Chapter 2 :Lavin Lopez

2325 Words
"So ano? naniniwala ka na?" Siniko ako ni Yola. "Hindi pa rin," umirap lang sya sa akin at nagpatuloy sa pakikinig. "Teresita died on September 1,2003 at 11:59 pm at sinabing sya ay muling nabuhay noong September 2,2003, 12:00 am sa ibang katawan,many people are saying that it was a reincarnation,but many people are also saying that Sebastian asked help from god para muling mabuhay si Teresita." September 2,2003 at the time of 12 am is also my birth date,what a coincidence. "Sebastian died on August 2005.. so if your asking bakit may putal na 2 taon its because itinama muna ni Sebastian lahat ng pagkakamali nya ayon sa nararapat,and to make his wishes come true," It was a long and mind blowing discussion,parang sumasakit ang ulo ko sa hindi maintindihang dahilan. "Kanina pa lipad ang utak mo Rese," napabalik lang ako sa katinuan ng pitikin ni Yola ang noo ko,tuloy ay masama ko syang tiningnan. "Where's my food?" Hanap ko sa pagkain ko. "Ay sorry kumakain ka pa pala," inis kong tiningnan si Levi dahil kinuha nya ang pagkain ko,patay gutom amp. "Rese baby," napabaling ang tingin ko kay Gedion na nasa harapan ko na naman ngayon, halos araw araw na lang,tuwing papasok ako sa cafeteria na to,mukha nya ang nakikita ko,bwiset talaga. "Excuse, kakain ako pwesto ko yan," hindi ko napansin na tumayo pala si Theo kanina para kumuha ng pagkain. "Hey Theo,pwesto mo pala to?" Tila nangaasar ang tono ni Gedion. "Oo,bingi ka ba?" Tumayo si Gedion at ibinigay kay Theo ang upuan pero nagulat kami nang bigla na lang alisin iyon ni Gedion kaya nahulog si Theo sa sahig. "P*tangina," nagtitimping bulong ni Theo pagkatayo. "Sorry bro,nahila nung paa ko," Ang tanging naririnig lang sa paligid ay ang tawanan ng barkada nya at ang bulungan ng mga nakain dito sa canteen. "Tara na tol," tinapik ni Levi ang balikat ni Theo. "Ang lampa mo ata ngayon pre," pang aasar ni Gedion. Ganyan ka-hayop yang Gedion na yan, palibhasa ay alam nyang hindi lumalaban si Theo at Levi,hindi dahil takot kundi dahil mas may utak ang mga kaibigan ko kaysa sa kanya. "Theo," tawag ko sa kanya dahil parang iba na ang tinatakbo ng utak nya. "Oh my!.... Theo!" Maski ako ay nagulat ng bigla na lang nyang sinuntok si Gedion. Agad pumagitna si Levi at tinulak tulak palayo si Theo,kami naman ni Yola ay agad hinawakan si Theo para hindi na makapang laban pa. "Gago ka ah!tumatapang ka na ngayon lampa?!" Galit na sigaw ni Gedion at astang susugod nang bigla na lang syang suntukin ni Levi,napaawang ang labi ko sa gulat. Ngayon ko lang din napansin na nakatayo na lahat ng basketball players na kaibigan ni Levi,inaabangan ang sunod na mangyayari. Mahigpit akong humawak sa braso ni Theo ng magumpisang lumapit kay Levi ang barkada ni Gedion. "Levi let's go," lalapit pa sana si Yola para higitin si Levi ng may humigit kay Yola palayo,ganon din sa akin at kay Theo,doon ko lang napansin na nakalapit na pala ang mga basketball players na kaibigan ni Levi. "Mayabang ka na ngayon Ezekiel?" Umiiling iling na pinunasan ni Gedion ang labi nyang dumudugo. Nagulat ako ng bigla na lang hinawakan ng dalawang lalaki si Levi,nagtataka pa ako at wala manlang ginagawa ang mga kasama nya. "Why aren't you doing something?!" Naiiritang sigaw ni Yola. "Kalma kalma,wala pa namang ginagawa eh," sagot nung isang lalaking puno ng hikaw sa tenga. "Ah so hindi kayo gagalaw dyan hangga't di binubugbog si Levi?!" "Yola babes,kalma." Inakbayan sya ni Theo na ngayon ay kalmado na. Hindi ako mapakali kaya nakipagsiksikan ako at lumapit doon pero nagulat ako nang bigla na lang may humigit sa akin. "Rese baka masaktan ka dyan,dito ka sa likod ko," "Wag ka'ng epal Gedion," inis na sagot ko,rinig na rinig naman ang pag 'Oohhh' ng mga estudyante sa paligid,tuloy ay lumakas ang loob ko kahit papaano. "Aalis na kami,may klase pa." Paalam ko at akmang lalapit kay Levi ng may humawak sa magkabilang braso ko at pilit akong inilayo. "Chill ka lang dyan babe,papabaunan ko lang ng kaunting bangas to'ng bestfriend mo,"  napaawang ang labi ko ng suntukin nya sa mukha si Levi,tumingin ako sa mga ka-teammate nya pero mga wala naman silang ginagawa. Nakadalawang suntok pa si Gedion ng biglang tumumba ang isa sa mga humahawak kay Levi, naalarma sila at doon nagsimula ang away. "Oh my!!Rese!" Hinigit ako palayo ni Yola habang nagkakagulo sila doon,si Levi ay higit higit ni Theo. "Damn!dumudugo! dumudugo!" Nagpapanic na sigaw ko habang nakaturo sa labi ni Levi. "First time?" Natatawang sagot nya. Natigil lang ang gulo nang dumating ang mga officers, hinigit ko sila Yola palayo para kunwari ay hindi kami kasali sa gulo nila.Bahagya pa akong napatawa dahil biglang nawala ang mga basketball player,tuloy ay naiwan ang grupo nila Gedion doon. "Hindi kami tanga!madami kayo kanina!" Galit na sigaw ng President,napaiwas naman ako ng tingin. "May nakita akong basketball player kanina! Lahat ng hindi basketball player lumabas!" "Safe tayo,bye Levi bro," nangaasar na paalam ni Theo bago tumayo. "Pre," tinapik tapik pa ni Theo ang balikat ni Gedion ng madaanan,napakamot tuloy ako sa sentido ko. Nakatingin lang sa akin si Gedion na para bang tinitingnan kung may naging sugat ako, umirap lang ako sa kanya at dere deretsong naglakad. "Laughtrip mukha ni Gedion pre haha,lakas ng tama sayo non Rese," natatawang pangaasar ni Theo. Hindi na kami nakaattend sa sunod na klase dahil kay Theo,nagpasama pa sya sa Gymnasium dahil don daw dinala sila Levi. Sumaglit na rin kami sa clinic para humiram ng first aid kit. Nang makarating kami roon ay naglalaro lang sila ng basketball,para bang tuwang tuwa pa sila at hindi sila pinapasok sa sunod na klase. Pero hindi doon natuon ang atensyon ko,kundi doon sa lalaking nakatayo na may hawak din na first aid kit, familiar sya sa akin. Tama sya nga yung lalaki kagabi,pero may kakaiba sa kanya. Nang lumingon sya sa akin ay hindi ako makaiwas ng tingin. "Hoy Levi Ezekiel!" Sigaw ni Yola kaya halos lahat sila ay napatingin sa gawi namin. But still,my attention focus on that man. He's so familiar. Hinila ako palapit doon ni Theo kaya naagaw namin ang atensyon nya.Para syang gulat na gulat nang makita ako,napaawang pa ang labi nya at kumunot ang noo,para bang may gusto syang sabihin ngunit hindi nya masabi. "Nakatingin sayo si doc,dzai," Bulong sa akin ni Yola. "Who is he?" I asked. "Yan lang naman si Neil Sebastien Lopez," "Ngayon ko lang sya nakita" "Malamang college na yan sister....doctor!" Hindi na lang ako umimik at tumingin na lang sa daan habang naglalakad. "Boss Lavin," umakbay si Theo don sa Neil Sebastien na kinekwento ni Yola. Ako naman ay napaiwas ulit ng tingin ng tumingin ulit sya sa akin. Bahagya akong lumayo at lumapit kay Levi para gamutin sya. "Aray gago! Rese sabihin mo lang kung may galit ka sakin ha," parang maiiyak na si Levi ng mapadiin ang pagdadampi ko ng bulak sa sugat nya. "Let me handle this," Napasinghap ako ng hawakan nya ang kamay ko para alisin sa pagkakahawak kay Levi. "Rese tara na,kaya na nila yan." Nagpatangay na lang ako kay Yola dahil totoo namang kaya na nila yon. College na rin naman si Levi at Theo ah?pero sabagay,di rin naman sila madalas na nasa Building namin. Nang matapos ang klase ay agad din akong umuwi sa bahay. "Putcha!saan ba galing yan?!" Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay rinig na rinig na ang mga sigawan sa labas. "T*angina!baka multo yan!ilayo mo!" Nang buksan ko ang pinto ay agad na sumalubong sakin si Tin-tin,yung pusa na iniuwi ko kahapon sa bahay. "Ibaba mo yan Rese!multo yan!" Nagpapanic na sigaw ni Kuya Jeron. "No she's not," "Yes it is!magkaiba ang mata nya!" Parang diring diri pa sya at umakto pa na parang masusuka. "We're going upstairs, get out of my way," umirap ako at umakyat na para magbihis. Kinabukasan ay sabado kaya nakatambay lang ako sa bahay. Pinapanood ko si tin-tin na malumbay doon at magkutkot ng kung ano ano. Mainit rin ang panahon kaya naisipan ko na lang na pumunta sa ilog.Kumuha ako ng isang pares ng damit at mga pagkain,picnic kami ni Tin-tin.Tahimik ang paligid ng makarating kami doon,ibinaba ko sa damuhan lahat ng dala ko at inilubog ang paa sa tubig.Maghuhubad na sana ako ng damit nang may mapansin akong tao sa dulo,sa may bangin. "Tin!shh!" Suway ko kay Tin-tin na nalalaro ang tubig,nakakita kasi ng isda. Dahan dahan akong tumayo at tumawid sa tubig. Nang makalapit ay nagtago ako sa likod ng malaking puno at tiningnan ang gagawin ng lalaki. Naglagay sya ng isang pirasong rosas doon. "Tin-tin," Nataranta ako nang lumapit si tin-tin doon sa nakatalikod na lalaki. Wala na akong nagawa nang lumingon ito sa may gawi ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kung Sino yon. Tama!sya nga..yung lalaki kahapon, Neil Sebastien. "What are you doing here?" Naglakad ito palapit sa akin kaya bahagya pa akong napaatras. "Uhm..ah maliligo!"  Taranta kong sagot. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa bago nagtaas ng kilay sa akin. "Trespassing ka," kumunot ang noo ko at takang tumingin sa kanya. "Wala namang mayari ng lugar na to diba?" "This is my property," nagulat ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone nya. "Hello...yes,okay.. I'm on my way." tumingin sya sa akin saglit. "Get out of my place." Pagkaalis nya ng lugar na yon ay umalis na rin ako,natakot na baka kasuhan nya ako kapag nanatili pa ako roon.Nang makarating ako sa bahay ay andon si Yola,bihis na bihis at mukhang naiinip na kakahintay sakin. "Sure ka hindi ka kakain?" Tanong ni kuya Jeron. Mahina akong napatawa nang umirap si Yola at hindi sya pansinin,may past sila na ayaw aminin sakin ni Yola. "Andyan ka na pala Rese eh!andito ang kaibigan mo...hindi ko sure kung ikaw ang hinahanap pero feeling ko talaga ako eh," nangaasar na sabi ni Kuya Jeron. Halatang halata naman ang pagkairita ni Yola kaya napairap na lang ako sa kanilang dalawa. "Tara sa kwarto," hinigit ko si Yola patayo at hinila papunta sa kwarto ko. "Yola!" Sabay kaming napalingon ni Yola nang tawagin sya ni Kuya. "Pwede ka rin sa kwarto ko" he winked. Mas lalo pang nainis si Yola kaya binilisan ko na lang ang paghila ko sa kanya paakyat ng kwarto ko. "Bakit basa ka?" Tanong kaagad nya,hindi halata kanina dahil nakajacket ako at black naman ang leggings ko. "Naligo ako," nang marinig nya yon ay hindi na sya nagtanong pa ulit,napangiwi pa at nakuha agad ang ibig kong sabihin. Nagpalit lang ako saglit ng damit bago sinamahan si Yola papunta sa clinic,noong isang linggo pa daw sumasakit ang ngipin nya kaya ipapatingin na daw nya. "Gwapo daw yung training dito sis," bulong nya sa akin. "Kaya nabubulok ngipin mo eh,puro ka kaharutan," umirap ako at umupo sa upuan na nandoon. Ngumiwi lang sya bago pumasok sa loob. Naiwan ako sa labas kaya inilabas ko na lang ang phone ko para maglaro ng games doon. Nasa kalagitnaan ako ng paglilibang ng tumunog ang cellphone ni Yola,tumatawag pala si Tita Ivy,mama nya.Kumatok ako sa pinto,sakto naman na may palabas na pasyente kaya pinapasok na nila ako. "May tumatawag," iniabot ko kay Yola ang phone at lalabas na sana nang may magsalita sa kabilang pinto ng clinic. "Let her stay," Hindi ko alam kung ako ang tinutukoy nung nagsalita. "Ma'am, dito na lang po kayo," hinigit ako ng isang assistant at pinaupo sa upuan na andon sa loob. Nagtataka man ay umupo na lang ako,masyadong malamig dahil sa aircon. Tumayo ako nang isenyas sa akin ni Yola ang cellphone pero nabaling ang tingin ko sa gilid dahil parang may nakatitig sa akin. At hindi nga ako nagkakamali..but wait...sya nga yon,yung kanina sa ilog! Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya at kaba,mukhang namumukhaan din nya ako. Napatingin ako kay Yola nang tumayo sya kasama ang dentista nya. "Magmumumog lang sis," kumindat pa sa akin si Yola bago naglakad papasok sa isa pang room. Ang naiwan na lang tuloy ay ako at yung assistant pati na rin si Neil Sebastien na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin,he look hot while leaning on his table. "Sir Lavin kukuha lang po ako ng gamit sa kabilang clinic," paalam nung assistant kaya mas lalo akong kinabahan. Wait Lavin?where did he get that nickname,parang ang layo sa name nya. Bawat galaw ko ay ramdam na ramdam ko ang tingin nya,nakakailang naman. Hindi ko alam ang gagawin sa bawat lingon ko sa kanyang mahuhuli ko syang nakatitig sakin,hindi ba sya nangangalay? mukhang hindi na ata sya kumukurap. "You look like someone,"  malakas na kumalabog ang dibdib ko nang magsalita sya,parang may something talaga eh. "Huh?" "Teresita Mirasol Ibarra," hindi ako nakapagsalita nang sabihin nya yon,para bang natakot ako na hindi maintindihan. "M-marami nga ang nagsasabi nyan," naisagot ko na lang. "I'm looking for her.....buong buhay ko," mas lalo pa akong kinilabutan dahil doon. "Why?" "I don't know, I just found myself looking for her since birth...I guess?" Bigla tuloy akong nailang,bakit nya ba ito kinekwento sakin,wala naman akong pakialam doon?! "Why are you telling me that?" Hindi sya nakaimik at mukhang napaisip pa kung bakit nga ba.Parehas kaming natahimik nang lumabas na si Yola at ang dentista,seryoso silang naguusap doon. "Let's go," pa-simple akong tumingin kay Lavin na malalim ang iniisip . It's weird to call him Lavin argh. "Echosera ka!rinig ko nagusap kayo mare!" Agad akong sinabunutan ni Yola pagkalabas namin ng clinic. "Wala lang yon," sagot ko at inisip kung bakit nga ba may kakaiba kay Lavin. Hindi ko alam kung bakit sya andon, dentista ba sya? Bumili lang kami saglit ng makakain bago umuwi sa bahay. "Sure ka wala na dyan kuya mo ha," bulong nya pa sa akin. "I'm not sure,"  And with that she almost grumble of the taught that he will see my brother again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD