And this is Teresita Mirasol Ibarra,you know her?the woman of love?sinasabing siya ang pinaka-mapagmahal na babae sa buong mundo dahil kaya niyang' pasanin lahat ng hirap para sa taong' mahal niya,kahit ang taong pinakamamahal na niya nagpapahirap sa kaniya"
"Hey Yola," Kinalabit ko ang balikat ni Yola na manghang-manghang' nakikinig sa gurong' nagpapaliwanag sa harap.
"Shh!nakikinig ako!" Singhal niya pabalik.
Bored na bored ako dito habang sila ay nakatuon ang pansin doon.
Tahimik kong nilaro ang kwintas ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"And of course this is her husband, Danilo Sebastian Ferrer, noong mga kapanahunan nila ay isa itong sikat na lalaki dahil sa taglay na kagwapuhan,maging sa pagtanda-"
"Ma'am pwedeng fast forward na?naeexcite na ako!" Reklamo ni Yola.
"Shh Yola," suway sa kanya ni Ma'am. "Kung titingnan niyo ang larawan nila ay tunay kayong mamangha dahil para talaga silang ginawa para sa isa't isa" tiningnan ko ang larawan na nakapinta sa harapan,biglang kumalabog ang puso ko sa kaba at hindi maipaliwanag na dahilan ng makita ko ang lalaki,parang may something eh.
"Hindi na naikwento ang kanilang buong pagiibigan sapagkat walang nakakaalam nito,by the way assignment nyo yon,alamin ang kwento ng pagiibigan nila, I'm giving you 1 week for that task."
"Pero ma'am!akala ko ba walang nakakaalam?!" Reklamo nila.
"Parang ang creepy naman ma'am kung huhukayin pa namin sila at tatanungin ang love story nila!" Sabay-sabay silang nagtawanan dahil don.
"Yeah that's it! Alam nyo ba ng mamatay si Teresita at Sebastian ay biglang nawala ang mga bangkay nila?"
"Hala ma'am?ninakaw po?"
"No,no naniniwala ang mga tao na muli raw nabuhay ang dalawa dahil sa pangako ni Sebastian na muli syang babawi sa kasakimang ginawa nya kay Teresita,kung kinakailangan mang daw sila ay muling mabuhay ay gagawin nya para lamang kay Teresita."
"Eh ano ba kasing ginawa ni Sebastian kay Teresita Ma'am?"
"Gotcha! Si Sebastian ay nasilaw sa pera, nabilog ang kanyang ulo sa droga,tuwing maiistress sya,kay Teresita nya lahat ibinubuhos ang kanyang galit,at hindi nya naituring na asawa si Teresita bagkus ay naituring nya ito na parang hayop."
Inilipat ni Ma'am sa next page ang PowerPoint pagkatapos ay binasa ang nakasulat doon.
"Ito ang huling sulat ni Sebastian para kay Teresita,"
'Ipinangako ko'ng ituturing kitang Reyna,ngunit itinuring kitang alipin.
Ipinangako ko'ng hindi ka madadapuan ng kahit anumang insekto kapag ako ang iyong kasama ngunit pinadapuan kita ng aking latigo.
Ipinangako ko'ng tutulog ka sa malambot na kama,ngunit natulog ka sa dalawang pirasong karton sa palapag.
Ipinangako ko'ng hindi kita hihigpitan ngunit ipinosas kita.
Ipinangako ko'ng hindi ka mamalupot sa lamig ngunit namalupot ka sa sakit.
Ipinangako kong hindi ka makakaranas ng pantal,ngunit pinalitan ko ito ng sugat.
Mahal ipinangako ko'ng papatirahin kita sa palasyo at iyong lang ang natupad ko,naitira kita sa palasyo ngunit hindi mo kailanman naranasan maging reyna,Mahal babawi ako,hayaan mo akong hilumin ang sawi mong puso,Nasakim ako at ngayon lang ako namulat sa mga maling nagawa ko. Sa susunod nating buhay ay hindi na mangyayari muling ito hayaan mo ako.'
"Hey girl!" Napatingin ako kay Yola na nagaalalang pinupunasan ang mukha ko.
"What?why?" Tanong ko,nagtataka.
"Na-touch ka rin ba sa love story nila?tahan na huhu," nagkunwari pa syang humihikbi habang pinupunasan ang mukha ko.
Kinapa ko ang aking pisngi only to realize that I'm crying!
Muling nagpatuloy ang discussion ni Ma'am.
"At ito naman ang naging sagot ni Teresita noon bago sya mawala,"
'Hihilingin ko'ng sa sunod na buhay ko'y ikaw ay wala na,at kung hindi man papalarin ay nawa'y kasakiman kita upang lahat ng sakit at hirap na aking tiniis ay hindi na maulit pa'
"So what do you think guys?tingin nyo ba dapat patawarin ni Teresita si Sebastian?"
Walang sumagot sa tanong na yon ni Ma'am,maski ako ay hindi ko alam kung dapat nga ba.
Natapos ang klaseng yon kaya agad akong tumayo para kumain sa cafeteria.
"Hoy Therese Miranda!" Sigaw ni Yola,agad naman akong nairita dahil don.
"It's Rese!stop calling me on my whole name," reklamo ko.
"Haha ayaw na ayaw sa pangalan ha?sige Teresita Mirasol na lang tutal magkamukha kayo,"
"I'm not her." umirap ako at binilisan ang paglalakad.
"Oy Rese tingin mo ba totoong nabuhay ulit si Teresita at Sebastian?"
"I don't know," inis na sagot ko.
"Ang pikon mo naman!may dalaw ka ba today?" She chuckled.
"Stop asking about that okay, I'm not interested on....history you know,"
"Hala hindi ka interesado sa history?baka ikaw yung history?haha!"
Wala syang ibang ginawa kundi magsalita ng magsalita habang ako ay tahimik lang na naglalakad.
"Pero malay mo talaga Rese,tingnan mo yang kwintas mo,orasan din ang pendant, sure ka ba hindi ikaw si Teresita?bakit same kayo ng kwintas?"
"Could you please stop Yola?ang dami mong alam hindi naman totoo yang ganyan ganyan,tao?mabubuhay ulit?only God can do that,Teresita and Sebastian are just human."
"Ay may point ka dyan,"
Nang makuha ko ang pagkain ay nauna na akong umupo sa pwesto namin ni Yola,madalas ay lima kami pero absent naman si Alyanah at bebe time naman si Theo,si Levi naman ay may training.
"Rese tikman mo ang sarap," iniisod sakin ni Yola ang plato nya kaya tinikman ko ang palabok doon.
"Masarap," tumango tango pa ako.
"Wanna taste mine too?" Nagulat ako ng umupo si Gedion sa harap ko,ang kinikilalang pinaka-gago sa school. Sa likod nya naman ay ang mga barkada nya, halos lahat sila ay nagtatawanan.
"Alin ang tinutukoy mo'ng 'Mine' Gedion?" Tanong ng kasama nya sa likod.
"It depends on Rese kung alin ang gusto nyang tikman," sabay sabay na naman silang nagtawanan dahil doon.
"Let's go Rese," tumayo si Yola kaya tumayo na rin ako,hindi sila pinapansin.
"Oh Yola we're just having fun here,"
"Ay true!nakakatawa nga yang mukha mo," sagot ni Yola bago ako hinigit paalis.
"Hey Rese Baby!sure ka ayaw mong tikman to'ng akin?!" Pahabol nya pa but I did not look back,aksaya sa oras.
Nang nakalayo kami ay saka lang ako binitawan ni Yola.
"Lakas ng tama sayo nung hayop na yon," natatawang sabi nya,ako naman ay napairap na lang,maliit na bagay.
"Rese!" Napalingon kaming pareho sa pinanggalingan ng boses na yon.
"Oh?ano na naman Levi Ong?"
"Tara mamaya, birthday nung teammate ko," aya nya.
"Pupunta ako kung pupunta si Rese," turo sa akin ni Yola.
"Well sorry, hindi ka makakapunta," natatawang sagot ko.
"Ang daya!" Reklamo ni Levi.
"Pupunta ako kung pupunta si Alyanah," sinabi ko na lang para matahimik na sya pangungulit,alam ko din naman na hindi makakapunta si Alyanah dahil may sakit sya ngayon.
"Sunduin ko kayo sa bahay nila Rese mamaya ha," paalam nya bago tumakbo paalis.
Maagang natapos ang mga klase at uwian na,si Yola ay tahimik lang na naglalakad habang ako ay nagiisip kung pupunta nga ba sa okasyon na yon o wag na lang.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko kay Yola.
"Kung anong susuotin ko mamaya," napairap na lang ako sa walang kwenta nyang sagot.
"Do you want to come?" I asked.
"Yeah pero kung hindi kayo pupunta edi wag na lang,anong gagawin ko dun magisa," she laugh.
"Wanna come with me?" Tanong ko.
"Saan?"
"Edi saan pa,edi sa ilog,"
"Gago!pumupunta ka pa rin don?diba sabi ko sayo wag ka ng napunta don?gaga ka talaga!" Hinigit nya pa ang buhok ko kaya mahina akong napatawa.
"Come on Yola,kung delikado ron' edi sana matagal na akong patay!"
Mayroong ilog sa likod ng simbahan malapit sa subdivision na tinitirahan namin,sabi nila huwag daw pumunta doon dahil napakadelikado,kung sino man raw ang lumusot sa harang non ay mararanasan ang sinapit ni Teresita,pero simula pagkabata ay andon na ako,wala namang masamang nangyayari sa akin,kung tutuusin ay pakiramdam ko'y ligtas na ligtas ako kapag nasa loob ako noon.
"Naku ewan ko sayo ha!baka nakakalimutan mo!dyan nagpakamatay si Teresita!" Agad nagtindigan ang balahibo ko at masamang tumingin sa kanya.
"Bakit ba adik na adik ka sa kwento ng Teresita na yan,mukha namang 'Mema' lang," umirap ako at inunahan syang maglakad.
"Hoy hindi mema yon!kung mema yon edi bakit wala ang bangkay nilang dalawa nung hinukay sila?" Saglit akong napatigil at tumingin sa kanya.
"Bakit?okay ka lang ba?" She look worried.
"Yola....please stop talking about them please?"
"May something sayo," huling sinabi nya bago sumakay sa kotse ng driver nila.
Kahit alam kong naghihintay ang sundo ko ay dumeretso ako palabas ng school.Parang may naaalala akong ayaw kong maalala,parang may kakaiba.Birthday ko na next next month,and there is something na parang may papalapit na mangyayari but I'm afraid to know what it is.
Lumusot ako sa mga alambre na nakabakod sa buong paligid,sobrang dilim,kung hindi mo naririnig ang ilog ay siguradong iisipin mong dulo na.I put down my bag on the big rock while unbuttoning my uniform.
I'm so comfortable on this place,I don't know why.
I remove all my clothes,walang pumupunta dito dahil naniniwala sila sa mga haka hakang ginagawa ng mga tao,matataas rin ang puno ngunit maaliwalas pa rin naman ang paligid dahil sa mga bulaklak na nagkalat lang kung saan saan. Napakalinis ng tubig,ang liwanag ay kakaunti na lang dahil papalubog na ang araw.
Inilubog ko ang katawan ko sa tubig at nagumpisang lumangoy.Agad akong naalerto ng may marinig akong kaluskos,nanatili lang ako sa ilalim ng tubig sa takot na baka may ibang tao ang naririto.Sinubukan kong abutin ang damit ko ngunit masyadong malayo,kung aangat naman ako ay mas lilitaw ang katawan ko kaya mas pinili kong sa ilalim ng tubig na lamang.
"Gago!" Nakahinga ako ng maluwag sa biglaang paglabas ng kulay puting pusa.
Unti unting lumapit sa gawi ko ang pusa kaya lumapit rin ako sa kanya, magkaiba ang kulay ng mata nya,ang isa ay berde at ang isa ay asul.
"Meow," Tahimik akong napangiti at naglakad upang kunin ang damit ko.
Gabi na ng makauwi ako sa bahay,may kausap si daddy sa cellphone habang si kuya ay may kung anong binubuklat sa libro nya.
"Bakit ngayon ka lang?" Halos magkasabay na sabi nila,napairap na lang ako.
"At bakit basa ang buhok mo?" Lumapit sa akin si kuya at inamoy pa ako. "Kadiri!amoy ilog amp!" Agad syang lumayo at bumalik sa kanyang ginagawa.
"Anak hindi ba sabi ko huwag kang pumunta sa ilog na iyon?may sumpa iyon ni Teresita,ayaw kong magaya ka sa sinapit nya," lumabas si mommy sa kusina, halatang galing pa sa pagluluto.
Mahina akong napatawa at tumingin sa kanya.
"Wala naman po iyon sa sumpa ni Teresita Mom,nakadepende po iyon sa mapapangasawa ko," natatawang sagot ko.
"Pero anak--"
"Nangako sya Mom," maski ako ay naguluhan sa sarili kong sagot,bakit ko nga ba nasabi iyon? "Mauuna na po ako sa taas," paalam ko bago nagmamadaling umakyat sa aking kwarto.
Tahimik lang akong nagbabasa ng biglang tumunog ang cellphone ko,tiningnan ko iyon at nakitang si Levi ay tumatawag.
"What?"
"Nasa labas ako ng bahay nyo,kasama ko si Yola,"
Napakamot na lang ako sa sentido ko,ayaw ko pa sanang sumama ngunit wala na rin naman akong choice dahil nasa labas na sila.Nagbihis na lang ako ng maayos na damit pagkatapos ay bumaba na.
"Saan lakad mo?" Tanong ni Kuya.
"Dyan lang, birthday nung kakilala kong basketball player,"
"Baka makita mo ang kuya Jeron mo doon,sumabay ka na pauwi,"
Tatlo kaming magkakapatid,ako ang bunso. Si Kuya Jeron ay basketball player,masasabi kong sikat sya sa school pero hindi ko gusto ang mga trip nya sa buhay, lalo na ang pambababae,si kuya Jeff naman ang panganay,kaka-graduate nya lang at nagpapahinga sa bahay ng isang taon,sabi nya kasi ay masyado raw syang napressure sa pagkuha ng Mech engineer course.
"Hoy dito ka na sa unahan," bubuksan ko na sana ang pinto sa backseat ng hilahin ako ni Levi. "Bakit naman ganyan ang suot mo?para kang si Santa Claus," tiningnan nya pa ako mula ulo hanggang paa bago umirap. There is nothing wrong on my clothes naman,sadyang maarte lang to'ng si Levi.
Habang nasa byahe kami ay puro sya parinig.
"Sus pa-red red pa ng damit,feeling sexy," napairap na lang ako,puro kalokohan.
"Isa pa to'ng olay na to-aray!ano ba!nagdadrive ako Yola!s**t!" Mahina na lang akong napatawa ng magumpisa na silang magkulitan doon.
"Lagi ka na lang! Kanina ako ang pinupuruhan mo ha!"
Kahit papaano naman ay nakarating kaming ligtas sa party na sinasabi ni Levi,mayaman pala yung celebrant dahil sa beach resort pa ang party.
"Yola babes!" Agad na umakbay si Theo kay Yola at hinigit sya papasok sa loob.
"Hoy!baka magselos na naman sakin bebe mo ha!" Reklamo ni Yola.
"Break na kami erps!" Napahilot na lang ako sa sentido ko,wala pa silang 1 month tapos break na agad?
"Tara," umakbay din sakin si Levi at hinigit ako papasok, nahuli syang pumasok dahil ipinark nya pa ang kotse nya.
Ang daming tao,halos mahilo na ako dahil siksikan kahit na ang lawak naman ng paligid.
Nang makarating kami sa couch na nakalaan daw para sa amin ay napainom na lang ako ng tubig.
"So bakit nga kayo nagbreak?" Rinig kong tanong ni Yola kay Theo.
"Ang pangit erps,hinihigpitan ako...bawal pumunta sa ganyan,bawal pumunta sa ganon,sa ganito tapos gusto lagi bebe time kahit may klase ako psh!"
"Okay sad boy na si Theo,tagay na yan!" Sabay sabay kaming nagtawanan sa sinabing yon ni Levi,si Theo naman ay napairap na lang at nilagok ang alak na ibinigay sa kanya.Kahit malamig ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan pa rin ako dahil sa alak.
"Babatiin ko lang yung celebrant,"
Napadako ang tingin ko sa lalaking naka-asul sa may dulo ng pool,nakakunot ang noo nya habang nakatitig sa akin,parang kumalabog sa kaba ang puso ko dahil parang may kakaiba sa kanya.
Hindi rin kami nagtagal ng gabing yon dahil may klase pa kinabukasan. Nauna kaming umuwi ni Yola habang si Levi at Theo ay nagpaiwan.
"So okay class continuation ngayon ng story ni Teresita at Sebastian."
Ang iba ay nagtilian pa dahil sa sobrang excitement pero wala namang nakaka excite.
"So this is the place where Teresita died,dito rin sya inilibing." pinakatitigan kong mabuti ang lugar,alam ko na, doon yan sa ilog na pinagliliguan ko,sa dulo noon ay may bangin.
Pero kinilabutan din ako sa nalaman....
Doon namatay si Teresita?!