Chapter 3: Teresita

2290 Words
"Ay!" Reklamo agad nya,umasta pang aalis na lang pero mabilis ko syang hinila papasok kaya wala na syang iba pang choice. At hindi nga sya nagkakamali dahil nasa loob nga si kuya,nakataas ang paa habang nanonood ng movie sa tv. Nang sumunod na mga araw ay naging abala ako dahil sa panibagong projects na bigay ng English teacher namin,nasa likod ako ng building at nakaupo sa ilalim ng puno. Si Yola at Alyanah ay nasa canteen para bumili ng pagkain nya at para sa akin na rin,si Theo ay kinuha ang tinatapos nya'ng project sa room nila para sumabay sa akin,samantalang si Levi naman ay susunod na lang daw. Tumingin ako sa directions na nakasulat sa papel bago gumuhit ng pattern sa kalahating illustration board,nakakangalay since sa lupa lang nakapatong ang mga ginagawa ko. "Bakit dito ka gumagawa?" "Palaka!" Gulat akong napaatras at masamang tumingin sa nagsalita. "Nasan?kinain ka ba?" Si Lavin,may dala syang notebook at isang libro,ang isang kamay nya ay nakapasok sa bulsa ng suot nyang pants. Napatingin ako sa ginagawa kong pattern,nagurihan na iyon dahil sa pagkakagulat ko kanina kay Lavin. Mukhang napansin nya yon kaya iniabot nya sa akin ang lapis nya na may pambura. "Ayos lang ba sayo na dito ka gumagawa nyan?" He asked,seryoso. "Yeah,mahangin dito,nakakarelax," sagot ko.Saglit syang natahimik at pinanood akong gumuhit."Bakit ka nandito?" I asked. "Malapit lang ang building namin dito," tinuro nya ang kabilang building,ngayon ko lang napansin na malapit na pala ito sa college. He was nice,mabait sya,hindi ko inaasahan to dahil iba sya noong unang beses kaming magkita,natakot pa ako dahil pinaalis nya ako sa ilog. "Uy!Lavin erps!" Mabilis na lumapit sa amin si Theo dala ang mga gamit nya. "T*nginang Gedion yon! Aabangan ko talaga yon sa gate mamaya!" Napatingin ako kay Levi na kararating lang,pinapagpagan nya ang pants nyang puro puti. "Bakit?anong nangyari?" I asked,for sure si Gedion na naman may kagagawan nito,sinabi ni Levi eh. "Sa susunod talaga,gagawin na kitang panakot don Rese,tututukan kita ng baril sa ulo at sasabihin kong babarilin kita para tigilan na ako ng gag*ng yon!" Inis na sambit ba nya. "Totoo ba yan pre?" Umakbay pa si Theo kay Levi at parang maiiyak pa sa narinig. "Oo!" "Kung ganon kakampi ako kay Gedion para mailigtas ko si Rese!" Tumingin sa akin si Theo at kumindat pa. "Ulol!edi magkampi kayo, sumbong mo pa ako sa kuya mo," mayabang na sabi ni Levi. "Ulol!ikaw magsumbong sa ate mo'ng si Lexi!" Nagtaka agad ako dahil wala namang kapatid si Levi. "Lexi Lore," mas lalo akong nagtaka dahil hindi naman Lore ang apelyido Levi. Saglit silang nagkatitigan at sabay na tumawa,maging si Lavin ay natawa na rin,ako na lang ang tahimik. "Gago!" Asik ni Lavin.Nagulat ako ng umupo sya roon at kinuha ang libro sa gilid ko."Ito dapat ang unahin mo" turo nya sa kabilang side ng pattern. "Mas madali ito,nakakalito yang inuna mo" he said while looking on my draw. I think tama sya,oo nga tama nga sya. "Rese walang Potato Chips!Nova na lang," iniabot sa akin ni Alyanah ang Nova at isang Chuckie,pati na rin dalawang cheese cake. "Parang ang sarap magcutting mga pare," umupo si Theo sa tabi ko at kinuha ang isang tinapay sa akin. "Wala akong klase after nito,boring nga eh," si Levi. "Uy sakto! English namin after recess,time sa paggagawa ng projects!" Si Yola,she has a point,ito nga lang ang gagawin namin sa subject na English. "Can I join?" Tanong ni Lavin, nagulat ako. "Sus pare!pumoporma ka lang kay Rese eh,taken na yan!ako boyfriend nya," umakbay sa akin si Theo,agad naman akong lumayo, kadiri eh. "Lavin erps ang bait mo ata ngayon?" Humiga si Levi sa damuhan at ginawang unan ang hita ni Alyanah. "Ano ba yan Levi!tabi!" Tinulak sya ni Alyanah kaya nasubsob sya sa lupa,natawa naman ako doon. "Ako na" magrereklamo pa sana ako dahil kinuha ni Lavin ang illustration board sa harap ko. Pinanood ko lang syang sundan ang pattern doon habang ang mga kasama ko ay nagkukulitan.Nang matapos yon ay iniabot nya sa akin ang lapis at ang board, halos manginig ako nang dumampi ang kamay nya sa kamay ko. It feel so weird para ba'ng takot ako at the same time ay masaya dahil andito sya. "Una na ako,may klase pa pala kami," tumayo sya at kinuha ang mga gamit na dala nya. Nagpaalam sya kay Theo at Levi bago umalis. "Pst!saan mo nakilala yon?" Tinawag ako ni Levi. "Dyan lang sa tabi-tabi," sagot ko. "Tabi-tabi?talaga?saan yon?" Umirap ako at hindi sya pinansin. Agad naman akong na-curious kung bakit magkakakilala sila. "Bakit magkakakilala kayo?" "Basketball player yon dati sister," tumango-tango ako. "Eh ikaw bakit magkakilala kayo?"tawag ko naman kay Theo na abalang abala sa pagsusukat,sanaol kasi Engineer. "Chismosa mo mare," pambabara nya sa akin kaya sinamaan ko sya ng tingin, curious lang eh. "Kababata ko yon,baka umiyak ka pa eh." The next class is history,kahit tinatamad pa akong pumasok ay pinilit ko ang sarili ko,wala naman akong choice. "So okay class, Continuation tayo." ibinagsak ni ma'am Melissa ang makapal na libro sa teacher's table,lahat ay tahimik na at inaabangan ang discussion na gagawin. "So as usual kay Teresita pa rin tayo," "Hindi na natapos tapos yang kwento na yan!" Napalakas ata ang boses ko kaya lahat sila ay napatingin na sa amin. "Yes Ms. Pollin?" Awkward akong ngumiti,sakto naman na may binabasang libro si Yola kaya yon na lang ang itinuro ko. "Yung story na binabasa ni Yola maam!" Lahat naman sila ay napatango at binalik ang mga sarili sa kanilang ginagawa. "So dinamay mo pa talaga ako?" Taas kilay na sabi ni Yola. "Libre kita mamaya," umirap na lang sya at nakinig sa panimula ni Ma'am. "So balik tayo...for me Teresita is a strong woman,noong 15 taong gulang sya ay nalaman nyang sya'y ampon lamang..kung ako ang nasa kalagayan ni Teresita ay masasaktan ako sapagkat grabe kung sya'y tratuhin ng kinalakhan nyang pamilya. Sabihin na natin na mayaman ang nakaampon sa kanya pero lubos lubos sya kung sya'y pahirapan. She was 9 years old nang mamatay ang mga magulang nya,doon na sya nagsimulang magtrabaho para sa kanyang sarili, together with her grandmother." natigil ang pagkekwento ni ma'am nang may magtanong na kaklase ko sa kanya. "Ma'am paano naman nalaman at nakilala ang story nila?" "Walang nakakaalam pero ang sabi ay isinulat daw ito ng dating kasintahan ni Teresita," "Anong pangalan nung ex ma'am?" Si Yola. "Shh!patapusin nyo muna ako class," Naging palaisipan sa akin ang pangalan ng ex ni Teresita,buhay pa kaya sya?nasan kaya sya ngayon? Malakas ang ulan nang matapos ang klase sa maghapon. Nauna na si Yola dahil andyan na ang sundo nya. Siguro ay bumaha na naman sa may tulay ng mag-asawang ilog kaya wala pa rin ang sundo ko. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng tawag kay kuya. "Hindi makatawid ang sasakyan," bungad nya. "So?what now?" I asked worriedly. "Sabi ni mommy kila Yola ka daw muna mag-stay,nagpapahina lang si kuya Loyd ng ulan," he was referring to our driver. I was about to message Yola when I realized na nakaalis na nga pala sya. But ilang segundo lang ay sya naman ang tumatawag. "Rese?sabi ni Tita dito ka daw muna sa amin,nasan ka na? Ipapasundo kita sa driver namin," sakto naman na nakita ko si Levi na nakapayong magisa,sa kanya na lang ako sasabay at magpapahatid papunta kila Yola. "Ah no need Yola,andito si Levi,sasabay na lang ako," "Okay then, I'll wait for you," Papalapit na si Levi sa direksyon ko kaya pinatay ko na ang tawag."Bakit andito ka pa?" Tanong nya at sumilong sa waiting shed na kinaroroonan ko. "Baha daw sa mag-asawang ilog,hindi makatawid ang driver ko,how about you?uuwi ka na ba?" I asked. "Hala jusmiyo naman Rese,sa dorm ako tutulog sira ang kotse ko," s**t! "Ang tanga ko!" Bulong ko sa sarili ko at tatawagan na sana ulit si Yola nang mamatay ang cellphone ko,low battery pa nga! "Ipahatid kita kay Theo, saglit lang" inilabas nya ang phone nya at idinial ang number ni Theo mabilis naman nyang sinagot ang tawag. "Pre?" Sagot ni Theo. "Tol si Rese,stranded dito sa school kawawa nga eh," Levi chuckled. "Oh paano yan?" "Masusundo mo ba?ihahatid lang kila Yola," "Ay ulol gagi pre nasa kalagitnaan ako ng traffic!" Napakamot ako sa ulo ko at umiwas ng tingin kay Levi. "Sige sige,ako na ang bahala tol," "Wala ba masasakyan dyan?" Tanong ni Theo. "Ubos na,natakot ata sa ulan," We ended up no choice, Levi tried to call Yola pero sakto naman na naubusan sya ng load,ichacharge sana namin ang phone ko pero nasaktuhan na nawalan ng kuryente,badtrip.Malapit ng mag-7 pero hindi pa rin tumitila ang ulan,mas lumala pa dahil nasamahan ng kulog at kidlat. Nagpaalam si Levi na kukuha lang daw ng jacket dahil masyado ng malamig dito sa cafeteria,balak nya pa sana akong isama kaya lang ay puro lalaki ang nasa dorm nila kaya huwag na lang. Sumandal ako sa upuan at pinanood ang malakas na patak ng ulan sa labas. "Rese," napaangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Lavin. "Hey," "Bakit andito ka pa?gabi na ah," he handed me his jacket so I can wear it,hindi na ako tumanggi dahil nilalamig na rin naman ako. "Stranded,baha ang mag-asawang ilog," Saglit syang napatitig sa akin at tila nagisip ng paraan. May isa pang daanan pauwi sa amin,pero for sure ay traffic doon dahil sarado ang kabilang daan. "Ahh,kapag tumila ang ulan ay uuwi ako sa Montelago,maidadaan kita sa inyo." he offer,sakto naman na dumating si Levi. "Sumama ka na Rese," inabutan ako ni Levi ng payong. Bandang huli ay sumama na lang din ako sa kanya, wala naman akong choice,sana lang may kuryente doon at makapagcharge ako para naman matawagan ko si Mom or si kuya Loyd.Tahimik lang kami sa sasakyan,naiilang ako dahil nararamdaman ko syang tumitingin sakin paminsan-minsan, pakiramdam ko tuloy ay may dumi ang mukha ko. Dumaan kami sa isang building, kukuha lang daw sya ng damit sa condo nya dahil basa sya,he also offer me to go with him dahil baka daw mainip ako sa sasakyan. "Magluluto lang ako," "Ako na," nahihiya ako kaya ako na ang magoffer na magluto,pinatuloy nya na nga ako,ayaw ko naman mag feeling bisita dahil baka sa isip nya ay isa akong bwisita. "Marunong ka?" He chuckled,nangaasar. "Of course duh," tinawanan nya lang ako at pumasok na sa isa sa mga kwarto doon. "Wait for me, I'll help you," Nagumpisa akong maghalungkat sa grocery nya,may nakita akong pork doon kaya nagisip ako ng pwedeng luto . Fried na lang kaya?or adobo?or sinigang?tutal malamig naman. Nag-gayat ako ng bawang at sibuyas habang pinakukuluan ang karne,medyo nagtagal pa si Lavin sa kwarto nya kaya nang lumabas sya ay patapos na akong magluto. Tumabi sya sa akin at tiningnan kung ano ang niluto ko. "Patikim," iniabot ko sa kanya ang sandok. "Pwede na," tumango tango pa sya at umupo sa upuan. "Pwedeng maki-charge?" I asked. "Sure," Dinala nya ang phone ko sa kwarto nya kaya naiwan ulit akong magisa sa kusina,naghain na lang ako ng pagkain para pagbalik nya ay kakain na lang kami. "Graduating right?" He opened a topic. "Yeah," "Anong kukunin mo'ng course?" "I'm still undecided, but I'm planning to take Agriculture or maybe Engineering? I don't know," "Nice,how about Agricultural Engineering?" Napatingin ako sa kanya at napaisip,wow he's giving me an idea. "I kinda like that," "How's your day?tapos na ba ang project mo?" Mukha na kaming mag-jowa dito. "Not yet," "I can help you with that," Sya na ang naghugas ng pinagkainan namin,pumunta ako sa sala at binuksan ang bag ko.Umupo ako sa sahig,masyadong mababa ang table kaya dito na lang ako. "Hey,stand up madumi ang sahig," sabi nya habang nagpupunas ng kamay. "Okay lang," "Here...tayo," naglagay sya ng unan sa inuupuan ko kaya bahagya akong umangat. "Thanks," Napatingin ako sa kanya nang umupo sya sa tabi ko. "Umiinom ka ng kape?" He asked. "No," "Hot chocolate?" Umiling ako. "Okay,water." he chuckled. Nang bumalik sya ay inilapag nya ang isang basong tubig sa gilid ko.He really helped me with my assignments,masyado nga lang talagang marami ang homeworks kaya nakatulog ako sa couch habang tinatapos namin yon. Nagising ako na kumikirot ang ulo ko,nag umpisa na rin akong umubo at bumahing. Argh ang sama ng pakiramdam ko!Tumayo ako,only to realize that I'm not on my room,doon ko lang naalala ang mga nangyari kagabi. Sakto lang ang laki ng kwarto,may glasswall sa paanan ng kama kaya kitang kita ang mga naglalakihang building sa labas.2 am in the morning,nagtataka ako dahil bakit ako ang nasa kwarto ni Lavin,hindi ba dapat ay ako ang nasa labas dahil nakikituloy lang ako?or maybe dalawa ang kwarto nya at andon sya sa kabila. To figure out I open the door and walk outside,nanghihina ako kaya humawak ako sa pader na madadaanan ko.Biglang kumirot ang ulo ko kaya hindi sinasadyang nakatabig ako ng vase sa may gilid, dahil nawalan ng balanse ay dere- deretso akong lumagpak sa sahig. "Putcha!" "I'm sorry, I'm sorry I'll pay for it!" Nagpapanic na sabi ko habang inaalalayan ang sarili kong tumayo. "Lasing ka ba?" He chuckled while helping me. "Ang init gago!" Para syang napaso at inilayo kaagad sa akin ang kamay nya. Mukhang natauhan naman sya at agad na nagsorry. "Nilalagnat ka," iniupo nya ako sa sofa at kinuhaan ng maiinom sa ref. Umupo sya sa tabi ko at ipinagbukas ako ng gamot. "Okay ka lang ba?masakit ba ulo mo?" He asked,napairap na lang ako. "Obvious ba?" Sarcastic na tanong ko,hindi ko maiwasang magmaldita dahil sa sama ng pakiramdam ko. "Kukuha lang ako ng pamunas," natatawang paalam nya. Nakatulog na ulit ako after non,nagising na lang ulit ako kinabukasan dahil sa init na tumatama sa paanan ko. Shit, I can feel someone's breathe on my nape!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD