(Paghahanap)
“Ang tagal naman ni Yrris Prof,” pagbasag ni Kyle sa katahimikan habang nakaupo sa sofa kasama si Wang. Nakatingala silang pareho at nakatingin sa kisame.
“Oo nga ano?” pagsang-ayon ni Wang sa kaniya. “Hindi kaya may nangyari na roon?” dagdag pa niya.
Napabalikwas agad si Kyle at napaayos ng upo. Napatingin siya kay Professor Wang na noon ay nakatingala pa rin.
“Titignan ko lang,” sabi nito saka tumayo mula sa pagkakaupo.
Hindi siya sinagot ni Wang bagkus ay hinayaan na lamang si Kyle sa kaniyang gagawin.
Napasulyap pa siya kay Wang subalit tila ginhawa na ito mula sa pagkakaupo habang nakapikit pa ang kaniyang mga mata.
Inilibot muna ni Kyle ang kaniyang paningin sa loob bago tuluyang umalis sa lugar para hanapin si Yrris.
Si Crepssin at Marcial naman ay napunta na sa itaas ng bahay upang maghanap ng damit pampalit sapagkat pareho silang basa dahil sa pagkahulog nila sa pool.
Samantala, si Yrris naman ay dinala na ng grupo ni Jepoy sa loob ng isang silid.
Pagpasok ni Yrris sa isang silid ay tumambad agad sa kaniya ang isang malawak na silid. Tiled ang sahig nito at nangingintab pa. May mahabang lamesa at may katamtamang poste sa gitna na nagsisilbing brace ng kisame.
Kasya silang pito sa loob noon sapagkat napakalawak ng lugar. May iilang pinto patungo sa mga silid tulugan at isa pang pinto patungong kusina. Wala namang second floor at kulay abuhin ang pagkakapintura ng dingding na sinamahan pa ng mga mamahaling painting.
“Itali niyo iyan sa poste! Ralph! Tali niyo,” utos ni Jepoy kay Ralph.
Nauna namang umupo sa lamesa sina Darel, Rea, Jinx at Krishmar habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Ralph.
Dinala nito si Yrris sa isang posted. Habang si Jepoy naman ay naghanap ng maipantatali kay Yrris.
Nang makakita ay agad niya iyong ibinigay kay Ralph.
“May hitsura siya ah,” sabi ni Krishmar. Ikalawang puri niya na ito kay Yrris.
“Kanina ka pa, Krishmar. Pakasalan mo na kaya?” sabat ni Jinx sa kaniya.
“Mag-aaway na naman kayo niyan!” saway ni Rea.
“Oh, Krish... Inaasar ka oh mukha ka raw pwet. Kung ako iyan, sinapak ko na!” bero ni Darel.
“Wala akong sinabi!” protesta ni Jinx.
“Sinabi ko bang ikaw? Sige nga pitikin mo nga tainga ni Krish,” dagdag pa nito.
“You know I can. Pero bago ko gawin iyon Darel, pwede sa iyo ko muna gawin?” sabi ni Jinx saka tumayo mula sa pagkakaupo upang puntahan si Darel.
“Tama na nga iyan! Para kayong mga bata,” saway ni Ralph sa kanila matapos niyang maigapos si Yrris sa poste.
“Huy! Ikaw! May pangalan ka ba?” tanong ni Jepoy kay Yrris kaya natawag na rin ang atensyon ng mga kasama nito.
“Of course ‘no? I’m Yrris! Pakawalan niyo na ako, I told you, hindi ako mangangagat. Hindi ako wild na Zombies tulad ng iniisip niyo, please. Baka hinahanap na ako ng mga kasamahan ko,” paliwanag nito sa magbabarkada.
“May kasama ka? Tulad mo rin?” tanong ni Jepoy.
“Ganda ng name, bagay na bagay sa iyo,” sabi ni Krishmar saka tumayo upang lapitan si Yrris.
“Huwag ka ngang lumapit diyan Krish, baka mamaya kagatin ka niyang bigla!” bantay ni Jinx sa kaniya pero hindi ito natinag.
“Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo, Jepoy. Pakawalan na kaya natin?” sabi pa ni Krishmar saka humarap kay Yrris at ngumiti ng nakaluluko.
Naparolyo lang ng mga mata si Yrris kahit wala naman itong irish sapagkat kulay puti ang kabuuan ng kaniyang mga mata.
“Baliw ka na ba? Paano kong nililinlang tayo niyan?” protesta ni Jepoy.
“Tama, Krish. Hindi pa tayo tiyak, baka mamaya kapag pinakawalan natin magtataqag iyan ng mga kasama at paglalapain tayo,” pagsang-ayon ni Ralph sa sinabi ni Jepoy.
Samantala, halos naikot na ni Kyle ang buong mansyon ay hindi niya mahanap si Yrris. Bigla na itong kinutuban ng masama kaya muli ay bumalil ito sa kinaroroonan nina Wang.
Nang makabalik siya ay nakita niya na nakabihis na sina Crepssin at Marcial.
Lumapit si Kyle kay Wang at naupo muna ito samdali. Napansin niya kasing nakapikit ito at nakanganga pa. Nakatulog na ito sa sofa ng hindi niya namamalayan.
“Prof?” mahinahong sambit ni Kyle.
Unti-unti namang nagmulat ng mga mata si Wang at itinuon ang paningin kay Kyle.
Bahagya pa itong napakusot ng kaniyang mga mata.
“Nawawala po si Yrris Prof," direktang sambit nito kaya nanlaki ang mga mata ni Wang.
“Huwag mong hawakan masakit!” sigaw ni Crepssin nang biglang hawakan ni Marcial ang balikat nito.
Kaya napatigil sina Wang at Kyle. Napatingin na lamang silang dalawa kay Crepssin at Marcial na nag-uusap.
“Bakit? Wala namang pilay ah? Where it hurts na ba?” malambing na sambit ni Marcial sa kaniya.
Napailing pa si Wang habang nakatingin sa dalawang nagbabangayan.
“May sugat!”
“Wala nga eh oh check mo pa.”
“Mayro’n nga sabi!!! Kapag sinabi kong may sugat! May sugat! Kasi habang hinahawakan mo ang balikat ko naalala ko lang si Peter sa iyo! Nasusugatan ako kasi madalas niyang gawin iyan sa akin kaya huwag mo akong hahawakan diyan masakit!” sabi nito saka yumakap nang mahigpit kay Marcial at humagolgol ng iyak. “Huwag mo akong nilalandi ng ganiyan dahil sa tinatablan ako,” dagdag pa nito.
Malademonyo namang napangiti si Marcial bago itinuon ang tingin sa direksyon nina Kyle.
“Hindi ko alam kung isasama pa ba ito sa script o sadyang dagdag na lang ito sa word count ng Author,” usal ni Wang habang nakatingin kina Marcial. Bahagya pa siyang napa-iling-iling ng kaniyang ulo.
“Prof?” tanong ni Kyle sapagkat medyo naguluhan ito sa sinabi ni Professor Wang.
“Wala-wala,aabi ko hanapin na natin si Yrris,” sambit na lamang nito. Kapagkuwan ay tumayo ito sa sofa at sinabayan na siya ni Kyle.
Naglakad sila palabas sa pintuan upang simulan nang hanapin si Yrris sapagkat ilang minuto na itong nawawala.
“Prof saam kayo pupunta?” tanong ni Marcial nang mapansin sina Kyle na palabas ng pintuan.
“Hahanapin si Yrris. Kanina pa hindi nakababalil eh,” si Kyle na ang sagot sa kaniya.
Kumalas na rin sa pagkakayakap si Crepssin ngunit magkahakbay pa rin ang kamay ni Marcial sa balikat nito.
“Sasama kami,” presenta ni Crepssin.
Napatingin sa kaniya si Marcial at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Crepssin.
“Tara na bilisan na natin bak kung napaano na si Yrris,” dagdag naman ni Wang.
Nagsimula ng humakbang si Crepssin at dali-daling lumapit kay Kyle. Naiwan naman si Marcial at tila hindi pa rin makapaniwala sa desisyon ni Crepssin na sumama.
“Ikaw Marcial? Sasama ka ba?” tanong ni Kyle sa kaibigan.
Tinitigan siya ni Crepssin at hinintay ang kaniyang sagot. Ganoon din ang ginawa ni Wang sa kaniya.
“Oo,syempre ako pa!” sagot nito sa kaniyang mga kasama.
Lumapit ito at tumabi kay Crepssin. Humakbay pa ito na agad namang hinawi ni Crepssin. Lumipat ito ng hiwesto at nagpunta sa kabilang bahagi ni Kyle. Si Kyle ang nagsilbing harang ng dalawa.
Kapagkuwan ay lumabas silang lahat sa pintuan at nagtungo kung saan nila huling nakita si Yrris ngunit wala sipang mahanap na Yrris doon.
Napakalawak din kasi ng mansyon at impossible malilibot mo ang kabuuan nito sa isang araw. May malawak din kasing sagingan at farm sa likod.
Kaya hindi na nila maiwasang hindi simugaq upang hanapin si Yrris.
“Yrris! Nasaan ka na!” sigaw ni Kyle.
“Yrris!” si Crepssin at si Wang ang sabay na sumigaw.
“Yrris pakigalaw ng baso kung na riyan ka please!” sigaw naman ni Marcial kaya napatingin silang lahat kay Marcial.
Agad namang napa-peace sign si Marcial sa kaniyang pinagsasabi. “Ang dami mong alam na kalukuhan Marcial,” saway sa kaniya ni Kyle.
“Yrris! Nasaan ka!” sigaw ni Wang.
Patuloy lamang sila sa pagtawag hanggang sa marinig nga iyon ng grupo ni Jepoy. Sisigaw na sana pabalik si Yrris ngunit mabilis na tinabunan ni Krishmar ang bibig nito sapagakat malapit lamang ito kay Yrris. Ni hindi niya naisip na baka kagatin siya ni Yrris.
“Uy, Krishmar baka kagatin ka!” may halong pag-aalala sa tinig ni Rea.
Tinitigan lang ni Krishmar sa mata si Yrris at ngumiti lamang ito nang nakaluluko. Hindi namang nakakibo si Yrris mula sa pagbusal ng kamay sa bibig niya.
Tila may kung ano sa titig ni Krishmar na nagpatigil sa mundo niya. Napatitig lang din si Yrris sa kaniya.
“May tao! May maghahanap kay Yrris!” halos panbulong na wika ni Jinx.
Nagkapalitan pa silang lahat ng tingin at tila pinakikiramdaman ang kanilang mga sunod na gagawin.
“Busalan niyo nga sa bibig iyang Zombie na iyan!” sabi ni Jinx.
“Oo nga, ako na gagawa, sandali,” dagdag naman ni Rea. May kinuha ito mula sa likod na bulsa niya at isa iyonh tuwalya.
Mabilis niya iyong ginawang pambusal sa bibig ni Yrris para hindi na ito makagawa pa ng ingay.
Wala namang nagawa si Yrris kung hindi ang impit na lamang na sumigaw.
Napangiti naman silang lahat ng mabatid nilang hindi na nakakagawa pa ng ingay si Yrris.
“Ikutan niyo mula sa kusina, kami na rito sa harap. Krish at Ralph,” utos ni Jepoy sa dalawa.
“Sasama na ako sa kanila,” paalam ni Darel. Hindi naman siya pinigilan ni Jepoy kaya ginawa na nila ang kanilang mga gagawin.
Isa-isa na silang nagsipulasan upang tignan ang naghahanap kay Yrris ay si Kyle iyon at ang grupo niya.
Kanina pa sila naghahanap sa buong lugar ngunit hindi nila matagpuan si Yrris. Matagal na itong hindi nakakabalik sa kinaroroonan nila kaya hinanap na nila ito.
------