CHAPTER 9

1274 Words
Halos isang oras bago natapos ang dinner nina Alex. Puro negosyo ang pinaguusapan nga mga magulang niya at magulang ni Gretchen kaya natagalan sila. “Mom… Dad… Let me drive you home.” Tinignan ng mga magulang niya si Alex na para bang nagulat sila sa sinabi nito. Bihira kasi siyang mag alok na ipagmaneho sila pauwi. “Why?” “May sasabihin po kasi sana ako sa inyo.” “What is it?” “Sa bahay nalang po natin pagusapan.” NAKARATING sina Alex at ang mga magulang niya sa mansyon. Nasa living area sila para pakingan ang kung ano man ang sasabihin ni Alex. “SO… what is this all about Alex?” “Mom… Dad… I can’t marry Gretchen.” His Mom is shocked but his Dad remained calm. “Why?” “I am in love with someone else.” “Sino?” “Some simple, nice beautiful… Someone who makes me so happy.” “Simple? Nice? Beautiful? Any assets? Company? Business?” Alex looked at his Dad. He’s scared to tell him the truth but he needs to. Hindi na siya pwedeng magsinungaling because it will just cause more trouble. “Nothing Dad.” “Where is she from?” “She’s from the province but she works here.” “Wala man lang silang mga lupain sa probinsya?” “Wala po. Her family’s from the middle class.” “Then you can’t be with her.” Alex looked at his Dad. He can’t believe that he’s hearing this from him. Hindi pa man niya kilala si Bianca ayaw na nito kaagad sa kanya. “Dad. Bakit po?” “What can we benefit from her? Wala siyang kahit na ano. Hindi mo nga alam baka pera lang ang habol niya sayo.” “NO! Matagal na po kami. Kilala ko siya at ang pamilya niya. They’re good people Dad.” “But not good enough for you and our family.” “Are you being serious right now?” “Yes! I’ve worked so hard for CDC to rise and be the company that it is right now. I’ve worked day and night. Dugo at pawis ang naging puhuan ko sa CDC Alex. Lahat ginawa ko. And now I am passing the company to you. The company that I built from scratch.” “Dad hindi ko naman po papabayaan ang kompanya e. I promise gagawin ko rin po lahat para sa CDC.” “NO! You are marrying Gretchen whether you like it or not!” “Dad… Please… Give my girlfriend a chance.” “I SAID NO!” Alex was left speechless. He was expecting his parents to understand his situation. Akala niya sa kanya papabor ang mga magulang niya dahil siya ang anak. Ang buong akala niya mas matimbang ang dugo sa kahit na anong bagay. MASAYANG nagiinuman sina Nicole kasama ang mga katrabaho nito. Nakatingin lang si Bianca habang nakikian ng pulutan. “Bianca isang shot lang.” Inalok siya ng kasamahan ni Nicole. Sa boses palang niya malalaman mo ng may tama na siya. “Nako hindi ako pwedeng uminom e.” “I’ll take her shot.” Sabat ni Paolo. Kinuha niya ang basong inaabot ng lalaki kay Bianca at ininum ang alak na laman nito. “Pao tama na. Lasing ka na.” “Hindi. Okay lang ako.” “Tumigil ka na. Sasakit lang ang ulo mo niyang bukas.” Tinignan ni Paolo si Bianca at ngumiti. “Concern ka ba?” “Oo naman. Magkaibigan tayo e.” “Kaibigan? Hay nako! Na friend zone na naman ako.” Narinig ng marami ang sinabi ni Paolo kaya natanong nila ito sa totoong nararamdaman niya para kay Bianca. “Bakit Pao? May gusto k aba kay Bianca?” Paolo nodded. “I am in love with Bianca for the longest time. High school palang kami may gusto na ako sa kanya. It was love at first sight. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa babaeng kumuha ng meryenda ko ng hapong ‘yon?” Natawa si Nicole sa sagot ng kakambal. Naalala kasi nito ang unang beses na dinala niya si Bianca sa bahay nila. Pinakuha niya si Bianca ng meryenda sa lamesa. Nakita ni Bianca ang turon at iyon ang dinala niya pabalik sa kwarto ni Nicole. Nagulat nalang sila ng biglang hinanap ni Paolo ang turon na pinaluto niya sa katulong nila. Pinuntahan sila ni Paolo sa kwarto nito at doon nakitang punong-puno ang bibig ni Bianca at sarap na sarap sa kinakain niyang turon. “I remember that day. Nakakatawa.” “I agree. It’s funny. Pero hindi ka na nawala sa isip simula ng hapong ‘yon. Lagi na kitang hinahanap kapag uuwi ako galing school. I am always hopeful n asana sinama ka ni Nicole pauwi.” Bianca looked at Paolo. She always had a feeling na may ibang nararamdaman si Paolo sa kanya pero lagi niya itong binabaliwala. Para kasi sa kanya kapatid niya na si Paolo. Isang taong malapit sa kanya at sa puso niya. Mahal niya si Paolo pero hindi katulad ng pagmamahal na meron siya para kay Alex. Sinaway na ni Nicole si Paolo dahil alam niyang lasing na ito. “Kuya. Tulog ka na. Lasing ka na e.” “Wag mo akong pangunahan Nic.” “Kuya hindi naman sa ganun. Pero alam mo namang may boyfriend na si Bianca. Ilang beses ko ng sinabi sayo ‘yon diba?” Matagal ng alam ni Nicole ang relasyon ni Bianca at Alex. Bukod sa pinsan ni Alex na si Lance si Nicole pa ang isa sa mga taong unang nakaalam ng relasyon nila. “Alam ko. Pero nasaan? Ilang taon na ba? Ang tagal na. Hanggang ngayon wala naman akong nakikitag boyfriend niya. Wala naman siyang pinapakilala sa akin. So hangga’t walang akong nakitkita then hindi ako maniniwala.” Nagulat ang lahat ng biglang may lalaking sumabat sa usapan nila. “Then maybe it’s about time para malaman mo ang totoo.” Everyone looked at Alex. “Anong totoo?” Tanong ni Paolo. “Ako ang boyfriend ni Bianca.” “Ikaw?! NO WAY!” “Why not?!” “Everyone knows that you’re getting married!” “Ang gusto mo lang namang malaman ay kung sino ang boyfriend ni Bianca hindi ba? Then here I am telling you the truth. ‘Wag ka ng makisali pa sa issue tungkol sa kasal ko. I’ll manage it myself. Bianca and I already talked about it kaya sa tingin ko hindi na namin kailangan ang opinyon mo.” Paolo looked at Bianca. Hindi ito makapaniwala sa mga naririnig niya mula kay Alex. “Siya?” Tumango si Bianca bilang sagot. Hindi pa rin naniniwala si Paolo kaya ang kapatid naman nito ang hinarap niya. “Nic. Totoo ba?” “Yes Kuya. Si Alex ang boyfriend ni Nicole.” Tumayo si Paolo mula sa kinauupuan niya. Bago ito umalis ay may sinabi ito kay Bianca na siyang naging dahilan ng kirot sa puso niya. “May mga taong handa kang mahalin ng buong-buo. May mga taong kayang kang pakasalan agad-agad. Why stay with a man who can’t even promise you anything? Sana maisip mong hindi ka ganun kababang babae Bianca.” Napayuko nalang si Bianca pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Paolo. Hiyang-hiya siya sa sarili pero wala siyang magawa. Gulong-gulo na rin siya lalo na’t nalaman pa niyang buntis siya. “Love. Let’s go, I’ll take you home.” Inalalayan ni Alex si Bianca sa pagtayo. Tinulungan niyo ito hanggang sa makasakay sila sa sasakyan. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD