sinabi mo ‘yan ah!” “Oo nga.” “Sakto! Marami akong dalang alak! Magpapakalasing tayo! Kasama ko ang workmates ko so it’ll be fun!” Inuman? Biglang naisip ni Bianca ang batang nasa loob ng tiyan niya. “Nako Nic hindi ako pwede eh. Inaatake kasi kasi ng acid.” “Ay ano ba ‘yan!” Paolo save Bianca from her twin sister. “Don’t worry I got you. Ako ang iinom para sayo.” Tinignan ni Nicole ang kapatid. “Ay nako Paolo! Feeling superhero yan?” ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD