(Ang pagsagip) “Putok iyon ng baril ah!” bungad ni Kyle sa kaniyang kaibigan. Napatigil na ang dalawa sa paghahanap saka nagkatinginan nang makahulugan sa isa’t isa. “Sina Crepssin! Tara puntahan na natin! Galing doon ang putok ng baril baka napano na sila!” tarantang sambit ni Marcial. “Tara-tara!” tugon ni Kyle sa kaniya. Mabilis silang bumalik sa lugar na kinaroroonan nina Wang hanggang sa bigla namang magkabangga sina Marcial at Wang. “No please! Ah! No! Don't kill me! Don't eat me! I don't have the brain! Please!” nakapikit at tarantang sigaw ni Marcial. “Hoy! Marcial!” bulyaw ni Crepssin sa kaniya kaya bigla itong natauhan sa kaniyang mga pinagsasabi. “Kayo pala! Babe.” Yumakap ito kay Crepssin. “Nag-alala ako sa iyon.” “Anong nangyari Prof?” tanong ni Kyle. “M-m-may infect

