KABANATA 20

1750 Words
(Kaguluhan) “Ako po si Jepoy, itong katabi ko si Darel, Rea, Ralph po at ito si Jinx,” sambit ni Jepoy sa kaharap niyang si Wang. Naiwan sila sa lamesa upang mas makilala pa nila ang isa’t isa. “Iyong kasama po ni Yrris si Krishmar po iyon, tahimik iyon pero iyan kung bakit ganoon po siya ka-attracted kay Yrris,” dagdag pa ni Jepoy. Napatango-tango lang si Wang sa kaniya mga naririnig. “Maganda raw kasi, hayss... Iwan kay Krish, mas maganda naman ako este si Rea roon,” paliwanag ni Jinx. “Excuse me mas maganda kaya si Yrris ano?” sabat ni Crepssin sa kanila. Naparolyo pa ito ng mga mata saka napakibit balikat. “Gusto mo makutusan?” bulyaw ni Jinx sa kaniya. “So, whatever,” sagot naman ni Crepssin sa kaniya. Tatayo na sana si Jinx upang puntahan si Crepssin pero hinawakan siya ni Ralph sa balikat. “Psst... Tama na nga iyan,” sabat ni Ralph saka tumingin kay Crepssin. Nang magtama ang mata nilang dalawa ay kumindat pa ito. Naparolyo naman ng mga mata si Crepssin sa kaniya saka ngumuso. Wala naman nagawang si Darel kung hindi ang palihim na tumawa na lang sa kaniyang mga kasama. “Kanina ka pa tawa nang tawa riyan Darel, sabihin mo lang kung nababaliw ka na ha?” sabi ni Jinx. “Wala... Ano ba? Natatawa lang ako sa inyo para kayong mga bata, ang cute niyong pagmasdan,” paliwanag nito. “Nye-nye-nye...” sabat naman ni Rea na mas lalong nagpangiti kay Darel. “Siguro kilala niyo naman ako hindi ba? Kim Wang, isang professor at doctor,” bungad ni Wang. Naka-tyimpo na rin ito upang magsalita. Napatigil ang lahat at natuon ang paningin kay Wang. “Itong katabi ko, si Crepssin... Iyong dalawa sa labas, si Kyle at iyong makulit na madaldal si Marcial,” paliwanag ni Wang. “So, Crepssin pala pangalan mo,” nakangising bungad ni Ralph kay Crepssin. “Ew, sounds like, Crispin... Basilio mga anak ko,” sabat ni Jinx kaya napangiti ang sina Darel at Rea habang si Jepoy ay nanatiling walang imik. “Ang you're Sisa. I gues,” matapang na sambit ni Crepssin na ikinalaki ng mata ni Jinx. “Look... Tama nga at bagay sa iyo ang pangalan mo, Jinx.” Rumolyo pa ng mga mata si Crepssin. “Tutusukin ko iyang mata mo kakarolyo mo. Namumuro ka na ha? Baka nakakalimutan mo nasa teritiryo kita. Pasalamat ka at babae ka,” tugon ni Jinx. “Tumigil nga kayo sa bangayan! Hindi niyo na ginalang si Professor Wang,” sambit ni Jepoy ba nagpatigil sa kanilang lahat. “Oo nga naman, kukulit kasi ni Jinx at Rea eh. Buti pa itong si Darel, tawa lang nang tawa,” sabi ni Ralph saka hinawakan at tinapik sa dibdib si Darel dahilan kaya nasagi ang sugat nito. “Aray!” Napatingin silang lahat kay Darel. Biglang umalon ang dibdib nito at tinakpan ang dibdib nito. “Anong mayroon diyan? Patingin...” saad ni Ralph. “W-wala ito... balda lang...” Napangiting aso na lamang ito sa kaniyang mga kasama. “Akin na patingin!” saad naman ni Jinx saka iyon tumayo at hinawakan ang damit ni Darel. Pinigil pa siya nito kaya napatayo na rin si Darel upang hindi iyon tuluyang makita ng kaniyang mga kasama. Natatakot kasi siyang malaman ng mga kasama niya na may kagat siya ng zombie sa kaniyang dibdib. “Hoy! Akin na. Ralph hawakan mo nga!” saad ni Jinx. Bigla na ring tumayo si Rea at pumalikod kay Darel. “Wala ito ano ba? Ano lang sugat lang ito,” pagdadahilan ni Darel. Bigla siyang niyakap ni Rea sa kaniyang likod kaya hindi siya nakagalaw. “Jinx! Jinx! Tignan mo!” sabi ni Rea. “Para kayong mga bata! Tumigil na nga kayo!” saway ni Jepoy pero hindi sila natinag. Lumapit si Jinx at tinignan ang dibdib ni Darel. Bigla namang napaatras si Jinx sa kaniyang nakita. Tila bigla itong nanigas nalaglag na lang ang panga. “Bakit Jinx? Tinubuan ba ng dibdib si Darel?” biro ni Rea. “Infected si Darel!” sigaw ni Jinx. Nanlaki ang mga mata nilang lahat at napatingin kay Darel. Lumayo naman agad si Rea at lumapit kina Jepoy. “S-s-sorry, Guys,” sambit ni Darel. Nagbabadya ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Bakit hindi mo sinabi!” sigaw ni Jepoy. Napayuko na lamang si Darel at tuluyan ng humikbi. Napaluhod na lamang siya at impit na umiyak. “Kaya ba binalak mong umalis sa lugar na ito? Kanina?” tanong ni Jinx. Tumango ito bilang tugon sa kaniyang mga kasama. “Ayaw kong ako ang maging dahilan ng ikakapahamal niyo. Aalis na sana ako kung hindi lang ako pinigil ni Jinx at dumating sina Professor Wang,” paliwanag nito sa mga kasama. Halos mapiyok na siya sa pagsasalita niya. Halos dinudurog ang kaniyang puso sapagkat hindi niya gusto ang nangyayari sa kaniya. “It still fine! It's fine,” sabat ni Wang. “Fine?! He is infected na! Paano kung tayo ang kagatin niyan Prof, ikulong niyo iyan!” sigaw ni Crepssin dahilan kaya napatingin ang lahat sa kaniya nang nakalukot ang mukha. Hindi nila gusto ang mungkahing iyon ni Crepssin. Mahirap para sa kanila ang gawin iyon sa kanilang kaibigan sapagkat nakasama nila ito ng matagal. “Tama si Crepssin, ikulong niyo na ako bago pa ako makapanakit sa inyo,” sagot ni Darel. “It is fine, Darel. Hangga’t buhay ka, hindi mati-take over ng mga parasite ang neurons sa utak mo para manipulahin ka, we are still safe,” paliwanag ni Professor Wang. “What? Mas okay pa siguro kung patayin na natin iyan, bago pa tayo ang mapatay,” bungad ni Jepoy. “No!” sigaw ni Wang. “Yes! I am willing, kill me, Jepoy!” utos ni Darel sa kaniya. Wala namang naglakas loob lumapit pa kay Darel sapagkat natatakot sila sa maaari nitong gawin. “We are still safe! Hindi pa rin siya mananakit sa atin, let stay him alive!” paliwanag ni Wang sa kanila. “Prof, kapag pinatay natin siya mas mabuti, katulad ng napapanood ko sa TV kapag infected babarilin sa ulo para mamatay na.” “But they aren't as what we watched on TV, Jepoy! Kahit patayin sila hindi sila namamatay at mas lalo lang magiging agresibo ang mga parasite sa utak nila!” “Tama na nga iyan, akin na ang baril!” sigaw ni Ralph. Hinigit niya iyon kay Jepoy. Lumapit ito kay Darel at itinutok ang baril sa ulo nito. “Huwag!” sabay-sabay na sigaw nilang lahat. Kaya napatigil si Ralph at napatingin sa kaniyang mga kasama. Gayunpaman ay biglang inagaw sa kaniya ni Darel ang hawak nitong baril at itinutok iyon sa kaniyang bibig. Mabilis niya iyong kinalabit at isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid. Napakapit na lang si Crepssin sa balikat ni Wang at isinubsob ang kaniyang mukha upang hindi makita ang pangyayari. Si Rea at Jinx naman ay tila tinakasan ng kaluluha at namutla na lamang. Si Jepoy at Ralph naman ay napaawang na lamang ng mga labi. “N-n-nagbibiro lang naman ako Darel! Bakit mo tinutuo! Walang hiya ka! Bakit!?” sigaw ni Ralph at lumuhod na sa katawan ni Darel na wala ng buhay. “Ralph stay away from him!” sigaw ni Wang sa kaniya pero hindi siya pinakinggan ni Ralph. Niyakap niya lamang ito nang mahigpit. Habang sina Rea at Jinx naman ay napaakap na lang din sa isa’t isa at impit na naiyak. Si Jepoy naman ay napahawak na lamang sa sentido ng kaniyang ilong. “Ralph, I said stay away. Infected iyan baka mabuhay iyan at kagatin ka!” banta ni Wang sa kaniya. “Wala na nga hindi ba? Patay na siya! Wala na ang kaibigan namin, hindi na siya magiging Zombie pa! Tumigil ka ng matanda ka, bakit ba naparito pa kayo, kayo ang malas eh. Kayo!” bulyaw ni Ralph kay Wang kaya napayuko na lamang ito sa kaniyang narinig. Napahiyaw na lamang ang malakas si Ralph kasabay ang paglandas ng kaniyang mga luha. Nagyakapan na lamang sina Rea at Jinx habang patuloy na umiiyak. Maya-maya lamang ay bigla na lamang gumalaw si Darel. Kaya at napalaki ang mga mata ni Darel. “Ralph stay away, hindi na si Darel iyan!” sigaw ni Wang sa kaniya subalit hindi siya natinag. “B-buhay ka... Buhay ka, Darel!” sigaw ni Ralph. Napalaki na lamang ng mga mata nila sina Jinx at Rea at napatingin na rin kay Darel. Si Jepoy naman ay nakaawang pa rin ang kaniyang mga labi at hindi halos makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan. Napatingin si Darel kay Ralph at doon napagmasdan nito ang mata ng kanilang kaibigan. Hindi na iyon normal. Bigla niya na lamang hinigit ang balikat ni Ralph at kinagat iyon. Sabay-sabay namang napahiyaw sina Jepoy at ilan sa mga kasama nipang nakasasaksi sa pangyayari. Kasabay noon ay ang malakas na sigaw ni Ralph na umalingawngaw sa buong paligid. “Ralph!” sabay na sigaw ni Jinx at Rea. “Labas! Labas!” sigaw ni Wang sa kaniyang mga kasama. Hinigit niya na ang pulsuhan ni Crepssin upang makaalis na sa lugar sapagkat hindi magtatagal ay magiging Zombie na rin si Ralph. Hindi na nakapalag pa si Ralph mula sa pagkakayapos ni Darel sa kaniya. Kagat-kagat nito ang leeg ni Ralph at umaagos mula roon ang sariwang dugo. Nauna ng lumabas sina Crepssin at Wang habang sina Jepoy at Jinx maging si Rea ay nasa loob pa at hindi halos makapaniwala sa kanilang mga nakikita. Tuluyan ng nawalan ng buhay si Ralph sapagkat marami na ang dugong umagos mula sa leeg niya. Naabot na rin kasi ang malaking ugat nito sa leeg patungo sa kaniyang utak kaya hindi na iyon kinaya pa ng kaniyang katawan. Muli namang tila bumalik ang ulirat nila Jepoy nang muling magkamalay si Ralph at nagising. Tulad na rin siya ni Darel at sabay na silang tumato nang mapansin ang presensya ng tatlo nilang kaibigan. Wala ng ibang inisip ang dalawa kung hindi maibsan ang kanilang mga gutom at ang mga nasa harap nila ngayon ay ang kanilang mga pagkain. Pasigaw na lumabas sina Jinx at Rea,habang si Jepoy ay hinawakan niya sa damit si Jinx para maunang makalabas. Sumunod sila kina Wang maging ang dalawang Zombie nilang kaibigan at sumunod na rin. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD