KABANATA 19

1692 Words
(Pakikipagkasundo) “Yrris!” ubos lakas na sigaw ni Kyle na umalingawngaw sa buong lugar. Bigo silang mahanap si Yrris ngunit hindi sila tumitigil sa paghahanap. Kasalukuyan nilang iginagala ang kanilang mga mata sa paligid at umaasang masusumpungan nila si Yrris. Maya-maya lamang ay lumitaw na sa kanilang harapan sina Jepoy. Nasa likod nito si Rea at Jinx na may mga malademonyong ngiti. Nanlaki pa ang mga mata ni Kyle maging si Wang at Marcial ay gayon na rin. Napalunok naman agad ng laway si Jinx nang bigla magtama ang mga mata nila ni Marcial. Kumapit naman sa braso ni Kyle si Crepssin dahil sa takot. “Babe, dito ka sa likod ko huwag diyan kay Kyle! Huy!” protesta ni Marcial kay Crepssin. Biglang itinutok ni Jepoy ang kaniyang hawak na 45 sa tatlo. “Ah may baril! Tago mo ako. Tago niyo ako!” sigaw ni Marcial at pumalikod na kina Crepssin. Habang sina Kyle at Wang ay napataas na lang ng kanilang mga kamay. Napangisi naman sina Rea at Jinx sa naging reaksyon ng apat. Dahan-dahan lumapit ang grupo ni Jepoy kaya umaktras naman sina Kyle subalit ang hindi nila batid ay nasa likod nila sina Krishmar at Ralph. Lumapit ito kina Kyle at biglang humakbay sa kanila na ikinagulat pa nilang apat. Nanlalaki ang mga mata ni Marcial habang nakatingin sa nakahakbay sa kaniya. Tila bigla itong nanliit. “Huy kayo, anong ginagawa niyo rito?” hindi na naiwasan ni Jinx na hindi magtanong. “N-n-napadpad lang kami rito, sinugod kasi ng mga Zombies ang pinagtataguan namin eh. Kami lang ang nakaligtas,” matapang na sagot ni Kyle sa kanila. “May nakita ba kayong babae rito na infected, pero hindi siya tulad ng mga infected sa labas,” tanong ni Wang. “Ah siguro iyong Yrris!” sagot ni Krishmar kaya napatingin sina Kyle sa kaniya. “Siya nga, nasaan siya?" tanong ni Kyle. “Kilala niyo siya?” dagdag niya pa. “Ops! Not that fast! Paano kami magtitiwala sa iyo?” tanong ni Jepoy habang patuloy na nakatotok ang baril. “Kayo nga ang hindi dapat pagkatiwalaan eh kayo iyong may dala ng baril! Ibaba mo iyan bago pa pumutok!” sabat ni Marcial. Mas hinigpitan ni Ralph ang pagkakahakbay sa kaniya kaya medyo napangiwi si Marcial. “Hindi na mahalaga! Hindi kami ang kalaban dito mga bata, tao kami dapat tayo ang nagtutulungan dito hindi dapat tayo mag-away ng ganito, tao rin kami at hindi kami infected” paliwanag ni Wang sa kanilang lahat. “Tumigil ka nga tanda!” bulyaw ni Jinx kay Wang. “Hoy! Ang bastos mo, gumalang ka naman sa matanda sa iyo! Hindi mo ba alam na isa siyang professor at doctor!” hindi na naiwasang magsalita ni Crepssin. Nag-apoy bigla ang mga mata ni Jinx dahil sa sigaw pabalik ni Crepssin sa kaniya. “Isa kang doctor?” sabat ni Ralph. Kaya napatigil ang grupo nina Jepoy. Tumango na lang si Wang sa kaniya bilang pagsang-ayon. Bumagsak naman ang mga panga nina Krishmar sa kanilang narinig “Oo, sa katunayan, ako ang dahilan ng lahat kung bakit nagkaganito ang mundo dahil sa naimbinto ko.” “Tama! Naaalala ko na! Siya si Doctor Kim Wang, ang professor ng Zucchini University na naka-imbento ng gamot! Nakita ko ang video na in-upload niya,” mababakas ang pagkamangha sa tinig ni Rea. Napantingin silang lahat kay Wang at nanlaki na lamang ang mga mata. Nalaglag naman ang panga nina Jepoy sapagkat nasa harap na nila ang isang sikat na scientist noon. “I-i-ikaw iyo?” tanong ni Ralph. “Oo ako nga, iyong babaeng infected! Kasama namin siya, katunayan siya na lang ang pag-asa namin, natin para mahanap ang gamot at maging normal ang lahat!” paliwanag ni Wang sa kanila. Lumapit naman sina Ralph, Krishmar at Darel kina Jepoy. Gumawa sila ng bilog at nag-usap sandali sa kanilang gagawing hakbang. Pinagmasdan na lamang sila ng grupo ni Wang at nagkapalitan pa silanng mga paningin. Maya-maya lamang ay humarap muli silang lahat kina Wang. “Sige, tutal malaki naman itong mansyon, sama-sama na tayo rito, pero gusto ko lang siguraduhing hindi tayo mapapahamak sa babaeng infected,” paliwanag ni Jepoy. “Oo, makakasigurado kayo,” sagot ni Wang sa kanilang lahat. “Sige, mauuna na ako, pupuntahan at pakakawalan ko lang si Yrris!” paalam ni Krishmar. Mababakas ang galak sa kaniyang mga mukha. Tila biglang kumulo ang dugo ni Kyle sa kaniyang nakikita kay Krishmar. Hindi niya nagugustuhan ang ngiti sa mga labi nito. “Sandali! Gusto ko siyang makita!” sabat ni Kyle. “Sasama ako sa iyo,” dagdag ni Kyle. “Maaari na rin ba kaming sumama?” sabat naman ni Marcial. Tumango na lamang si Jepoy bilang pagsang-ayon kaya napangiti na lamang siya maging si Crepssin na noon ay katabi niya lamang. Sumunod na sila kay Krishmar habang sina Jepoy ay sumabay na kina Wang. Naglakad sila patungo sa kinaroroonan ni Yrris. Nang makarating ay agad na pinakawalan ni Krishmar si Yrris. Nakita naman niya agad ni Yrris si Kyle kaya wala sa isip itong lumapit ang niyakap nang mahigpit si Kyle. “Hoy, tigip niyo nga iyan! Wala kayo sa hotel!” sabi ni Jinx na nasa likod na pala nila. Si Krishmar naman ay tila nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib nang makita sina Yrris. “M-mag Jowa kayo?” tanong agad ni Krishmar kina Yrris. Umayos ng pagkakatayo sina Kyle habang sina Wang naman ay pumasok na rin sa loob habang inililibit nila ang kanilang mga mata. “Hindi,” tipid na sagot ni Kyle saka napayuko. Tinignan lang si ni Yrris saka napabuntong-hininga. “Oh hindi naman pala.” Lumapit ito kay Yrris at hinawakan ito sa pulsuhan saka hinila patungo sa kaniya. Humakbay pa siya roon. Napayuko na lamang si Kyle sa kaniyang nakita. Gusto niyang magalit pero wala siyang karapatan. Gusto niyang ipagdamot si Yrris pero hindi maaari sapagkat walang sila. Magkaibigan lamang ang turungan nila at iyon ang iniisip niyang iniisip bu Yrris. Subalit hindi ganoon, hinihintay lamang ni Yrris si Kyle na magtapat sapagkat takot din itong magpahayag ng kaniyang nararamdaman. “Yrris, sama ka sa akin, pasyal tayo sa Garden sa labas,” anyaya ni Krishmar kay Yrris. Tumingin muna si Yrris kay Kyle subalit nakayuko lang ito. Naparolyo na lamang ng mata niya si Yrris. “Oh sige... Tara...” maarte nitong sambit at mas nilaksan pa ang boses. Bigla namang napaangat ng tingin si Kyle at hindi halos makapaniwala sa kaniyang narinig mula kay Yrris. “Tara...” sagot ni Krishmar saka inakay si Yrris palabas ng pinto Patungo sa harden ng mansyon. Wala namang nagawa si Kyle kung hindi ang sundan na lamang ng tingin ang dalawa. Napabuntong-hininga na lamang siya nang hindi niya na mamataan ang dalawa. “Asus! Halata namang may gusto ka kay Yrris at may gusto rin siya sa iyo bakit hindi pa kayo mag-aminan. Sinasaktan niyo lang ang sarili niyo,” sambit ni Marcial sa kaibigan. Lumapit ito sa kaniyang kaibigan upang kausapin habang sina Wang at Jepoy naman at ilan sa mga kasama nila ay nakaupo sa lamesa at nag-uusap din. “Anong pinagsasabi mo riyan, samahan mo na lang ako, mamasyal tayo,” anayaya ni Kyle kay Marcial. “Asus! Gusto mo lang sundan sina Yrris eh. Huwag ako... Tago-tago ka pa sa akin eh kilala na kita,” mapang-asar na sabi ni Marcial sa kaniya. “Sumama ka na lang kasi ang dami mo pang sinasabi!” bulyaw ni Kyle kay Marcial. “Sandali, isasama ko si Crepssin parang may balal sa kaniya si Darel at Ralph eh. Baka unahan ako,” pabulong na nitong sambit. “Sige na, tara na bilis,” atat na sambit ni Kyle sa kaniya. “Crepssin, gusto mo sumama sa amin? Lalagaw lang tayo, lilibot lang tayo sa place, tara na, be!” aya ni Marcial kay Crepssin pero tinitigan pang siya nito. “Tara na?” “Ayaw rito lang ako kay Professor Wang,” sagot nito. “Dali na!” “Ayaw ko sabi eh ang kulit mo!” “Magpapakamatay ako.” “Huwag mong pilitin ang ayaw, lumakad ka na kung saan mo gustong pumunta, hindi ka ba naawa kay sinong pangalan mo?" tanong ni Ralph kay Crepssin. Napatingin naman sa kaniya si Crepssin at sumagot ng, “Crepssin...” “Si Crepssin, so alis!” “Hoy ikaw na one side ang buhok. Huwag kang magtangkang ligawan si Crepssin sa akin lang iyan, kaya back off!” Napahiyaw silang lahat sa sinabi ni Marcial sa kanila. “Wow, ang heavy...” sabi ni Rea. “Pwede ako na lang, ako sa iyo na lang ako,” sabat ni Jinx. “Jinx? Ang kalat mo? Lalaki ka rito,” sagot ni Rea sa kaniya kaya medyo natauhan ito. Napangisi na lamang si Jepoy at walang habang si Darel ay tinatabunan na lamang ang kaniyang bibig at palihim na tumatawa. “Halika na nga, Marcial!” saad ni Kyle at hinila ang balikat ni Marcial kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lang din sa kaibigan. Lumabas sila sa pinto upang palihim na sundan sina Yrris. “Saan pumunta ang dalawang iyon?” tanong ni Kyle sa sarili habang patuloy na iginagala ang mga mata sa paligid. Si Marcial ay nakayuko na lang at tila walang pakialam sa kanilang ginawa. Para itong naiwanan ng kaluluwa sapagkat lutang itong naglalakad. Bumangga pa ito sa likod ni Kyle nang huminto ito. “Ouch!” Pinitik ni Kyle ang noo ni Marcial. “Bakit ba?!” palahaw nito sa kaibigan. “Tulungan mo akong maghanap kina Yrris!” “Ikaw kasi bakit hindi mo pa sabihin na may gusto ka sa kaniya!” wala sa isip na tugon ni Marcial. Hindi nila napansin na malapit lamang sa kinaroroonan nila sina Yrrid at mga malalaki at mataas na bulaklak lamang ang nagsisilbing pagitan nila kaya rinig ang pag-uusap ng dalawa. Napangiti si Yrris sa kaniyang narinig. Napansin naman si ni Krishmar pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin bagkus ay inalay niya si Yrris palayo sa lugar. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD